- Katrina's PoV -
It's been a month since that incident happened. I lost Cole's twin sister, but until now, I am still grieving for her death.
Ngayon, sa wakas ay naintindihan ko na kung bakit nawala sa tamang pag iisip si Teresa— kabitbahay namin sa probinsya nung mamatayan ito ng anak. Nakakabaliw pala, lalo na kapag sa simula palang, alam kong dalawa yung magiging anak ko, pero nung magising ako, iisa nalang ito.
Flashback
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, at sumalubong sakin ang mga nag aalalang muka nina inay at itay. Bigla akong napa upo at di alintana ang mumuting kirot na sumigid sa tiyan ko, nang maalala ko ang nangyari.
Bloods.
Maraming dugong nakapalibot sakin, sa kama kung saan ako nanggaling.
"N-Nay, a-ang mga anak ko?" Tanong ko.
"N-Nasa nursery."
"Gusto ko silang makita."
"S-Sorry anak, p-pero.. N-namatay ang isa sa kanila."
Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari, basta bigla nalang akong nagwala, nagsisisigaw at nagpipilit na makapunta sa nursery kung nasan ang mga anak ko, pero hindi nangyari dahil tinurukan nila ng pampatulog ang dextrose ko.
End of flashback
Ilang araw din ang inilagi naming mag ina sa ospital bago kami tuluyang pinalabas. Pinagaling pa kasi yung tahi ko since nagperform sila ng Cesarean Section para lang mailabas yung kambal, at para nadin matignan kung maayos na ba ang lagay ni Cole.
Nang madischarge kami, sa puntod agad kami ni Coleen nagpunta. My parents, and Travis' parents decided to gave her that name, dahil karapatan ng bata na magkaron ng pangalan, buhay man o patay.
Hindi ko magawang magpunas ng luha dahil karga karga ko si Cole sa mga bisig ko sa mga oras na ito, kaya naman hinayaan ko nalang na tumulo iyon ng tumulo.
Kung hindi ko sana inistress ang sarili ko, kasama pa namin sana ngayon si Coleen. I want to hug her, to kiss her soft pinkish cheeks, and touch her smooth skin.
"Don't leave mama okay? Huwag mong gayahin ang kakambal mo." I whispered, sapat para marinig ng sanggol na karga karga ko. I smiled a little. Alam ko namang di niya pa ako maiintindihan, pero heto ako, nakikipag usap sa kanya. Nanaman.
Kung iniisip niyo na galit ako kay Travis dahil sa pagkawala ni Coleen? Hindi. Dahil in the first place, hindi si Travis ang nagwakas ng buhay ng bata, kundi ang nagbigay mismo sa amin nito. Wala akong karapatang kwestyunin ang desisyon Niya dahil isa lamang din naman akong nilikha Niya.
Speaking of Travis, mula ng madischarge ako ng ospital, isang beses ko pa lang siyang nakikita. Yung araw na, unang beses niyang buhatin si Cole.
I sighed.
Ayoko na munang mag isip ng kung anu anong bagay sa ngayon, hahayaan ko muna ang sarili kong malunod sa ligayang hatid ng anghel na naiwan sakin.
- Ace's PoV -
Kaninang kanina ko pa gustong lapitan si Katrina pero hindi ko magawa. Alam ko kung anong nangyayari, alam ko kung bakit hanggang ngayon, wala pa din si Travis! Fvck! Kung hindi lang ako hawak ng taong 'yon, hindi ako susunod sa mga walang kwenta niyang utos.
Naihilamos ko na lang ang dalawang kamay ko sa muka ko saka sumakay ng sasakyan at pinaharurot iyon palayo sa lugar kung nasan ang taong mahal ko.
"I'm sorry Katrina." I whispered bago itinodo ang bilis ng sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.