Chapter 15

1.7K 75 3
                                    


Zeea.

Nasa harap na kami ngayon ng dining table at kasalukuyang kumakain. Namiss ko ang luto ni mama kaya sigurado akong mapaparami ang kain ko ngayon. "So ano nang plano mo ngayon Sabrina?" Biglang pago-open ni mama ng topic kaya napatingin ako sakanya. Plano saan?

"I'll take care of her po and I'm also planning to marry her." Bigla akong nabulunan bigla sa sinabi niya. Nagulat naman sila at agad akong binigyan ng inumin na agad ko namang ininuman.

"Marry?" Tanong ko at napatitig sa akin si Sabrina. Pinunasan ko ang labi ko at tinapatan ang titig niya sa akin. "Hindi ako magpapakasal sayo hanggang hindi bumabalik ang mga alaala mo." Sabi ko na ikinagulat niya. Napatingin ako kina Tita Selene at alanganing ngumiti sakanila.

"I want to marry you Sabrina but I want you to remember me first. I won't runaway from you I promise." Sabi ko at biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Tumayo si Sabrina at lumapit sa akin saka ako niyakap. "I'm sorry you have to go through this." Naamoy ko na naman ang bango niya kaya niyakap ko siya pabalik.

"I think we should eat first before we talk about what will our plan be." Natatawang sabi ni Tita Selene kaya napahiwalay kami bigla ni Sabrina. Natawa na rin si Tito at maging si mama kaya napanguso ako. They're teasing us.

We continued eating and they're also asking how I feel kaya I assured them that I'm okay. Maliban kasi sa morning sickness at nahihilo minsan ay wala na. Bigla akong napatitig kay Sabrina dahil kaharap ko siya. I suggested that seat to her kasi gusto kong makita ang mukha niya. Bigla siyang tumingin sa akin kay umiwad agad ako ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-focus nalang sa kinakain ko.

Matapos kumain ay inaya ako ni Sabrina na maglakad lakad sa labas dahil sariwa raw ang hangin dito at mas maganda rin daw na makapaglakad-lakad ako at makakita ng ibang tanawin sa labas. Pinagpalit niya ako ng damit kung saan ako komportable. Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagulat ako at napatingin sakanya. Ngumingiti siya sa mga taong nakakasalubong niya kaya bumabati sila sakanya ng magandang umaga.

"I'll buy you ice cream. May groceru store ba dito?" Tanong niya kaya natawa ako ng marahan at itinuro sakanya ang pinakamalapit na ice cream store.

"Magandang umaga po." Bati ni Sabrina sa babaeng nagbebenta at napanganga naman ang babae sakanya kaya tumaas ang kaliwang kilay ko. I can tell by her face na she's admiring my Sabrina.

"Sab! I want cocoflan pleseee?" Napayakap ako sa braso niya at natawa naman siya ng bahagya. Kinuha ng babae ang sinabi kong flavor at tinaasan ko siya ng kilay nang mapatingin siya sa akin. Umiwas naman siya ng tingin at kinuha na ang bayad kay Sabrina at binigyan ito ng sukli.

"Tara na Sab! Nagugutom na kami ng anak mo." I emphasized the word anak and rolled my eyes to the girl and grab Sabrina's hand. I entertwined our fingers while she's just smiling and looking amused.

"I didn't know that you're that territorial. I am only yours Zeea." Sabi niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Oo na kinikilig na ako! Hindi ko siya pinansin at umupo sa damuhan. May nakita kasi akong puno na malilim pero nagtaka ako nang pinatayo niya ulit ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tanggalin niya ang suot niyang hoodie at inilatag sa damuhan saka ako pinaupo ulit.

"Kapag ganyan ginagawa mo araw-araw baka mahalikan kita." Agad kong tinakpan ang bunganga ko dahil sa nasabi ko. I just suddenly blurted it out! She chuckled and lean closer to me.

"How about you kiss me now?" Tanong niya kaya napalunok ako at napatitig sakanya. I hope our baby will have her eyes.

"You love staring at me." Sabi niya at umupo na ng maayos habang nakangiti parin kaya napanguso ako. "Sana maging kasing ganda mo yung anak natin kung babae siya." Sabi ko kaya natawa ulit siya. She lightly pinched my cheeks.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon