Chapter 20

2.7K 78 3
                                    


Sabrina.

I inhaled the fresh air of the place. Ngumiti ako pagkatapos ay napatingin sa langit. I didn't know that being alone like this makes me feel lonely, dapat nga makaramdam ako ng inner peace kasi solo ko yung sarili ko ngayon.

My story isn't as special as my friends' story but I think that's what makes me unique. I experienced a lot of pain in the past but all those pain had a purpose.

Mistakes make people strong and learn a lot of lessons. May mga unfortunate events din na hindi natin maiiwasan lalo na kung iyon talaga yung nakatadhanang mangyari.

I sighed. "Ang lalim ah." Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Rose iyon kaya natawa ako ng bahagya.

"Are you nervous?" Tanong niya kaya napailing ako.

Tumabi siya sa akin pagkatapos ay nagsunuran na rin si Hera at Kyla. Tumabi silang tatlo sa akin kaya natawa ako. Napatingin naman sila sa akin na halatang nagtataka.

"Ang dami na palang nangyari." Natatawang sabi ko sakanila kaya tumango naman sila. Biglang bumalik sa alaala ko ang araw kung kailan sinabi sa amin ni Alilei yung katotohanan.

Pagkarating namin sa hospital room ni Zeea ay nagpasalamat sa aming lahat si Alilei. Umiiyak pa siya habang nagsasabi ng pasasalamat niya. She was relieved that she's finally free from her parents' grasp and she can now be with the person she truly loved.

"Patawarin niyo sana ako sa nagawa kong kasalanan sa inyo." Umiiyak na sabi niya at unang nilapitan si Zeea na halatang nadadala na rin kay Alilei.

"It wasn't my intention to destroy your relationship with Sabrina."

"Sa katunayan ay masaya nga ako nang malaman na ikakasal na pala siya. I am guilty and I know I don't deserve your forgiveness dahil sa kagagawan ko but  want you guys to hear my side."

Hinawakan ni Zeea ang kamay niya at ngumiti ito ng marahan sakanya. Tumingin siya sa akin kaya tumango naman ako sakanya. "I was starting to live my own life but my mother suddenly called me. Pinagbantaan nila ako na kapag hindi pa ako bumalik dito sa Pilipinas ay sisiguraduhin nilang mananagot ang lalaking mahal ko." Paninimula niya.

"I have no choice but to get back her as soon as possible pero pag-uwi ko ay sinabi agad nila sa akin ang plano nila. They told me to create a fake story, I did meet you before Sabrina pero walang nangyari sa atin kasi sinubukan kong humingi ng tulong sa'yo. I asked you to not tell Zeea kasi baka magkaroon pa ng gulo but it still happened. Ginipit ako ng mga magulang ko kaya nagawa ko iyon sainyo. They even planned Sabrina's accident para hindi siya makapagpaliwanag kay Zeea."

Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya. Bawat salitang binibigkas niya ay parang sirang plaka na paulit-ulit na umuukit sa utak ko. Series of memories started flashing to my mind. Napakapit ako bigla kay Kyla na siyang nasa tabi ko ngayon.

"Pabagsak na ang kumpanya ng mga magulang ko kaya gusto nilang pakasalan ko si Sabrina. When they found out that I am pregnant, they told me to tell Sabrina that it's hers para hindi matuloy ang kasal nila ni Zeea."

"I was so scared dahil kapag hindi ko ginawa iyon ay madadamay ang anak ko. Natauhan lang ako nang may mangyaring masama kay Zeea at hindi kinaya ng konsensya ko ang ginagawa ko kaya tinakasan ko na naman ang problema."

"Now I remember meeting you a lot of times and you were pleading that time. You wanted to be free from your parents and just live your life." Napatingin silang lahat sa akin pero tumingin lang ako kay Alilei.

Tumango siya sa akin kaya lumapit ako sakanila.

"And I was about to get married to you." Mahinang sabi ko kaya napatingin sa akin si Zeea.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon