Chapter 22

1.8K 47 3
                                    

Enjoy Reading!

Katrina's PoV

Hindi ko maalis ang titig ko sa lalakeng ngayon ay hawak hawak parin ang bewang ko.

It can't be! Hindi sa ganitong panahon kami dapat magkitang dalawa. Hindi ito ang tamang oras para muling magtagpo ang landas naming dalawa. Pero bakit? Bakit hindi ko maalis ang titig ko sa mukha ni Travis? Baka tila lalo akong hinihigop ng mga mata niya na parang isang ipu-ipo na unti unti akong tinatangay papunta sa pinakagitnang bahagi niya? Bakit halos makita ko na kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to?

Kumurap kurap ako ng ilang beses at nagbabaka sakaling mawala siya sa paningin ko at ibang tao ang umaalalay sakin, pero nabigo ako, dahil nung makita kong lumunok siya ng ilang beses at nang makita ko mismo ang pag awang ng mga labi niya, natauhan ako na hindi ito isang panaginip. Muli kaming pinagtagpo, ng lalakeng mahal na mahal ko.

"K-Katrina.." Aniya sa malambing na tinig. Doon na rin ako bumalik sa tamang wisyo, agad ko siyang itinulak palayo. "Katrina, damn!" Parang balewala sa kanya ang ginawa ko, dahil niyakap niya ako ng mahigpit. Ayoko nito. Natatakot ako. Natatakot ako na baka bigla na lamang akong bumigay, na baka masayang lahat ng pinlano ko sa loob ng walong taon.

Shit. Naiiyak ako!

Nagpupumilit akong kumawala sa higpit ng pagkakayakap niya pero para lamang akong nakikipagtalo sa isang pader, isang matibay at mataas na pader dahil hindi man lamang siya natitinag sa pwersang ginagamit ko. "God Katrina! I-I've missed you so fucking much." Tangina mo Travis. Huwag mo akong pahirapan ng ganito. Alam mo at alam ko kung gaano kita kamahal, kaya parang awa mo na bitiwan mo nako, dahil hirap na hirap na ako. Ayokong yakapin ka pabalik dahil ayokong muli mo nanamang sirain ang pagkatao ko na unti unti kong binuo, mula sa pagsira ninyo ng pamilya mo.

Naramdaman ko nanaman ang nagbabadyang mga luha na gustong lumabas mula sa mga mata ko, kaya naman pinairal ko ang galit at saka pwersahan ko siyang itinulak. Dahil siguro sa gulat, nabitiwan niya ako, pero bakit ganon? Parang gusto ko siyang hilahin para yakapin akong ulit? Inilipat ko ang paningin ko sa tatlong traydor. "Mga hayop kayo, pinagkaisahan ninyo ako?" Tinignan ko sila isa isa, saka tumigil ang paningin ko sa gawi nina Aina at Byron. "Masaya na kayo? Masaya na ba kayo na nagmukha akong tanga sa paningin ninyo sa loob ng ilang taon? Masaya na ba kayo na, na napaglaruan niyo ang isang tanga at mangmang na katulad ko?" Hindi ko na napigilan, bigla na lamang tumulo ang mga traydor kong luha. Fuck. Sabi ko hinding hindi ako iiyak sa harapan ng mga traydor na 'to.

"K-Katrina, I.. I didn't mean to-"

"To what, Ace? Hayop ka! I did trust you, naikwento ko sayo lahat lahat ng hinaing ko tapos kasamahan ka pala ng malanding yan?!" Galit na galit kong saad saka idinuro si Aina na ngayon ay namumula na sa galit.

"Huwag mo akong matawag tawag na malandi, dahil sa ating dalawa ikaw ang-"

"Ang ano Aina? Ang malandi?" Natawa ako ng mahina. "Ilang lalake ang kumama sa'yo para lang maipakita kay Travis na naikakama ako ng kung sino sino? Ilang lalake na ang hinalikan mo para maipakita kay Travis na nagpapahalik ako kung kani-kanino? At ilang lalake na ang binayaran mo para palabasin sa mama ni Travis na isa akong maruming babae? ILAN AINA?! ILAN?!" Alam kong sa mga oras na 'to, pulang pula na ang mukha't mga mata ko, pero wala akong pakealam, ang importante lang sakin ay maipahiya at malaman ng mga taong nasa establishimyentong pag aari ko, ang kalandian at kawalanghiyaan ng taong tinuring ko ng kapatid.

Oo. Pag aari ko ang Café na ito, kaya nga natuwa ako nang mabasa ko na dito napili ni Ainang makipagkita sakin, dahil kayang kaya ko siyang saktan, sigawan at pahiyain ng walang pipigil sakin.

"Katrina, tama na." Tila may bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng hawakan ni Travis ang siko ko, pero hindi ako pwedeng maapektuhan, kailangan kong maging matatag, para sa mga planong nabuo ko, para sa mga bagay na nasimulan ko na. Hindi ako pwedeng huminto. Di ako papayag na matapos sa ganito ang lahat ng sakripisyo at pinaghirapan ko sa loob ng walong taon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, biglang nagdilim ang paningin ko at nasampal ko si Travis, pero parang ako lang din ang nasaktan, dahil ni walang karea-reaksyon ang mukha niya. "Are you done? Let's go." Sabi niya saka hinawakan ang palapulsuhan ko, pero malakas ko iyong binawi. "Stop it Katrina!"

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon