Sorry for the late update, naka READER MODE ako this past few weeks? Days? Ah basta, nag enjoy ako sa pagiging reader at baka humaba pa hangga't di ko pa natatapos yung story'ng kinahuhumalingan ko. :)
Hope you enjoy this Chapter guys! :3
- Katrina's POV -
"Yesha.. W-what are you doing here?" nanlulumo ako, baka imbis na magkaigihan kami ni Travis, baka bigla nalang lumayo ang loob niya sakin dahil nandito sa harapan ko ngayon ang first love at first heartache niya.
Yesha Trinidad, Travis' first love, childhood bestfriend. Kilala ko siya dahil bukambibig siya ni Travis noong mga panahong magkaibigan pa lang kami, noong mga panahong tinutulungan ko siyang maka move on sa paghihiwalay nila ni Yesha.
Hindi ko alam kung may nararamdaman pa din ba si Travis sa kanya o ano, ayoko ng isipin pa.
"Katrina, c-can I come in?" aniya habang nakahawak ang isang kamay sa gate.
Di narin ako nagulat na kilala niya ako.
Sino ba namang hindi makakakilala sakin kung isang Gabriel Travis Agustin ang napangasawa ko? Na kabilang sa pamilya ng mga kilalang tao sa larangan ng negosyo.
I sighed.
Damn, the popularity he have.
"Katrina please.. I-I want to talk to him, I want to clean my name, I want to say sorry for what I've done to him a year ago." aniya habang inaalog ang tarangkahan na lumikha ng maingay na tunog.
Napapikit ako, gumagana nanaman ang pagiging maintindihin ko. Gusto ng puso ko na ipagtulakan siya palayo at huwag ng papasukin sa bahay pero sinasabi ng utak ko na kailangan nilang magkausap ni Travis.
"Katrina, p-promise.. H-hindi ako gagawa ng gulo... J-just.. just let me talk to him." napapikit sya kasabay ng pagtulo ng masaganang luha. "Please.." aniya sa namamaos na tinig.
"KATRINA!" sabay kaming napatingin sa likod, and there he is, matalim ang mga titig sa babaeng kaharap ko. "Why are you talking to her?" dugtong niya habang papalapit sa amin.
Nakasuot siya ng v-neck shirt na kulay puti na tinernuhan ng cargo short saka isang vans, lutang na lutang ang kakisigan niya sa simpleng kadamitang suot suot niya.
Mas lalo akong naiinlove sa ama ng anak ko.
"Gab please, listen to me.." ani ni Yesha ng tuluyang makalapit saamin si Travis. Bubuksan ko sana ng malaki ang gate para makapasok siya ngunit pinigilan ako ni Travis. "Gab, hindi totoo lahat ng nasa pictures noon! Jean edited those freaking pictures and videos para siraan ako sayo. She loves you so much!"
Ikinuyom ni Travis ang kanyang kamao atsaka muling tinitigan si Yesha ng matalim na titig, "Don't drag her name Yesha, matagal na syang patay!."
"Believe me.." bakas sa boses ni Yesha ang pagmamakaawa pero tila balewala iyon kay Travis.
Napasighap ako ng hawakan niya ang bewang ko, "Let's go, Katrina." aniya saka ako inakay papasok sa loob ng bahay. Lilingunin ko pa sana si Yesha pero pinigilan ako ni Travis.
"I SWEAR TRAVIS! HINDI KAYO MAGIGING MASAYA NI KATRINA!" kibilabutan ako sa huling salitang narinig ko mula kay Yesha bago tuluyang sumara ang wooden double-door ng bahay.
"FVCK THIS LIFE!" sigaw ni Travis ng tuluyan ng mailapat ang pinto saka hinawi lahat ng laman ng lamesang nadaanan niya.
I felt a pang in my chest, I know, he still have feelings to Yesha kahit pa dumaan na ang maraming taon. I can't blame him, Yesha is his first love, at naniniwala ako sa kasabihang 'First love never dies.' dahil ako, ni hindi nabawasan ang pagmamahal ko kay Travis kahit na ilang beses na niya akong sinabihan ng masasakit na salita.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.