Chapter 12

1.9K 49 7
                                    

- Katrina's POV -

Isang linggo nadin ang nakalipas mula nang kamuntikan ng mawala ang anak ko— ang dahilan kung bakit pinapakisamahan pa din ako ni Travis hanggang ngayon.

Akala ko talaga, mawawalan nako ng anak nung mga oras na iyon dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko hanggang sa dinugo na nga ako.

Stress.

Yan daw ang dahilan kung bakit ako dinugo at kamuntikan ng ma miscarriage, pero dahil agad namang naagapan, naging ligtas naman ang anak ko, pero nagkaron tuloy ako ng iniinom na pampakapit na di ko naman kailangan noon.

Sigh.

Kailangan ko na talagang mag ingat sa mga galaw at maging sa emosyon ko ngayon.

Pero buti nalang, may maganda din namang balita akong nalaman, hindi naman daw magtatagal yung iinumin kong gamot dahil malapit na daw matapos yung critical stage of pregnancy ko.

Nakarinig ako ng nagmamadaling yabag pababa ng hagdan, at nakita ko si Travis na pormadong pormado. Tinignan ko lang siya pero hindi na ako nagtanong, para san pa? Susungitan lang din naman niya ako.

"I'm going to meet Felix Evans, my business partner. I'll be back before lunch." paalam niya bago tuluyang lumabas ng pinto. Naiwan naman akong nakanganga, di makapaniwala na nagpaalam siya sakin. "And by the way, don't forget to drink your meds." muntik ko ng maihagis yung hawak kong pinggan nang bigla siyang bumalik at naramdaman kong nagsi akyat lahat ng dugo ko sa katawan papuntang muka ko nung halikan niya ako sa pisngi. Hindi ko maiwasang hindi hawakan yung tiyan ko at lihim na magpasalamat sa anak ko, na kung di dahil sa kanya, hindi ko muling mararamdaman ang lambot ng labi ng lalakeng mahal na mahal ko.

Ilang minuto din akong napatulala sa kawalan bago rumehistro sa utak ko na kanina pa nag riring yung telepono and supposedly, kailangan ko na iyong sagutin oras mismo.

"Hello.. Agustin's residence." magalang na bungad ko sa kabilang linya. Isang tikhim lamang ang naging sagot niyon sakin bago ibinaba ang tawag.

Ano yun? Pati ba naman dito sa Sunny Village may mga nagpaprank nadin ng linya ng telepono? Oh well, di ko naman problema yon, ang problema ko ay kung ano ang lulutuin kong putahe para sa darating na tanghalian.

Tinignan ko yung personalized na wall clock sa taas ng pinto ng kitchen, napangiti ako nang makitang dalawang oras pa ang nalalabi para makapag prepare ako ng tanghaliang magugustuhan ni Travis.

Tinapos ko na yung ginagawa kong pagpupunas ng plato saka kinuha yung wallet ko na nasa ibabaw ng two-door refrigerator at yung susi na nakasabit sa sabitan mismo ng mga susi ng iba't ibang lugar sa bahay o ng kotse ni Travis.

"Ate Minang, mag gogrocery lang ho ako sandali para sa tanghalian ni Travis." paalam ko sa kasambahay na inupahan ni Travis.

Nagulat na lang nga ako ng may maabutan akong babae na late fifties sa loob ng bahay pagka discharged ko galing ospital, pinakilala naman siya sakin ni Travis at doon ko nalaman na nag hire siya ng kasambahay para daw di na ako yung gumawa ng mga gawaing bahay.

"Nako Ma'am, ako na ho, nagbilin ho si Sir Travis na huwag kayong palabasin ng bahay."

"Pero Manang, walking distance lang naman yung Sunny Market dito, no need to worry kung lumabas man ako." pagpupumilit ko. Kitang kita ko sa muka ni Ate Minang ang malaking pagtutol niya ngunit di naman niya maisatinig dahil narin siguro sa paggalang niya sakin bilang ikalawang amo.

"Pero ma'am, baka ho anong mangyari sa inyo sa labas, mananagot ako kay Sir." Naawa naman ako sa itsura niya, yung tipong iiyak anytime kaya naman nag give up na ako. Ayoko namang magpaiyak ng mas matanda pa sakin.

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon