Chapter 11

1.5K 68 3
                                    


Zeea.

Kumunot ang noo ko sa pagkain na nasa harap ko. Nagc-crave kasi si Jade ng chicken inasal kaya talagang lumabas pa si Hera para bumili at dalhin dito sa mansyon nila. Nasa dining area kami at maganang kumakain si Jade. Bumalik na rin si Hera sa kumpanya nila dahil nga nagpabili sakanya ang asawa niya. Napatingin ako kay Reene na nakikikain din kay Jade kaso with rice sakanya samantalang yung chicken lang talaga ang nilalantakan ni Jade. Gusto ko ng chicken sandwich kaya kumuha ako ng bread at nag-slice ng lettuce at tomatoes. Naglagay din ako ng maraming cheese at kumuha ng chicken inasal at tinanggal ang mga buto bago ilagay sa tinapay. Nang matapos ay agad akong kunagat at feeling ko ay nanalo ako sa lotto.

"Ang hirap sabayan ng trip niyong dalawa. Kung sana ay may iba kayong makakasama dito sa napakalaking mansyon ni Hera edi sana nasa school ako ngayon." Masungit na sabi ni Reene na tinawanan lang namin ni Jade. Nagsusungit pa talaga siya eh halata namang nagaalala talaga siya.

"Nagsusungit kana naman magpabuntis kanta rin para preggy tayong tatlo." Pinigilan ako ang  pagtawa ko dahil sa sinabi ni Jade. Siraulo talaga ang babaeng ito.

"Tigilan niyo ako ha. Ni wala nga akong jowa tapos magpapabuntis pa ako? Umayos kayo." Inirapan niya kami kaya natawa kami pareho ni Jade. Ang cute talaga maasar ni Reene akala mo laging inaaway eh.

"Huwag kayo maniwala sakanya." Napalingon kami sa nagsalita at bumungad sa amin si Kyla na may dalang bulaklak at ice cream kaya natakam ako bigla doon. Lumapit siya sa amin ni Jade at bumeso pagkatapos ay ibinigay kay Reene ang red tulips at hinalikan niya si Reene sa noo kaya nalaglag ang panga namin ni Jade. Hindi nasapak si Kyla kaya talagang gulat na gulat kami. Umupo si Kyla at ngumisi sa reaksyon namin samantalang si Reene naman ay patuloy lang sa pagkain at hindi kami pinapansin.

"May dapat ba kaming malaman?" Tanong ko kaya napatingin sa akin si Reene at nagkibit-balikat. Nagkatinginan kami ni Jade at nangitian sa isa't-isa.

"Kayo na!?" Exaggerated na tanong ni Jade at ngumiti sa amin si Kyla kaya napatili kami ni Jade! Akala namin wala talagang pag-asa si Kyla kay Reene dahi nga pusong-bato yata ang puso ni Reene pero kita mo nga naman at talagang sila na talaga. Parang noong nakaraan lang ay hindi sila nagpapansinan.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ko at napanguso dahil sa pagsisikreto niya. "Don't pout. Ngayon ko lang din nalaman na kami na pala." Sabi niya at umirap kay Kyla pero tinawanan lang siya ni Kyla.

"So hindi pa kayo?" Tanong ni Jade na halatang disappointed. "No. Huwag nga kayong atat kayo ba ang nililigawan?" Inirapan kami ni Reene kaya natawa kami pareho. Si Kyla naman ay nakangiti lang at aliw na aliw na pinapanood kaming asarin si Reene sakanya.

"Pero may balak ka talagang sagutin si Kyla?" Tanong ko at umirap si Reene sa amin. Kahit kailan sobrang sungit niya. "Oo nga kaya umayos kayo kasi kumakain ako. Bakit ka nga ba nandito? Wala ka bang work?" Tanong ni Reene kay Kyla.

"Dumaan lang ako para ibigay sa dalawang buntis itong ice cream at syempre para na rin sa babylabs ko." Kumindat siya kay Reene pero irap lang ang sagot ng kaibigan ko.

"Pumasok kana. Anong oras na rin." Sumaludo sakanya si Kyla at nagpaalam na sa amin pero bago siya umalis ay hinalikan siya ni Reene ng mabilis sa pisngi kaya natulala saglit si Kyla bago ngumiti ng malawak at nagpaalam na.

"Don't start again. Problemahin mo yung sainyo ni Sabrina." Biglang sabi ni Reene kaya nawala ang nakakalokong ngiti na naglalaro sa labi ko. Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya. May punto sila dahil matalino naman talaga si Sabrina at higit sa lahat ay hindi siya ipinanganak kahapon para maloko namin. Sooner or later ay maghaharap kaming dalawa para pag-usapan ang lahat.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon