Chapter 17 ✍ - Stefan

53.9K 746 32
                                    

Kassandra ✍


"Ladies and Gentlemen! Let us give an applause, to the future Mr. & Mrs. Montreal!" announced ng Emcee.

We all clapped our hands. I'm happy for Lucas.

He has a perfect soon to be bride. 

"What are you all waiting for?! Let's all celebrate!" dagdag pa ng Emcee.

The disco songs started to play. Ayoko pa naman ng mga ganitong okasyon.

Pero wala akong magagawa, narito na ako. 

Ayoko namang umuwi mag-isa. Hindi ko alam kung pano uuwi.

At tska, wala na sigurong sasakyan na dadaan sa lugar na 'to kase gabing-gabi na.

"Kass? Gusto mo bang sumayaw?" ayaya ni Mish.

"No thanks. Kayo nalang." at sumayaw sina Bryan, Mish at James.

"Ayaw mo bang sumayaw?" sabi ni Stefan.

"Ayoko." tipid kong sagot.

"As usual. Pero sasamahan kita ngayon." sabi niya.

"No, no. Okay lang talaga ako dito." sagot ko.

"Okay lang din ako." sagot rin niya.

Hindi na ako nakasagot pa. Alangan naman pilitin ko siya.

"It's nice to see na nagkakasundo ang dalawang University noh?" sabi ni Stefan.

"Oo nga." sagot ko. 

Tinitingnan lang namin ang mga masasayang taong nagsasayawan.

Hanggang sa dumating sa table namin si Nicole ... kasama syempre si Lucas.

"Hi bes!" bati ni Nicole.

Bes? Mag bestfriend sila?

"Oh hi Nic! Congrats!" bati ni Stefan at nagshake hands pa sila.

"Congrats din, Bro." dagdag pa niya.

At napatingin sa akin si Lucas. 

"So, who is she? Your new girlfriend?" pagbabaling ni Nicole sa akin.

"Ah, siya si Kassandra. Yung tinutukoy kong girlfriend ko noon." sagot nito.

Tiningnan ko ng masama si Stefan. Nagawa pa talaga niyang magkwento ha.

"Ah, Congrats nga pala." bati ko kay Nicole.

"Congrats din." at kakamayan ko sana si Lucas pero tiningnan lang niya at hindi niya tinanggap.

Mabuti nalang at hindi nila ito masyadong napansin.

"Lucas, pwede bang dito muna tayo? Napagod ako ng kaunti." sabi ni Nicole at umupo siya sa table namin.

"Sure. Dun muna ako." sabi ni Lucas.

"No, dito ka lang." at pinaupo niya rin si Lucas.

Katabi ko si Stefan at kaharap namin sina Nicole.

"So, ikaw pala ang one and only ni Stefan." pagbabasag ni Nicole ng katahimikan.

"That was past." at ngumiti lang ako ng mapait.

"Tss." rinig ko ang naging sagot ni Lucas.

"What's wrong?" tanong ni Nicole dito.

"I'm bored." sagot nito.

"Ah, maiwan na namin kayo." pagpapaalam ni Nicole.

"Sure." sagot namin ni Stefan.

° ° ° ° ° ° °

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon