Zeea.Tahimik parin ang lahat at gaya ko ay pilit parin nilang iniintindi ang nangyari. Our picnic was ruined when Alilei came and announced that Sabrina got her pregnant. She's 8 weeks pregnant according sa doctor at talagang may binigay pa siyang mga papel at pregnancy test kay Sabrina.
I want to run away again and escape but I won't. Nakapagdesisyon na ako na sasamahan ko si Sabrina sa laban na ito. Wala akong kwenta kapag iniwan ko na naman siyang mag-isa. Hindi pa alam kung kailan babalik ang memorya niya pero isa lang ang sigurado ko. Sabrina is the only woman I want to spend the rest of my life with. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin lalo na at magkaka-baby na kami. What I need to do right now is to trust her.
"Hey Sabrina?" Napatingin siya sa akin. Halata ang stress sa mukha niya kaya nilapitan ko siya at hinalikan ng mabilis sa labi na ikinagulat niya.
"I trust you." Sabi ko sakanya at nakahinga naman siya ng maluwag at nanghihinang napayakap sa akin. Naramdaman ko nalang na nabasa na ang leeg ko. Agad kong iniangat ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya pagkatapos ay hinalikan ang noo niya.
"Hindi ako mawawala sayo." Sabi ko sakanya at ngumiti naman siya sa akin. Napatingin ako sa mga kaibigan namin at nakita kong nakangiti sila sa amin. Hinayaan ko lang si Sabrina na nakayakap sa akin.
"I have this feeling that she's just faking it." Sabi ko kaya napatingin naman sila sa akin. Maging si Sabrina ay napaangat ng ulo.
"Let's call Rose." Sabi ni Hera at mabilis na nag-video call kay Rose. Mabilis naman iyong sinagot ni Rose kaya ang hula ko ay wala siyang lakad ngayong araw.
"Hey what's up guys! Miss me?" She chuckled but stopped when she notice the atmosphere. Nagtanong siya kung bakit kaya ikwinento ko naman agad kung anong nangyari kanina.
"WAIT WHAT!?" I sighed dahil ganon din ang reaksyon naming lahat kanina. Sinamaan ni Rose si Sabrina ng tingin kaya natawa ako ng bahagya.
"I think something's not right." Sabi ko kaya bumuntong-hininga naman si Rose at hindi nagsalita.
"Alam nating lahat kung gaano kabaliw si Alilei kay Sabrina." Biglang sabi ni Hera kaya napatingin kami lahat sakanya. Inakbayan niya si Jade at napatingin naman ako kay Sabrina na nakatitig lang pala sa akin.
"It's possible for her to pull some strings lalo na at mayaman din ang pamilya niya." Sabi naman ni Kyla na seryosong seryosong nag-iisip ngayon.
"She wants Sabrina and she'll do anything para siya ang end game ni Sabrina." Dagdag naman ni Rose sa sinabi ni Hera at ni Kyla. Nagkatinginan kaming tatlong magkakaibigan at tumango naman ako sakanilang dalawa.
"I have a plan." Biglang sabi ni Sabrina kaya napatingin din ako sakanya.
"I need someone to observe her while I do something. Hindi ako papayag na sirain niya kami ulit ni Zeea." Sabi niya kaya napalunok ako. Tumango sila sa sinabi ni Sabrina.
"She's rich but I have everything. I can buy her whole family if I want to at gusto kong malaman niya na mali siya ng binabangga." Sabi ni Sabrina kaya natawa bigla si Rose sakanya. Tumingin kaming lahat kay Rose at ngumisi naman siya.
"That's the Sabrina that we know. How can we help?" Tanong niya at napaisip naman si Sabrina.
"I also have a lot of connections but I need to dig deeper to her life." Sabi niya at nagkatinginan si Hera at Kyla.
"We have your back my friend." Nakangiting sabi ni Kyla kaya napangiti na rin si Sabrina.
"I can do the job of observing her." Sabi ko at napanganga silang lahat sa sinabi ko.