Chapter 3

1.8K 87 7
                                    

Zeea.

Natawa ako nang malakas dahil sa mukha ni Reene. Bwisit na bwisit talaga yung mukha niya dahil sa pina-order namin ni Jade sakanya. Nandito kasi kami sa Mang Inasal tapos gusto daw kumain bigla ni Jade ng Halo-Halo kaya ayon bumalik ulit si Reene para umorder pero pagkabalik niya ako naman ang nag-request kaya talagang nakabusangot siya ngayon.

"Sorry na Reene. Magbuntis kana din kasi para hindi ka mautusan." Sabi ni Jade na nagpipigil ng tawa. Minsan may pagka-siraulo din itong asawa ni Hera eh. Sana all asawa letche! "Saan tayo pagkatapos neto?" Tanong ni Jade at nagsimula nang lantakan ang pagkain niya.

"Walang tayo." Pang-aasar ko kaya inirapan niya ako. "Akala ko ba planado niyo na yung mga gagawin ngayong araw?" Kunot noong tanong ni Reene.

"Ito kasing si Jade eh! Naga-aya wala pa palang plano!" Turo ko naman jay Jade na kasalukuyang ngumunguya na ngayon. "Tara sa dati kong work mamayang gabi. Miss ko na din kumanta doon eh." Nakangiting sabi ni Jade sa amin kaya kumunot ang noo ko.

"Sa lugar kung saan ako nakita ulit ni Hera." Sabi ni Jade kaya tumango-tango naman ako habang si Reene ay tahimik lang na kumakain. Napatingin ako sa phone screen ko nang biglang may nag-notify. Bumungad sa akin ang wallpaper ko na kuha namin ni Sabrina sa Pangasinan noong nagbakasyon kami. Nayakap siya sa akin mula sa likod habang ako naman ay nakahalik sa pisngi niya at ang background namin ay ang green fields.

"Kasama mo ba si Hera mamayang gabi?" Tanong ni Reene na nakapagpabalik sa akin sa wisyo. "Oo alam mo naman kung gaano ka-protective si Hera eh pero ang alam ko sasama si Kyla at Sabrina." Napatingin ako kay Hera nang mabanggit niya ang pangalan ni Sabrina. Nakatingin din pala sila sa akin kaya nginitian ko nalang sila.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang pinag-uusapan ng dalawa. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang mabanggit nila si Sabrina. Napahawak ako bigla sa tiyan ko dahil naalala kong hindi pa pala ako nakapagpa-check up. Nagdadalawang isip ako kung hahanap ba ako ng ibang hospital para makapagpa-check up or doon nalang sa hospital nila Sabrina. Bigla kong naalala ang nanay at tatay ni Sabrina kaya napahawak ako sa braso ni Solar na ikinagulat niya.

"S-Si Tita Selena at Tito Darwin? Hindi ba nasa ibang bansa sila? Have they heard what happened to Sabrina?" Tanong ko sakanya na ikinagulat naman nilang dalawa.

"Oh Gosh! Muntik ko nang makalimutan! Oo nga pala Tita Selena wants to meet you on Saturday dahil miski siya ay nagulat sa nangyari sa anak niya kaya she wants to talk to you." Biglang napuno ng kaba ang sistema ko. I've met Sabrina's parents before and I can say na hindi ako gusto ng ina niya kaya kinakabahan ako. Hindi naman sa hindi gusto kasi ramdam kong iwas sakin ang ina niya kaya hindi ko gaanong nakakausap si Tita Selena.

"You'll be fine Zeea. Kakausapin ka lang ni Tita Selena at sigurado akong magiging okay ka lang lalo na at sasamahan ka namin ni Reene pero syempre didistansya kami." Nakangiting sabi ni Jade kaya kahit papano ay nabawasan ang kaba ko.

"Sigurado ka ba dito Jade? Baka mamaya kung anong gawin nung nanay ni Sabrina kay Zeea buntis pa man din." Sabi ni Reene kaya bumuntong hininga ako. "Kailangang malaman ng parents ni Sabrina ang katotohanan Reene lalo na ngayon na buntis si Zeea. Ikaw na rin ang may sabi na buntis ang kaibigan natin at ms kailangan niya ng suporta mula sa pamilya ng nakabuntis sakanya." May punto si Jade pero kaya ko naman ang sarili ko.

"Kaya ko naman ang sarili ko Jade. Hindi kaso sa akin ang mga gastos kung iyan ang iniisip mo." Nakita ko ang pag-iling ni Reene sa sinabi ko.

"Hindi mo pwedeng itago habang-buhay ang bata Zeea lalo na at maimpluwensyang tao ang pamilya ni Sabrina kaya habang maaga pa dapat sabihin mo na sakanila ang totoo. Naiintindihan ko na hindi pa pwedeng malaman ni Sabrina pero hindi ba may karapatan din ang pamilya niya na malaman ang totoo?" I bit my lower lip and try to understand their point pero natatakot ako.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon