Zeea.Tapos na ang lunchtime at ngayon ay nasa garden nila kami at kasalukuyang gumagawa ng kung ano-anong dessert. Tinuturuan ko silang gumawa ng mango graham cake at pagkatapos ay fruit salad. It was actually Tita Selene's idea na turuan ko silang gumawa ng mango graham cake at buko salad.
"Bakit ba gusto mong magpaturo mom?" Tanong bigla ni Sabrina. Si Alilei ay nasa poolside at naka-bathing suit. Ang kapal ng mukha niya akala mo naman bahay niya dito, masunog sana siya ng tuluyan doon.
"Paulit-ulit nalang kasi ang mga dessert na kinakain natin. I want something new." Sabi ni Tita at ngumiti pa kaya nagkibit-balikat naman si Sabrina. Nagpapasalamat pa ako dahil hindi sinusumpong ang baby ko. Tinulungan ko si Tita Selene na kayurin ang buko para mas mabilis dahil medyo mainit na dito sa labas. Hindi gaya kanina na medyo malilim pa at presko.
Ayaw kasi ni tita sa kitchen at mas maganda raw dito sa labas para presko at fresh. Natigilan ako nang punasan ni Sabrina ang sentido ko, napatingin ako sakanya at seryoso siyang nagpupunas ng nga butil ng pawis ko. Napaiwas ako ng tingin at napatingin kay tita na parang walang napapansin at enjoy na enjoy parin sa paggawa ng mango graham cake.
Alas kwatro nang matapos kami sa ginagawa namin at gumawa na rin kami ng graham balls na talaga naman enjoy na enjoy si tita dahil masarap daw nang tikman niya. She thanked me for teaching her new desserts to make and may bonus pang snack. Napailing nalang ako at bahagyang natawa. Nandito ako sa poolside dahil inaantay ko ang pagdating ng mga kaibigan namin dahil malapit nang mag-alas sais ng hapon at medyo malayo ako sa pwesto ni Alilei at napansin kong tumayo ito. Sayang naman hindi pa siya nasunog.
"Hey beggar!" Biglang sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Beggar niya mukha niya eh mas mukha nga siyang beggar sakin sinabi ko ba? Duh!
"I'm talking to you! Ikaw lang naman ang beggar dito!" Sabi niya pero hindi ko parin siya pinapansin. Pakealam ko sakanya kahit magtwerk pa siya doon hindi ko siya papansinin. I'm relaxing and she's polluting the air nakakainis!
Nagulat ako nang sapilitan niya akong patayuin. Napahawak ako bigla sa tiyan ko dahil baka kung mapano ang anak ko. "Punyeta ka! Ano bang problema mo!?" I hissed and freed my arm from her grasp.
"Why are you here? You don't belong here!" Sabi niya at bahagya pa akong tinulok kaya mas nainis na ako sakanya. Ihampas ko siya sa pool eh!
"Mas lalo namang hindi ka belong dito! Tingin mo sa sarili mo kapamilya?" Tanong ko at natawa pa ng mahina. Akala niya siguro natatakot ako sakanya.
"I am Sabrina's girlfriend." Proud na sabi niya kaya nginisian ko siya at gaya niya tumayo ako ng tuwid at with poise.
"I am her soon to be wife and I'm pregnant with her child." Ngisi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Huwag mo akong yabangan dahil lang sa girlfriend mo siya. Una sa lahat ikaw ang atribida sa ating dalawa. Pangalawa proud kang kumakabit ka? Nakakadiri ka naman pala, nakakaawa na rin dahil habol ka ng habol kay Sabrina. I may not be as rich as you pero may class akong tao." I smirked at her at binangga ang balikat niya nang dumaan ako.
Hinablot niya ang kamay ko pero bago pa dumapo ang kamay niya sa mukha ko ay inunahan ko na siya. Napadaing pa siya at lumupasak sa lupa kaya napailing ako sakanya at tumingin sakanya. "Look at you Alilei. The tables have turned diba? You look pathetic right now. Akala mo ba ibibigay ko sayo si Sabrina?" I clicked my tounge and chuckled and looked down on her.
"Akin lang si Sabrina. Maaaring hindi niya ako naaalala ngayon pero isa sa mga araw na ito ay babalik din ang mga alaala niya. Hindi ko alam ang kwento niyong dalawa pero ang masasabi ko lang ay tanga ka. Tanga ka dahil mas pinili mong iwan si Sabrina pagkatapos ay gagamitin mo ang kahinaan niya para makuha ang gusto mo? Don't stoop that low Alilei." Sabi ko pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at dumiretso sa loob.