Chapter 14

1.6K 68 0
                                    


Zeea.

Napatingin ako sa bag na pinaglagyan ng mga damit namin. Hindi ko alam anong nangyari pero namalayan ko nalang ang sarili kong nageempake kasama si Sabrina. Uuwi kami ng Pangasinan kasama sina Tita at Tito. Sabi nila sila na ang bahala sa hospital at sa kumpanya nila. Gusto rin daw kasi nilang mag-relax kahit isang linggo lang kaya sasama sila sa amin at tuwang-tuwa naman si Sabrina dahil makakasama siya. She volunteered to explain everything to my mother. Maasikaso naman si Sabrina at masasabi kong parang walang nagbago. Hindi kami magkatabi sa iisang kwarto dahil iyon ang isa sa kundisyon ko kung sasama ako sa mansyon nila para tumira.

She agreed and I am using her bedroom at siya ang natutulog sa guestroom. Natutuwa nga ako kapag nakikita ko yung portrait niya. Ako kasi ang nagpaint non, birthday gift ko sakanya. Hindi siguro nagalaw ito ni Alilei dahil nasa mansyon ito nila Sabrina. We have our own penthouse at nandoon ang memories namin ni Sabrina at sigurado akong hindi iyon alam ni Alilei. Napansin ko rin na bago lahat ang gamit ni Sabrina kaya sigurado akong nasa penthouse ang ibang gadgets niya. Nasira kasi yung phone niya noong naaksidente siya kaya napilitan siyang bumili ng bago.

"Are you okay?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya. May hawak siya tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas. Naduwal kasi ako kanina at masama ang pakiramdam ko lalo na at maaga kaming nagising ngayon dahil gusto nilang sa bahay namin sa Pangasinan kami mag-agahan. Naitawag ko na rin naman kay mama kaya walang problema. My mother is worried pero natutuwa siyang makita ako ulit lalo na at nalaman niyang magiging lola na siya.

"You can sleep mamaya sa van. I'll make sure that you'll be comfortable." Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango. Tinatamad akong magsalita kaya wala siyang magagawa. Inilapag niya ang tray at agad naman akong kumuha ng watermelon na na-slice na at natanggalan na ng buto.

"I want ice cream." Sabi ko dahil nag-crave ako bigla sa ice cream kaya napalunok naman siya.

"Maaga pa para mag-ice cream Zeea baka sipunin ka. Alas-kwatro palang ng madaling araw." Bigla akong naiyak sa sinabi niya. Nakakainis pero sobrang sensitive ko ngayong nagbubuntis ako. Bigla naman siyang nag-panic at tinabihan ako.

"Pagdating natin sa Pangasinan bibilhan kita ng isang galon na ice cream." Bigla akong napatigil sa pag-iyak dahil sa sinabi niya. Nakahinga siya ng maluwag at ako naman ay napangiti.

"Promise mo yan ha?" Sabi ko at natawa naman siya ng bahagya. Hinalikan niya ang noo ko at tinitigan ako sa mga mata kaya bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"I promise." Sabi niya kaya napaiwas na ako ng tingin ang sumubo ng prutas. Sobra naman ako kiligin ngayon. Ang aga aga kasi pinapakilig ako ni Sabrina eh!

Kinuha ni Sabrina ang bag na dadalhin ko at lumabas ng kwarto. Ilalagay niya siguro iyon sa sasakyan kaya kinain ko na ang nasa plato. Mabilis akong kumain at hindi ko pa naubos nag pagkain ko. Gusto ko na kasing maligo kaya dumiretso ako sa banyo niya at in-adjust ang temperature ng tubig bago naligo. Pagkatapos ko maligo ay lumabas ako at nadatnan ko ang nakapatong na malinis na damit sa kama kaya napangiti ako. Nakita ko rin na may note sa may tray kaya kinuha ko iyon at binasa.

'Finish your food and milk. I'll wait downstairs. Don't rush okay? I'll always wait for you.'

-Sabrina

Bago pa ako magwala sa kilig ay kinuha ko na ang mga nakahandnag pagbibihisan ko at isinuot na ang mga iyon. White floral dress ang inihanda niya at flat sandals. May jacket din dahil malamig sa labas. Pagkatapos kong magbihis ay inubos ko na ang pagkaing inihanda niya at ang gatas. Humarap ako sa salamin at naglagay ng lipgloss dahil ang dry ng labi ko. Sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos ay kinuha ang phone ko at lumabas na ng kwarto.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon