Chapter 6

1.5K 77 0
                                    


Sabrina.

Kasalukuyan na akong nakahiga sa kama ko dito sa mansyon at nakatitig sa kisame. Kinapa ko ang phone ko at nang makapa ko ay agad kong in-on. Agad akong nagtipa ng message para sakanila at biglang pumasok sa isip ko ang number ni Zeea. Agad kong idinial ang numero niya ng walang pagaalinlangan at tinawagan siya.

"Who's this?" Sagot niya sa kabilang linya kaya napalunok ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa boses niya.

"T-This is Sabrina." Napahilamos ako sa mukha nang mag-stutter ako sa salita ko. Anong meron at nabubuhol ang dila ko? Para akong highschool na first time makausap ang crush niya. Umayos ka nga Sabrina! Para ka namang tanga!

"Oh hey Sabrina! What's up?" Tanong niya. Halata ang cheerfulness sa boses niya kaya napangiti ako bigla. "I just wanna invite you tommorrow." Sabi ko at narinig ko ang pagnguya niya sa kabilang linya kaya ang hula ko ay kumakain siya ngayon. That's good kase alam kong she's okay now.

"Sure saan ba?" I chuckled since I can her the excitement on her voice. "Dito mismo sa mansyon. She told me to invite my friends over." Sabi ko at biglang natahimik ang linya kaya tinignan ko ang phone ko at nakita na on-going parin ang call.

"Zeea?" Tawag ko sakanya.

"Ow y-yeah! Sure anong oras ba?" Tanong niya.

"How about 3 PM? Okay lang ba sayo yon?" Tanong ko.

"Ang problema kasi may pasok si Reene bukas eh." Sabi niya kaya napaisip ulit ako.

"How about five-thirty?" Tanong ko ulit.

"Okay!" Sabi niya.

"It's settled then. Should I pick you up?" Tanong ko at narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"No need. Sigurado naman akong susunduin kami ni Kyla rito." I'm a bit disappointed by her answer and I don't fvcking know why.

"Okay then. See you tommorrow." Sabi ko.

"Yeah see you!" Sagot niya at pagkatapos ay in-end na ang call.

"What the heck Sabrina! May girlfriend ka yet kinikilig ka sa iba and worst sa may asawa pa!?" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

"I heard that." Nanlaki ang mga mata ko at napabangon ng wala sa oras. Nakita ko si Mom na nakatayo sa may pinto at nakangiti sa akin. Isinara niya ang pinto at lumapit sa akin pagkatapos at umupo sa kama ko. She pat the space beside her kaya tumabi naman ako agad sakanya.

"So who's this woman?" My mother asked while smiling. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa nanay ko.

"It's Zeea." Sabi ko at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "The one you met earlier?" Tanong niya kaya tumango ako. She suddenly smiled at me kaya nagtaka ako sa ngiti niya.

"I heard you're together with Alilei again." Sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sakanya. Hindi namna talaga kami totally nagkabalikan eh.

"Hindi naman kami totally nagkabalikan. She came back but we never talk about our status. Sila lang yung nagaassume na kami." Sabi ko sakanya kaya pero hindi sumagot ang nanay ko.

"I never confirmed anything." Pagtutuloy ko pa.

"But you didn't denied it either." I bit my lower lip dahil tama siya.

"How do you feel for her? Mahal mo pa ba siya?" I was caught off guard by my mother's question. Now that she's asking me about Alilei ramdam ko ang pagkawala ko ng interes.

"Magiging masama po ba ako kapag sinabi kong hindi ako sigurado? Hindi na po kasi gaya ng dati eh. Parang hindi ko na ramdam, naglaho ganon." Umayos siya ng upo kaya umayos din ako ng upo.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon