Zeea.I bit my lower lip because of their reactions. I unconciously touched my tummy. Napadako ang tingin ko kay Sabrina na literal na nakanganga kaya natawa ako ng bahagya na nakapagpabalik sakanila sa tamang wisyo.
"A-Anong sabi mo?" Huminga ako ng malalim at napahawak sa tyan ko. Pinakiramdamn ko ang anak namin.
"Sabi koーteka!" Sabi ko nang maramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Mabilis akong tumayo at dumiretso sa pinakamalapit na banyo at doon ako nagsuka. Pakiramdam ko ay inilabas ko lahat ng kinain ko kanina. Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at magmumog pagkatapos ay inayos ang sarili ko. Ang ayos ayos lang ng pakiramdam ko kanina pagkatapos ay biglang ganito na. Bumungad sa akin si Sabrina nang binuksan ko ang pinto kaya napaatras ako ng bahagya.
"Can I talk to you?" Tanong niya bigla kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Kumalma kang puso ka! Kung pwede lang sapakin ang puso para tumigil sa pagtibok ng sobra ay kanina ko pa ginawa.
"A-Anong pag-uusapan natin? P-Pwedeng mamaya nalang? Kain muna tayo?" Tanong ko at tumango naman siya pagkatapos ay nauna na siyang maglakad kaya napasimangot ako. Nahihilo kaya ako tapos ang bilis pa niyang maglakad! Edi siya na matangkad kainis! Napahawak ako sa dingding para sa suporta dahil talagang nahihilo ako.
"S-Sabrina!" Tawag ko sakanya dahil ang bilis niyang maglakad. Napatigil ako at dahan-dahang napaupo at biglang nandilim ang paningin ko.
Nagising ako na ramdam parin ang antok. Komportable ako sa hinihigaan ko at naaamoy ko rin ang pamilyar na pabango kaya kahit pipikit-pikit pa ang mga mata ay napamulat ako ng wala sa oras nang bumungad sa akin ang mukha ni Sabrina na nagaalalang nakatitig sa akin. "Oh my gosh!" Bulalas ko at napatayo na ikinagulat nilang lahat.
"Are you okay now Zeea?" Tanong ni Jade na inaalalayan ni Hera dahi nakayuko ito kaya pinaayos ko siya ng tayo.
"I-I'm sorry guys." Bulong ko at naramdaman kong hinawakan ni Sabrina ang kamay ko at bago pa ako makapag-react ay lumandas na ang isang kamay niya at hinawakan ang tyan ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa init ng haplos niya. Hindi ko alam pero naiyak ako dahil sa hawak niyang iyon.
"Shit! I'm sorry! May masakit ba sayo?" Alalang tanong niya at lahat sila sa paligid ko ay nagpapanic na pero umiling ako at napakagat sa ibabang labi.
"H-Hindi ko alam pero natutuwa ako." Sabi ko at napahinga naman sila ng malalim. "Are you really okay?" Tanong niya ulit kaya pinahid ko ang luha ko at tumango sakanya.
"Mukhang pagod na si Zeea. Iuuwi ko na siya." Biglang sabi ni Reene kaya napatingin ako sakanya. Nakaramdam ako bigla ng panghihinayang dahil sa kagustuhang mas makasama pa si Sabrina.
"Tapusin niyo muna ang pagkain hija pagkatapos ay papayagan na namin kayong umuwi." Sabi ni tito kaya umayon naman kami sa sinabi niya at bumalik na kami lahat sa dining table para ipagpatuloy ang pagkain.
"I'll pick you up tommorrow. I wan't to talk to you." Biglang sabi ni Sabrina dahil nga katabi ko siya kaya napainom ako ng wala sa oras. Kinakabahan ako dahil bigla kong naalala ang nasabi ko kanina. Minsan ang sarap lagyan ng busal ang bunganga ko dahil sa kadaldalan kung ano-ano ang nasasabi.
"M-May work kana bukas diba?" Tanong ko sakanya dahil iyon ang alam ko. Nakita ko namang natigilan siya at napatingin sa akin. Saglit siyang nag-isip at tumingin ulit sa akin. "I'll go to your house after my duty." Sabi niya kaya tumangp ako. May iba pa ba kong choice? Syempre gusto ko rin eh edi hindi ko na pipigilan. Maharot din ako eh.
Mabilis naming naubos ang mga pagkain kaya inilabas na ng mga kasambahay nila ang mga dessert na ginawa namin kanina. Ibinida pa ni tita ang buko salad na ginawa niya kaya natutuwa kami. Marunong kami gumawa nila Jade at Reene ng dessert na uso sa Pilipinas dahil tinuruan kami noon ni mama. Speaking of my mother, hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa nangyari dahil alam kong busy pa siya sa small business niyang cafe sa Pangasinan kaya hinayaan ko nalang muna. Ayokong ma-stress si mama, kakausapin ko rin naman siya kapag hindi na sobrang gulo ng sitwasyon at kapag may panahon na si Reene para mag-leave.