Dedicated to her. Salamat po sa book cover! Di ko mailagay sa multimedia section kasi di ko na makita. :(
- Katrina's POV -
Nagising ako dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Nagtatakbo akong pumasok sa banyo para lamang magsuka ng magsuka pero wala naman akong maisuka.
Sabagay, ano ba naman ang mailalabas ko kung wala naman akong kinain mula pa kagabi.
Wala sa loob ko na napahawak ako sa tiyan ko, posible kayang?
Ah hindi, limang buwan na ang nakalipas pero wala pa naman akong naramdamang pagbabago sa katawan ko maliban sa delayed ang dating ng menstruation ko na noon pa man ay problema ko na, irregular kasi ako.
Naramdaman ko nanaman ang pagbaliktad ng sikmura ko kaya muli akong tumungo sa lababo para muling magduduwal nang bigla namang pumasok si Aina, kashare ko sa apartment/bestfriend ko na din.
"Huy Trina, okay ka lang?" aniya habang hinihimas yung likod ko. "Kanina pa kita naririnig na nagsusuka."
Ewan ko, hindi pa naman ako sigurado sa naiisip ko pero kusa ng tumulo yung mga luha ko.
"Teka, bakit naiyak ka? Don't tell me... Oh my!"
"Hindi pa ako sigurado Aina.. Pero sana naman hindi totoo yung kutob ko, dahil kung nagkataon.. magiging bastardo ang anak ko." I said between my sobs. Hindi sa ayokong magkaanak, naaawa lang ako sa magiging anak ko dahil maisisilang sya sa malupit na mundo at walang kikilalaning ama. Saka, tatlong buwan na mula ng magkahiwalay kami ni Travis kaya napaka imposible talagang panagutan nya ako kung saka sakali.
"Halika muna doon sa sala." sabi nya habang inaakay ako papuntang sala saka pinaupo sa sofa. "Dito ka muna, may bibilhin lang ako." aniya sabay labas ng apartment.
Habang inaantay ko si Aina na makabalik, hindi ko maiwasang hindi mag isip ng mga maaari kong gawin kung sakali mang nagdadalang tao nga ako, kung ano ba ang magiging kinabukasan ng magiging anak ko, kung kikilalanin ba sya ni Travis na alam ko namang imposible dahil iyon ang naging dahilan ng pag aaway namin hanggang sa umabot na sa puntong nagkahiwalay kami, at kung paano ako magtatapat kina Mamang at Papang ng hindi sila nasasaktan o ng hindi sasama ang loob nila sakin. Nahihirapan ako sa magiging sitwasyon naming mag ina kung saka sakali.
A couple of minutes passed bago nakabalik si Aina kung saan man sya nanggaling.
"O." inabutan niya ako ng PT. Noong una'y ayokong tanggapin yon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko pero dahil sa pangungumbinsi niya, nginig kamay kong kinuha ang maliit na kahon na kanina pa nya iniaabot sakin. "Itest mo na ang sarili mo, magcr ka na." utos niya kaya kahit na ayoko, sinunod ko pa din siya. Nung lumabas ako, ilang minuto pa ang hinintay namin bago malaman ang resulta.
Si Aina na ang naunang tumingin at bakas sa mukha niya na hindi maganda ang kinalabasan ng resulta. Agad naman niyang iniabot sakin yon na pikit mata ko namang kinuha 'yon saka dahan dahang dumilat para lamang muli nanamang mapapikit ng mariin kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
It's positive, I'm pregnant.
Handa na naman ako na ito ang magiging consequence ng ginawa ko noon pero di ko mapigilang maiyak. Hindi ako naaawa sa sarili ko, naaawa ako sa magiging anak ko. Ayokong mapahiya at kutyain sya ng mga tao sa paligid niya oras na malaman ng mga ito na isang disgrasyada ang kanyang ina.
"Shhh, don't cry.. Makakasama sa'yo at sa bata yan. Sasamahan kitang magpacheck up mamaya." lalo akong naiyak nung yakapin ako ni Aina. Pakiramdam ko down na down ako sa mga oras na'to at wala akong ibang magagawa kundi ang mag iiyak na lamang dahil wala naman akong pwedeng sisihin sa nangyari sakin ngayon, it's my choice.
"A-Aina.. pano na ang magiging anak ko? Ayoko syang maging bastardo, ayokong kutyain sya ng mga tao oras na malaman ng mga ito na isa akong disgrasyada." paiyak kong sabi sa kanya na nanatiling nakayakap padin sakin.
Mabuti nalang at nagkaron ako ng kaibigan na katulad niya, dahil kung wala, baka hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na'to.
"Sabihin mo kay Travis na magkakaanak kayo." kung ganon lang sana kadali iyon, sana hindi na ako mamomoblema ngayon.
"Natatakot ako... A-alam ko naman kasing hindi niya matatanggap itong batang to, hindi sya papayag na magkaron ng malaking responsibilidad." bigla niya akong inilayo sa kanya tapos tinignan ako ng seryoso.
"Hindi niya pwedeng takasan ang responsibilidad nya sayo— kayo ng anak mo dahil sya ang naging dahilan kaya nabuo yang batang yan.."
"P-Pero A-Aina..—"
"Anong pero Aina? Tigilan mo ako Katrina, hindi lang ikaw ang dapat pumasan ng responsibilidad dahil hindi lang naman ikaw ang may gawa nyan! Ano 'yan, D.I.Y?" gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko na lang. Alam ko namang kaya nya lang sinabi yon para pagaanin ang sitwasyon.
"Salamat Aina dahil andito ka. I don't know what will I do if I don't have a friend like you." saka ko sya muling niyakap, at muli nanamang tumulo yung mga luha ko.
"Naku ang drama mo. Wala yun." hindi nakaligtas sa pandinig ko yung pagsinghot nya, alam kong naaawa sya sa sitwasyon ko kaya sya nakiki iyak sakin.
★★
"Katrina Ferrer." rinig kong tawag sakin nung ob-gyne na pinagpa check up-an ko kani-kanina lang. Nilingon ko si Aina pero tinanguan nya lang ako kaya pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko, sinabihan lang nya akong maupo sa isa sa upuan na nasa harapan ng table nya. May iniabot sya saking isang brown envelope, laman daw yun nung resulta ng test saka yung ultrasound picture ng baby ko.
"Your three months pregnant, medyo delikado kang magbuntis so dapat, totally bed rest ka hanggang sa dumating na yung ikaapat na buwan ni baby. Where's your husband?"
Nasaan nga ba? Wala na nga akong balita sa kanya. Naramdaman kong nag init yung mga mata ko pero sinubukan kong pigilan, mamaya magtanong pa yung doktora kung bakit eh.
"N-nasa ibang b-bansa ho eh."
"Oh, pero may iba ka namang kasama diba? Ganito nalang, tell him/her na gabayan ka muna hanggang sa mag four months na si baby para malampasan mo yung critical stage." tango nalang ako ng tango. Wala naman kasi talaga akong balak na sabihin kay Aina yung mga sinabi nung doktora saka isa pa, ayokong maging pabigat sa kanya.
Nagpasalamat lang ako sa doktora saka lumabas ng klinika niya. Naabutan ko namang nakatayo na si Aina na para bang alam na lalabas na ako.
"Tara, may pupuntahan pa tayo."
"H-ha? Saan naman?"
"Basta." yun lang at hinila na niya ako papunta sa sakayan ng taxi.
Bigla akong kinabahan nung mapansin kong pamilyar ang lugar na dinadaanan namin. Jusko, wag naman sanang tama ang hinala ko, ayoko ng makita pa si Travis at ayokong sabihin sa kanya na magkakaanak kami.
Halos sakluban ako ng langit at lupa nang makita ko kung saang gusali huminto ang taxi. Sa gusali kung saan nakatira ang lalakeng pinagbigyan ko ng buong ako— sa condo ni Travis.
Hindi na ako nagreklamo nung pumasok kami sa loob dahil di naman ako mananalo sa kapursigiduhan ni Aina na sabihin ko kay Travis ang lahat. Lalong tumindi ang kaba ko nung malapit na kami sa unit nito, at rinig na rinig ko rin ang pintig ng puso ko na lalong lumakas noong nasa tapat na kami ng unit niya.
Saglit akong napatitig sa unit na minsan ko ng pinasukan habang nanalangin na sana'y wala si Travis dito o kaya naman ay naibenta na nya at sa ibang bansa na sya nanirahan.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang buzzer, imposibleng ako ang pumindot dahil wala na nga akong balak magpakita pa sa kanya, imposible din namang mga taga ibang unit dahil wala naman akong nakikitang ibang tao sa hallway kaya nilingon ko si Aina na ngayon ay gusto ko ng batukan dahil yung daliri niya ang pumindot ng buzzer na simbolo ng kahihiyan ko. Bago pa ako makapagreklamo, biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang lalakeng mahal na mahal ko.
"T-Travis..."
♦♦
Feel free to vote to comment or to follow :)
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
Tiểu Thuyết Chung"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.