Chapter 2

2.6K 78 0
                                    

Zeea.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago bumangon sa hinihigaan ko. Isang linggo na din ang nakakalipas nang mangyari iyon at nandito ako ngayon sa apartment ni Reene nakatira. Naalala ko na naman ang naging paguusap namin nang araw na iyon.

Galit na galit si Rose dahil sa nangyayari. Nalaman namin na nagpakilala pala si Alilei bilang girlfriend ni Sabrina. Sinabi niyang bumalik siya para kay Sabrina at nagkabalikan nga sila.

"Paanong si Alilei ang nare-recognize na girlfriend ngayon ni Sabrina kung si Zeea lang ang nakalimutan niya?" Tanong ni Jade sa asawa niya.

"I think nakalimutan din niya yung ginawa sakanya ni Alilei. I can't blame Sabrina though dahil unang girlfriend niya si Alilei. Pinagpalit ni Alilei si Sabrina sa isang lalaki na nakilala niya sa States." Paliwanag ni Hera kaya napayuko ako. Bakit hindi sinabi sa akin ni Sabrina ang kwento nila? Bakit hindi ko alam na naging girlfriend niya si Alilei? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Ang daming katanungan sa isip ko na hindi ko masagot dahil isang tao lang ang makakasagot ng mga iyon.

"Baka hindi talaga sigurado sa akin si Sabrina. Matagal na kami oo pero hindi dahilan yung haba ng pinagsamahan namin dito. What if mahal parin pala niya si Alilei?" Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko kaya niyakap na ko ni Reene at hinaplos ang likod ko.

"Ang dami kong tanong na gustong masagot Rose pero sa ngayon hahayaan ko muna siya. Kasi gusto kong siya mismo ang maka-realize ng totoong nararamdaman niya." I bit my lower lip and asked myself. Ito nga ba ang gusto ko? Maaalala pa kaya ako ni Sabrina? Babalik pa nga ba siya sa akin? Masyado akong nakampante sakanya akala ko okay na lahat tapos biglang dumating yung ex niya.

"Hindi pwedeng mangyari ang gusto mo Zeea! Ikaw ang girlfriend niya at si Sabrina ang ina ng dinadala mo! She have to know everything!" Frustrated na sabi ni Rose.

"Kapag ginawa ko iyon baka mapahamak lang siya. Hindi ba mas makakabuti sakanya ang magpahinga at ilayo siya sa mga bagay na makakapagpaalala sakanya ng nangyari? At isa pa I want her to remember me if she will remember me." Napahilamos siya sa mukha niya.

"It is their fault for hurting you!" Umiling ako sakanya. "Kung hindi ako tumakbo palayo edi sana wala siya sa kalagayan niya ngayon! Kung sana pinakinggan ko muna yung paliwanag niya hindi sana mangyayari ang lahat ng ito!" Umagos ang masaganang luha sa pisngi ko at ang unang yumakap sa akin ay si Hera.

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo pero mas mabuti kung sasabihin mo ang totoo kay Sabrina lalo na at buntis ka." Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagsimulang humikbi. Ang sakit-sakit pala sa pakiramdam ng ganito. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na mangyayari sa amin ito ni Sabrina.

"Tahan na Zeea. Makakaapekto yan sa baby mo." Naramdaman kong hinaplos ni Reene at Jade ang likod ko kaya sakanila naman ako yumakap.

"Tingin ko mas okay kung pabayaan nalang muna natin si Sabrina." Suhestyon ni Kyla kaya hindi makapaniwalang tumingin sakanya si Rose. "Naiintindihan kong kaibigan natin siya pero alam mong mali ang sinasabi mo Kyla!" Huminga ng malalim si Kyla at hinarap din si Rose.

"Mas lalong walang mangyayari kung bibiglain mo yung tao! Sige nga! Pumunta ka doon at sabihin mong buntis si Zeea at siya ang nakabuntis sakanya! Sa tingin mo maniniwala siya sayo?" Pumagitna sakanila si Hera dahil tumataas na din ang boses ni Kyla. "Tumigil na kayo! Imbis na pag-usapan ng maayos eh mas lalo niyong dinadagdagan yung problema!"

Parehas na kumalma ang dalawa at umupo. Ayoko din naman ng nangyayari pero wala naman akong magawa dahil si Sabrina na mismo ang bumura ng mga alaala namin sa isip niya at wala na akong magagawa doon. Si God na ang bahala sa aming dalawa.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon