Zeea.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tatlong oras nang wala si Sabrina. Kanina pa ako tumatawag at nagtetext sakanya pero hindi siya sumasagot kaya naiinis na ako. Humigpit ang hawak ko sa pregnancy test na hawak ko. Naalala ko ang sinabi ni Jade nung nagpropose sakanya si Hera. Buntis din daw siya kaya kung tutuusin ay halos sabay lang kaming nagbuntis.
Kakatapos lang ng kasal ni Jade at Hera last week at ngayon nga ay nasa Spain sila para sa honeymoon nila. Ano kayang reaksyon ni Sabrina kapag nalaman niyang buntis ako? Napangiti ako sa sarili ko pero agad din iyong nawala nang makita ko ang orasan. "Where are you Sabrina? It's our anniversary today." Bulong ko at biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Sabrina sa screen.
"Sab! Where the fvck are y--"
"I-I'm sorry mahal. Malapit na ako--"
"Hi!" Umangat ang tingin ko nang may magsilita sa harap ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babaeng hindi ko naman kakilala. "You're Sabrina's girlfriend right?" Narinig ko ang malutong na mura ni Sabrina kaya nagtaka ako.
"Sinong Sabrina ba? Madaming Sabrina sa mundo" Tanong ko dahil hindi ko talaga kilala ang babaeng ito. "Sabrina Reyes." Sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Sino ba ang babaeng ito? "Sino ka miss?" Tanong ko at may kinuha siya sa mula sa bag niya. She handed me some pictures na ikinadurog ng puso ko. It was Sabrina sleeping in bed with a woman.
"Zee? I'm already here!" Tila nabingi ako sa mga ingay sa paligid at ramdam ko ang pagkawasak ng puso ko. Unti-unting lumabo ang paningin ko.
"Alilei? What are you doing here?" Nanginginig na inabot ko ang pictures kay Sabrina at bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makita nito ang itsura ko. Kinuha niya ang mga pictures at unti-unting nanlaki ang mga mata niya.
"Z-Zee. Let me explain first please?" Napaatras ako nang binalak niya hawakan ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkabasag at pagkadurog ng puso ko. "Why?" Iyon lamang ang lumabas na salita mula sa akin dahil patuloy na ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. "B-Bakit Sab? N-Nagkulang ba ako?" I bit my lower lip and i'm trying to force myself to stop crying but I just can't!
"Pag-usapan muna natin ito Zee. Please hear me out love." Umiling ako at tumalikod sakanilang dalawa. Tumakbo ako ng mabilis palayo sa lugar na iyon. Kinapa ko ang phone ko at agad na nag-dial ng numero.
"Reene? C-Can you pick me up?" Hindi ko mapigilan ang mapaiyak kaya narinig ko ang pagsinghap ng kaibigan ko. "Text me the address. I'm on my way." Seryosong sabi niya at agad kong ibinaba ang tawag at tinext ang address kung nasaan ako.
Napaupo ako at napahagulhol. Hindi ko alam na nakikipagkita pa pala si Sabrina sa ex niya. Akala ko ba ay wala na siyang contact sakanya? Ilang taon na kaming magkasintahan pagkatapos ay ngayon ko lang malalaman na nagkikita pala sila and worst I think they have a relationship! I just saw a picture of them kissing in a bar. Aminado akong madami akong pagkukulang kay Sabrina pero kailangan ba talaga niyang gawin ang mga bagay na iyon? Hindi ba dapat ay pag-usapan namin ang lahat hindi yung lalabas siya para mambabae? Napahawak ako sa tyan ko at biglang napatayo nang maalala kong buntis nga pala ako.
"Sorry baby..." Bulong ko at marahang hinaplos ang tiyan ko. Nakita ko ang isang bench na nasa lilim ng puno. Dahan-dahan akong naglakad at dahil nasa kabilang bahagi iyon ng kalsada ay kailangan kong tumawid. Naramdaman ko ang pagkirot ng paa ko kaya medyo iika-ika ako maglakad. Ngayon ko lang narealize na malayo din pala ang itinakbo ko. Pero hindi pa ako nakakatawid nang biglang may nakakasilaw na bagay ang nakapagpapikit sa akin. Isang nakakabinging tunog ang narinig ko.