Sabrina.I am currently eating with Zeea na magana rin ang pagkain. Nagkakamay ito at marami rin siyang nilagay na chicken oil sa rice niya. Ang cute niyang kumain kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti habang kumakain siya. Kahit maraming tumitingin sakanya ay wala siyang pakialam at sige lang sa pagkain. Hindi pala siya sumabay kumain kay Reene dahil maaga ang pasok nito at tulog pa siya nang magising si Reene. Ayaw naman daw niya ng niluto ni Reene dahil iba raw ang kine-crave niya at heto nga kumakain na siya.
"Do you still want some extra rice?" Tanong ko at napatingin siya sa akin sabay iling.
"Iuwi mo na ako." Sagot niya kaya natawa ako. Iba ang naisip ko sa sagot niya. "I'd love to." Sagot ko at napatigil naman siya sa pagkain at napatingin sa akin.
"How about your cookies?" Tanong ko at napatingin siya sa kinakain niya at nagulat ako nang biglang tumulo ang mga luha niya kaya bigla ako nataranta.
"H-Hey! Are you okay?" Tanong ko at tinabihan siya. I cupped her face at pinunasan ang mga luha niya gamit ang thumb ko.
"My cookies." Sagot niya kaya palihim akong nakahinga ng maluwag at inipit ang takas na buhok niya sa gilid ng tenga niya.
"We'll get it okay?" I said and she nodded.
"I'm sorry hindi ko rin alam bakit ako naiyak." Sabi niya kaya natawa ako. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya gamit ang tissue.
"Sige na ubusin mo na yan tapos kukunin na natin yung cookies mo." Sabi ko at tumango naman siya pagkatapos ay magana nang kumain. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso agad kami sa DT Cafe, sinamahan ko siya papasok sa loob.
Kakapasok palang namin ay napatitig na siya agad sa oreo cheesecake na nasa cake stand kaya natawa ako at napailing. Nang makarating kami sa counter ay agad kong kinuha ang pina-reserve ni Zeea na cookies at pinadagdagan ko pa ng dalawang oreo cheesecake. May hula akong kakainin niya agad ang cookies kaya um-order din ako ng Iced Americano at Grapefruit Ade.
"Thank you for coming. Enjoy your food." Sabi nang babae sa counter kaya nagpasalamat din si Zeea saka kami lumabas.
"Refregirate it on your house and here's your drink." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya kaya napangiti ako. Ang cute niya tignan habang naka-tilt ng bahagya ang ulo niya.
"I bought the cake for you. You own one of it." Sabi ko na ikinagulat niya.
"You were looking at it earlier when we're entering the cafe. Mauna na tayo sa bahay, sunod nalang ang mga kaibigan natin." Sabi ko.
"You're still observant like before." She said and smiled kaya nagtaka ako sa sinabi niya.
"What?" Umiling siya at ngumiti pagkatapos ay nagpasalamat at uminom sa inumin niya. Tahimik kami habang binabaybay ang daan papunta sa apartment nila at nakangiti siya habang ngumunguya ng cookies. Sabi na eh tama ang hinala ko. I chuckled and she looked at me.
"Bakit?" Tanong niya at umiling lang ako. Nakarating na kami sa bahay nila kaya kinuha ko ang isang oreo cheesecake at pumasok na sa loob.
"Pakilagay nalang doon." Sabi niya at itinuro ang refregirator nila kaya dumiretso ako doon at binuksan ang ref nila. Napangiti ako nang puro matatamis ang nasa ref nila at may mga karton ng mga gatas. Nilagay ko na sa loob ng ref ang cake at sunod kong binuksan ang freezer nila. Bumungad sa akin ang sandamakmak na ice cream na cookies n' cream, chocolate at vanilla. So I guess matatamis ang pinaglilihian niya, may mga karne rin ng manok at baboy. May mga frozen goods rin pero karamihan ay mga pagkain ni Zeea at sigurado ako doon.
"Sabrina? Dito ka muna ha? Magbibihis lang ako." Sabi niya kaya tumango ako at pumasok na siya sa isang kwarto na hul ako ay kwarto niya.
Inilibot ko ang mata ko sa buong apartment nila. May mga picture frames doon kaya kumuha ako ng isa at pinakatitigan iyon. It was a picture of Jade, Reene and Zeea. This was captured at Jade's wedding kaya kumunot ang noo ko. Bakit parang hindi ko siya nakita? I should've seen her since she's one of Jade's bride's maid dahil na rin sa suot niya na kapareho ng kay Reene. Napatitig ako sa picture ni Zeea particularly sa singsing na suot niya. Kumunot ang noo ko nang mapansing pamilyar iyon, she's not wearing her ring now. Come to think of it, why isn't she wearing her wedding ring kung kasal siya?