Chapter 8

1.5K 74 0
                                    


Zeea.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinatahak namin ang pamilyar na daan papunta sa bahay este mansion nila Sabrina. Kinakabahan ako dahil makakaharap ko ang nanay at tatay ni Sab. The last time I checked her mother doesn't like me kaya ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? Will she get mad at me? I let out a sigh when we entered the Reyes' gigantic gate.

Tumigil ang sasakyan ni Sabrina sa tapat ng main door ng mansyon kaya bumaba na kami ng sasakyan. Kinuha niya ang box ng cake sa loob at hinawakan ang kamay ko para alalayan ako hanggang sa makapasok na kami sa loob. Bumungad sa amin ang amoy ng matamis na bagay kaya bigla agad akong natakam.

"Mom? I'm already home!" Anunsyo ni Sabrina kaya bumalik na naman ang kaba na pansamantala kong nakalimutan dahil sa matamis na amoy na iyon.

Lumabas si Tita Selene galing yata sa kusina at sinalubong ng yakap ang anak. Napunta sa akin ang tingin niya at nakita ko ang pagngiti niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. "I brought cake mom. Anyway this is Zeea, my new friend. Siya yung naikwento ko sainyo kagabi." Sabi niya at humarap sa akin. Lumapit naman sa akin si Tita Selene at yumakap sa akin.

"You're a strong woman." Bulong niya at kumalas sa yakap pagkatapos ay marahang tinapik ang balikat ko.

"Can you stay here with her mom? I'll just prepare this cake." Sabi ni Sabrina at tumango naman si Tita Selene sakanya.

Inaya niya akong umupo kaya sinunod ko naman siya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at marahang pinisil iyon. "I'm sorry hija kung naramdaman mong hindi kita gusto para sa anak ko." Sabi niya kaya napalunok ako.

"You see, Sabrina is a very reserved person at ikaw ang pangalawang babae na ipinakilala niya sa amin. I was afraid that you'll just hurt my daughter again at bilang isang ina ay ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan ang anak ko." Pagsisimula niya kaya ngumiti ako kay Tita Selene at umiling.

"Naiintindihan ko po kayo at alam ko pong hindi ko maiiwasang paiyakin si Sabrina pero makakaasa po kayo na yung pagmamahal ko para sa anak niyo ay totoo." Sabi ko at ngumiti naman siya.

"I know hija. Natanggap mo ang anak ko sa kung ano siya at sinabi niya sa akin na buntis ka. Is that true?" Napahawak ako sa tiyan ko at marahang hinaplos iyon at ngumiti sakanya.

"Opo. I'm carrying her child." Sabi ko at biglang nagliwanag ang mukha niya at bigla siyang naluha kaya bigla akong nag-panic.

"Ayos lang po ba kayo?" Nagaalalang tanong ko at pinunasan niya ang luha niya.

"I'm just happy." Sabi niya at niyakap ako ulit kaya natawa na ako.

"Mom? Why are you crying?" Rinig namin ang boses ni Sabrina kaya kumalas na muli sa yakap si Tita Selene at umupo ng maayos. Inilapag ni Sabrina ang isang tray na may laman na tatlong plate na may slice cake.

"I'm just happy anak and why are you giving her that? Malapit na ang lunch." Biglang naging strikto ang tono niya kaya natigilan si Sabrina.

"She's craving for it mom." Sabi niya at nagulat naman si Tita Selene. She grab one plate and gave it to me pati na rin ang tinidor.

"Get her something to drink Sabrina." Utos ni tita kaya kahit nagtataka man ay sumunod nalang siya pagkatapos ay humarap sa akin si Tita Selene na malawak ang ngiti.

"I can't wait for little Sabrina to come." Sabi niya kaya natawa ako. "Hindi ko nga po alam kung babalik nga ba ang alaala ni Sabrina." Sabi ko at mlungkot na ngumiti at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sakanya hija?" Tanong niya. Sasagot na sana ako nang makita ko si Sabrina na pabalik na at may hawak na isang baso ng grape juice kaya natakam ako bigla.

Always My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon