Sabrina.Nakaupo ako sa tabi ni Zeea. She's okay now pero hindi ko parin maiwasan ang mag-alala. Dalawang araw na siyang nagpapahinga at hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising. My parents are on their way way here and they told me that they want to talk to me about something.
Ayon sa mga maid na nakabantay ay nakatakas daw si Alilei at may sumundo sakanyang isang sasakyan. If I made sure that Zeea is really safe ay hahanapin ko siya. She's pregnant but I'm not sure if it's real or she's just faking it. This needs to end as soon as possible dahil ngayon ko narealize na maraming pwedeng mawala sa akin kapag wala akong ginawa sa lalong madaling panahon.
I asked for help from my three friends and imbis na mag-unwind ay nagdesisyon parin si Rose na tumulong. I just stop her from going home dahil ayaw kong sirain ang lovelife ng kaibigan ko. I told her that it's alright dahil nandito rin naman si Kyla at Hera. Malaking tulong rin si Jade at Reene dahil sila ang nagdadala ng pagkain dito habang hindi pa gumigising si Zeea.
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa 'non ang mga magulang ko at ang mga kaibigan ko. My father is holding a brown expanded envelope na iniabot niya sa akin kaya kahit nagtataka ay kinuha ko parin iyon.
"We also investigated and may mga witness na nagsabi sa amin na may kinakasama raw na lalaki si Alilei." Sabi ni Mom kaya binasa ko ang mga nasa file. May mga pictures na magkahawak-kamay si Alilei at ang isang di kilalang lalaki.
"Alam ba ito ng pamilya ni Alilei?" Tanong ko at doon naman nagsalita si Kyla.
"They know what she's doing. In fact, sila pa mismo ang nag-utos sa anak nila para gawin ang mga bagay-bagay. Alilei's baby is not yours." Hindi ako makapaniwala sa mga pictures na nakikita ko. I thought she's already stable pagdating sa career niya?
"We thought too pero nagsimulang bumagsak ang negosyo nila. Kailangan umuwi ni Alilei dahil siya lang ang pwede nilang asahan. Lahat ng pinaghirapan ni Alilei ay nawala dahil sa mga magulang niya." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero maaawa siguro? So she's doing all of these things dahil sa utos ng parents niya?
"I think she met the boy when she was working. Isang waiter ang lalaki sa ibang bansa at doon sila nagkakilala. They fell inlove with each other pero ayaw sakanya ng pamilya ni Alilei dahil hindi mayaman ang napili niya." Napatingin ako kay Hera at ibinigay sa akin ang mga pictures na nakuha rin niya.
"We won't know what's her real reason kung hindi natin siya mismo makakausap nang personal pero paano natin siya hahanapin?" Napatingin ako sa hawak ni Reene na phone at nandoon si Rose. Naka-video call pala ito.
"Where is her boyfriend then? Do you think siya ang sumundo kay Alilei nang tumakas siya?" Napatingin kami kay Jade na nakatingin din sa amin.
I was about to speak nang maramdaman ko ang pagpisil ni Zeea sa kamay ko kaya agad akong napatingin sakanya. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang nilapitan nang unti-unti siyang magmulat ng mga mata.
"I'm here love, are you okay now?" I think her vision is still blurry and after awhile she smiled at me. Nagsilapitan na ang lahat nang makita nila ang pagngiti ni Zeea.
"You made us worried! Akala ko mawawala kana sa akin!" Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sakanya. Alilei is still missing pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil gising na si Zeea.
"I'm sorry, love." I kissed her hand gently when she said those words.
Bahagya akong nagulat nang biglang tumunog ng malakas ang phone ko. Napatingin ako sa screen at kumunot ang noo ko nang unknown caller ito. Sinagot ko iyon at narinig ko ang isang pamilyar na boses.