Chapter 13

1.7K 43 0
                                    

- Katrina's POV -

Nagising ako na may pamilyar na naaamoy sa tabi ko, paglingon ko, isang gwapong nilalang na payapang natutulog habang hawak hawak ang ulo ko. Napansin kung di na siya nakapagpalit ng pantulog, mukhang sobra ang pagod niya kahapon, siguro madami silang ginawa nung kameet up niya kaya marahil ay nalimutan niya ang pangako niyang uuwi bago mananghalian.

Ilang minuto pa ang itinagal ng pagtitig ko kay Travis bago ako dahan dahang bumagon para sana'y di siya magising pero walang nangyari, unti unti syang gumalaw hanggang sa pupungas pungas na kinusot ang mga mata. Ang cute niyang tignan sa ginagawa nyang yun, para lang syang batang paslit na nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"What time is it?" aniya habang nanatiling nagkukusot ng mata. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lamang dahil baka masira ang umaga niya ng dahil sakin.

"Mag se-seven pa lang, masyado pang maaga, matulog ka pa tutal sabado naman ngayon, wala kang trabaho, diba?"

Tumango lang sya bilang tugon.

Papalabas na sana ako ng kwarto ng marinig ko syang magsalita.

"Bacon, scrambled egg, creamy coffee."

"Babangon kana din ba agad?"

"No. 10 more minutes."

"Okay."

Nang marinig ko syang maghilik, tinuloy ko na yung naudlot na paglabas ng kwarto namin saka nagtuloy sa banyo na madaraanan bago makarating ng hagdan upang gawin ang morning rituals ko.

Matapos kong mag ayos ng sarili, bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si manang na naghahanda upang magluluto ng umagahan naming mag asawa.

"Magandang umaga ho, Manang."

"Magandang umaga din, ang aga mo namang magising? Ni wala pa akong pagkaing nailuto, kakatapos ko pa lang kasing maglaba." tugon niya habang isa isang inilalabas yung mga lulutuin nya na pulos karne't baboy, akala niya siguro'y may pasok si Travis kaya heavy breakfast ang ihahanda nya.

"Ah Manang, wala hong pasok si Travis ngayon, mag day off na ho kayo ngayon hanggang bukas, ako na ho ang bahala sa mga kakainin namin ni Travis." pigil ko sa kanya saka dahan dahang ibinabalik yung karne't baboy na inilabas ni Manang mula sa freezer kanina.

"Sigurado ka? Hindi ka ba mahihirapan?" naninigurado niyang tanong.

"Oho Manang, sigurado ho ako, besides, mag pafive months nanaman ho ang tiyan ko, hindi na daw ito delikado." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Osha sige, uuwi muna ako sa amin para naman makasama ko ng matagal tagal ang pamilya ko, basta kapag kailangan niyo ng tulong, tumawag lamang kayo ha?"

Tumango ako bilang tugon at naging hudyat iyon para sa kanya para mag ayos ng mga dadalhin pauwi sa kanilang tahanan.

Nagtungo ako sa freezer para kumuha ng ilang bacon strips, 2 itlog saka ipinrepare yung mga gagamiting panluto, then after a couple of minutes natapos din ako at eksakto namang pumasok si Travis dito sa kitchen.

"Hmm.. smells good." puri niya pagkaupo sa silya sa harap ng mahabang glass table. Akma siyang kukuha ng tasty bread at bacon ng tapikin ko ang kamay niya. Lito naman siyang napatingin sakin.

"Hindi pa kumpleto yung nirequest mo, hintayin mo yung coffee." Nakasimangot kong sabi habang nagtitimpla ng kape para saming dalawa.

Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast nang lumapit samin si Manang para magpaalam.

"Where are you going?" Litong tanong ni Travis kung kaya naman ay sinabi kong pinagday off ko muna si Manang hanggang bukas. Tumango naman siya bilang pagsang ayon, niyaya niya pa nga si Manang na sumabay samin pero tumanggi na ito, marahil ay nahihiyang sumabay sa aming dalawang amo niya.

"Mauna na ho ako, Sir Travis, Ma'am Katrina."

"Sigurado kang ayaw mo munang kumain?" nakangiti namang umiling ito sa amin saka tumalikod at nagsimulang maglakad papalabas ng bahay nang may maalala ako. "Manang! Sandali lang." ani ko saka nagmamadaling nagtungo sa estante ng mga car collections ni Travis at kinuha doon yung wallet ako, after that, may pagmamadali din akong nagtungo sa kinatatayuan ni Manang saka nag abot ng perang sa tingin ko'y kakasya sa pamasahe at pambili niya ng pasalubong para sa uuwian niya. Nagpasalamat naman ito at saka tuluyan ng nagpaalam. Nang nakita kong nakasakay na sya sa tricycle palabas ng village, bumalik na ko sa komedor saka naupo sa silyang katabi ng kay Travis.

"Ayos kang makatakbo! Parang hindi ka buntis ah." nakabusangot na suway sakin ni Travis pagkaupong pagkaupo ko. Lihim naman akong napangiti ng maramdaman ko ang pag aalala na kadikit ng pambubuska niya sakin. I realize, na kahit hindi maganda ang pakikitungo sakin ni Travis, hindi naman niya hahayaang may mangyari sa magiging anak naming dalawa.

--

"Congratulations Mr. and Mrs Agustin, it's a twin." ani nung ob-gyne na nirefer sakin nung lola ni Travis. Hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa nalaman ko, all this time, alam ko na isa lamang ang laman ng sinapupunan ko pero mali pala ako, dalawa sila. Dalawa ang magiging anghel namin ng asawa ko.

Nilingon ko si Travis at bakas sa kanyang mukha ang tuwa't saya na nadarama ngayon, may mumunting butil din ng luha na pinipigilan niyang lumabas mula sa mga mata niya ngunit di rin siya nagtagumpay dahil kahit anong pilit nya, lumabas parin ito at tuluy tuloy na naglandas sa makinis at perpektong mukha niya.

"K-kambal ang magiging anak ko? D-dalawa sila?" tila ngayon lamang sya natauhan sa binalita ni doktora dahil parang di sya makapaniwala sa narinig niya.

"Yes Gabriel, magkakaroon na ng kambal sa pamilya niyo. After 10yrs, muling nabuhay ang lahi ng kambal. And oh, girl and boy ang magiging babies niyo." dagdag pa ni doktora na lalong nagpaluha sakin.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, bigla nalang akong niyakap ni Travis saka pahikbing bumulong.

"S-salamat Katrina.. s-salamat, at di mo p-pinagkait sakin ang.. ang mga magiging anak ko." aniya kaya miski ako ay tuluyan ng napaiyak habang niyayakap pabalik ang lalaking lahat lahat sa akin.

- Travis POV -

Fvck! Sobrang saya ko, hindi ko sukat akalain na may mas sasaya pa pala sa araw noong sinagot ako ni Katrina, ilang taon na ang nakakaraan.

Hindi ko alam na siya parin ng magiging dahilan ng sayang hindi kayang tumbasan nino man, ng sayang siya lang mismo ang may kakayahang magbigay, ng sayang sa kanya ko lamang naramdaman. Hindi ko akalaing ang babaeng pinipilit kong alisin sa puso ko, ay ang babaeng handang magbigay ng walang katumbas na saya sa buhay ko.

Sana.. sana hindi ko nalamang alam ng lahat.

Sana.. sana hindi ko nalamang alam ang tunay na ugali ng babaeng kailan man ay di naalis sa puso't sistema ko.

Sana.. sana hindi totoo ang lahat ng litrato't video na nakita ko, kahit na, mukha pa niya mismo ang laging kalakip noon.

- Someone's POV -

Magsaya kana Katrina hangga't nasa iyo pa si Travis, dahil oras na gawin ko ang pinaka sa lahat ng pinakang bagay na kaya kong gawin, tiyak na, kahit pa ilang anak ang ibigay mo kay Travis, hinding hindi kana niya mapapatawad, hanggang sa kahulihan ng kanyang hininga.

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon