Chapter 26

1.6K 29 0
                                    

Travis' PoV

Isa?

Mali.

Dalawa?

Oo, tama. Dalawang linggo na palang nakaratay si Katrina sa puting kama at apat na sulok ng tahimik na kwartong ito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong tinanong ni Cole kung kailan magigising ang mommy niya, hindi ko na din mabilang kung ilang beses na naming inagaw si Katrina sa kamatayan, ang tanging alam ko lang, mahal na mahal ko pa din ang babaeng nakahiga sa harapan ko ngayon.

"Travis, anak, umuwi ka na kaya muna? Baka mamaya niyan ay ikaw na ang babantayan dito sa ospital." Rinig kong sabi ni yaya Nita habang nag aayos ng mga dinala niyang pagkain. Napabuntong hininga ako. "Saka na lang po kapag nagkamalay na ang asawa ko." Hintay kong sermunan niya ulit ako pero wala na akong narinig na salita galing sa kanya, tinapik niya lang ang balikat ko sa'ka siya lumabas ng kwarto.

Muli nanamang nanumbalik ang katahimikan sa silid, tanging tunog lamang ng aparatong nakakabit kay Katrina at ugong ng aircon ang tangi kong naririnig, naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ko ang mismong araw ng pagkaaksidente ng asawa ko.

Flashback

"Travis talaga bang wala kang kahit na kaunting pagtingin sa'kin? Ako na ang kasa-kasama niyo ni Cole sa loob ng ilang taon, ako ang nagsilbing ina niya, mukha na nga tayong masayang pamilya." Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi ni Aina. She's right, she's with us since the death of Katrina, kahit sina lolo at lola ay napaamo na niya, pero bakit yung puso ko hindi niya mahuli huli? I want to give her a chance, just for Cole's sake but everytime I tried to, Katrina's smiling face was appearing in my mind.

Damn it!

"I can treat Cole as my own and we can give him a chance to have a complete family." I know, Aina. I fucking know. But hell, si Katrina lang ang nakikita kong kasa-kasama ko, ni Cole at ng mga magiging anak pa namin sa hinaharap.

"Katrina is dead, Travis. Let her soul rest." She's not dead, Aina. Of all people, you should be the one who know that she's still alive.

Tama. Dapat matagal ng kinontak ni Katrina si Aina dahil magbestfriend sila, hindi ba?

She smiled, "Stop starring Trav, feels like you're going to give us a chance." If you only knew what I am thinking while looking at you, Aina, you'll freak the hell out. "Hey? Travis, please talk to—" Aina stopped as her phone vibrates. Her lips smiled. She stood up and kissed me on my cheek, "I hate to cut our conversation but I have some important errands to do. See you later, Trav." Then she walk away. I feel something weird on how she acted, so I follow her, two cars apart.

Ilang oras din kaming nagmaneho papunta sa lugar siguro na pagkikitaan nila nung tao na siguro'y nag iwan ng mensahe sa kanya, hinintay ko munang makalayo siya sa sasakyan niya bago ako bumaba at sumunod sa lugar na kanyang pupuntahan.

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon