Chapter 4

1.7K 70 0
                                    

Zeea.

Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Hera dahil dito kami dinala ni Jade pagkatapos ng scene namin doon sa mall at heto nga at kumakain na naman kami ng ice cream habang si Hera ay busy sa harap ng laptop niya. Pasulyap-sulyap din siya kay Jade na nakikipagkwentuhan sa amin tapos ngingiti. Edi sana all may asawa.

"Hon tawagin mo sila Sabrina at Kyla dito. Ang boring kapag tayo tayo lang." Sabi niya na ikinagulat ko. Siraulo talaga itong si Jade kahit kailan! Tumingin naman sa amin ni Reene si Hera kaya nginitian namin siya. Mahirap na baka awayin siya ni Jade kapag hindi nasunod ang gusto kaya kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang dalawang kaibigan.

"Feeling ko aawayin nung babaeng mukhang lamang lupa si Sabrina. Iniimagine ko palang mukha niya natatawa na ako." Sabi ni Jade at humalakhak kaya napatingin sa amin si Hera. Natawa na rin tuloy kami ni Reene dahil sa sinabi ni Jade. "Sabihin mo magdala si Sabrina ng pizza kase nagc-crave si Zeea ng pizza. Sabihin mo naman kay Kyla bumili pa ng ice cream kasi gusto pa raw ni Reene ng ice cream." Napanganga kami sa sinabi ni Jade na ikinatawa naman ni Hera at ikinailing.

"Hoy ikaw dinadamay mo pa kami ni Zeea sa mga kalokohan mo!ーHera pakisabi kay Sabrina siya lang magpunta kasama yung pizza at huwag siyang magsama ng hayop dito." Natawa na ng tuluyan si Hera dahil sa mga hirit ng mga kaibigan ko.  Napailing nalang ako nang mag-apir pa si Reene at Jade habang tumatawa.

"They said dadalhin nalang nila yung work nila dito. I understand Kyla sinceー" Tumingin siya kay Reene na ikinairap ni Reene kaya natwa ng bahagya si Hera. "But Sabrinaーshe even thanked me and said I saved her today." She chuckled kaya lumapit naman si Jade sakanya at mabilis na hinalikan sa labi na ikinairap ko.

"Guys respeto naman sa single na kagaya namin ni Reene." Sabi ko pero tinawanan lang nila ako. "We actually met Sabrina and Alilei earlier. They're having a date sa mall." Sabi ni Jade habang si Hera naman ay tumayo at pinaupo si Jade sa swivel chair niya.

"Ano bang kwento ni Sabrina at Alilei?" Tanong bigla ni Reene kaya bigla din akong nakaramdam ng curiosity sa totoong nangyari sakanila dati bakit sila naghiwalay. "Gaya namin ni Jade magkarelasyon na rin sila noon." Pagsisimula ni Hera na itinatali ang buhok ni Jade kaya medyo napangiti ako dahil kinikilig ako sakanilang dalawa.

"Alilei was already a bitch back then kaya hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan sakanya ni Sabrina." Dugtong ni Jade kaya natawa si Hera sa likod niya. "That time umalis si Alilei to follow her dreams pero dahil nga mahal siya ni Sabrina hindi siya nakipaghiwalay." So she really lives Alilei huh? Pakiramdam ko ay mas bumigat ang nararamdaman ko sa narinig pero naramdaman ko ang pagyakap ng kanang braso ni Reene sa bewang ko kaya napangiti ako.

"Hanggang sa unti-unti nalang hindi nagparamdam sakanya si Alilei tapos napanood namin sa balita na may boyfriend na pala si Alilei na gaya niya ay modelo din." Ako ang nasasaktan sa sitwasyon noon ni Sabrina. Parang nararamdaman ko na yung nararamdaman niya noon. Ako dapat yung may hawak niya hindi si Alilei. Ako dapat ang yumayakap sakanya hindi si Alilei. Ako dapat yun eh pero hindi kasi hindi niya ako maalala.

"Don't worry Zeea. I know my bestfriend really loves you." Nakangiting sabi ni Hera kaya napatingin naman ako kay Jade na tumango sa akin. "Naniniwala din akong babalik ang mga alaala niya." I nodded at Reene kaya nangiti na rin ako. Their words are comforting and I trust Sabrina too. Alam kong babalik ang mga alaala niya kaya dapat ay hindi ako malungkot lalo na at buntis ako.

Narinig namin ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Hera at sabay na pumasok doon si Kyla at Sabrina. Yumakap din ako pabalik kay Kyla nang salubungin niya ako ng yakap. Nang kumalas siya ay nagtama ang mga mata namin ni Sabrina kaya nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon