Chapter 18

1.6K 78 6
                                    


Zeea.

Napahikab ako at ibinalik ang pansin ko sa pinapanood ko sa TV. Pinapanood ko kasi yung Frozen 2 at sobrang cute kasi ni Olaf. Kakaalis lang ni Sabrina papunta sa trabaho niya at naiwan ako dito sa bahay kasama ang mga katulong at si Alilei. It was my decision to make her stay here sa mansyon nila. I talked to Mama Selene last night and she agreed on my plans. Alam kong may something sa babaeng iyon kaya mas mabuti nang mabantayan ko ang bawat kilos niya.

Nag-away pa nga kami ni Sabrina bago ko siya tuluyang mapapayag na dito muna si Alilei. Syempre hindi ako naniniwala na si Sabrina ang ina ng dinadala niya. O kung buntis nga ba talaga siya. Kinuha ko ang phone ko nang makitang umilaw iyon at nakita ko ang pangalan ni Jade sa screen kaya kinuha ko iyon at binuksan ang message niya.

From: Jadeeey

     I'm so bored! I want to go to Reene's work.

Recieved.

Natawa ako dahil alam niyang susungitan lang siya ni Reene kapag nalaman niyang lumabas kami pareho para lang bisitahin siya sa trabaho niya pero instead of getting bored too, I'll just come with her nalang.

To: Jadeeey

     Let's go! Sunduin mo ako ha? Magbibihis lang din ako. Hihi.

Sent.

From: Jadeeey

     Okay. I'll just change ny clothes and I'll be there in  30 minutes.

Received.

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto namin ni Sabrina at mabilis na nagpalit ng damit. Habang nagbibihis ay iniisip ko na ang pwede naming bilhin na snack para kay Reene para hindi niya kami bungangaan. Nang matapos akong magbihis ay naglagay ako ng face powder at lip gloss bago isinuot ang sapatos ko.

School ang pupuntahan namin kaya naisipan kong maki-blend sa mga estudyante. Nakasuot ako ng itim na t-shirt at puting skirt na bumagay sa puting sneakers ko. Mas maganda kapag hindi masyadong fancy ang suot para hindi na rin maka-attract ng atensyon.

Iniiwasan ko nang magsuot ng jeans dahil ayokong maipit ang tiyan ko. Si Jade nga ay nagsusuot na ng maternity dress na bumagay naman sakanya dahil mukha siyang manika. Kapag ako kaya ang nagsuot ng ganon? Babagay rin kaya sa akin? I giggled and picked up my phone.

To: Wifey Sabrina

     Pupunta kami sa school na pinagtatrabahuan ni Reene. We'll surprise her kaya sunduin mo nalang ako mamaya sa Marasigan's mansion.

Sent.

Nagwisik ako ng kaunting pabango para hindi ako mag-amoy pawis. Ayoko na kasing maligo ulit dahil naligo naman na ako kanina. Napatingin ako sa oras sa phone ko at napangiti ako nang makitang maaga pa. 10:05 palang ng umaga kaya sure akong nasa kalagitnaan pa si Reene ng klase. Alas-dose ang lunchbreak ng school kaya siguro magdala nalang kmai ng take out na lunch para doon na kami kumain.

Napahikab ako habang pababa ng hagdan. Pupwesto muna ako sa dining area habang hinihintay si Jade. Napangiti ako nang makita ang reply ni Sabrina.

From: Wifey Sabrina

     Okay. Be careful on going there nd huwag niyong pasakitin ang ulo ni Reene. Use the card that I gave you para hindi ka magutom doon. I love you.

Recieved.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi pinansin ang mga nagliliparang paru-paro sa tiyan ko dahil sa kilig.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon