Chapter 28

958 19 2
                                    

Chapter 28

Katrina's Pov

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, tila ba may nakadagan na kung anong mabigat, gusto kong gumalaw ngunit tila hindi ako kilala ng sarili kong katawan, ultimo simpleng paggalaw ng aking mga paa ay hindi ako mapahintulutan. Marahil sa sobrang bigat at hirap ng nararamdaman, kusa kong nabanggit ang pangalan ng lalakeng hindi naalis sa puso ko.

"T-Travis.." Hindi ko alam kung sa isip ko lang ba nabanggit iyon o sadyang mahina lamang kaya pakiramdam ko ay ako lamang ang nakarinig. "T-Travis.." Muli kong pag ulit, nagbabakasakali na bigla siyang lilitaw sa harap ko.

Ayoko na, ayoko na maghiganti, gusto ko na siyang makasama, sila ng anak namin, sobra na ang pangungulila ko sa mag ama ko at ayokong dumating ang panahon na mawawala ako sa mundo na hindi ko manlang sila muling nakasama.

"K-Katrina?" Sana ay hindi ako nananaginip, sana ay totoo ngang boses niya ang aking narinig. Nais kong buksan kaagad ang aking mga mata ngunit tila pati ito ay gustong ipagkait sa akin ng pagkakataon, pati pagbukas ng aking mga mata ay lubhang napakabigat gawin, ngunit kailangan kong magmadali dahil natatakot ako na baka hindi ko siya makita at isang guni guni lamang ang lahat. Inunti unti ko ang proseso sa pagbukas ng aking mga mata hanggang sa magtagumpay ako kasabay ng pagtulo ng mga luhang hindi ko alam kung gaano katagal naipon. Hindi ako nananaginip, nasa harap ko ang lalakeng nagmamay ari ng puso ko. "Katrina, mahal ko salamat naman at nagising ka na! Teka tatawag ako ng doktor, hintayin mo ako ha?" Nagmamadali niyang bungad nang marahil ay nakita niyang tagumpay kong naidilat ang aking mga mata. "Mahal, hintayin mo ako okay? Marami akong ikukwento sa'yo." Aniya saka ako hinalikan sa aking noo at naramdaman ko ang pagkawala ng presensya niya sa tabi ko. Bigla akong kinabahan, natakot at nalungkot, isa lamang bang guni guni ang lahat? Sobra sobra lang ba talaga ang pangungulila ko sa kanya kaya hanggang sa muli kong pagdilat ay siya ang kauna unahan kong nakita't narinig? Sa sobrang gulo ng utak ko, hindi ko namalayan ang pagpasok ng doktor at ilang nurse na umasiste sa kanya upang tignan kung maayos na ba ang kalagayan ko.

"Mahal, may gusto ka ba? May masakit ba sa'yo?" Aniya habang papalapit sa kamang kinahihigaan ko. "K-kat? K-kilala mo ba ako?" Dugtong pa niya. Nais kong humalakhak sa itsura niya ngayon ngunit tila hindi pa handa ang kahit na anong kilos ang katawan ko sa mga oras na ito. Gaano na ba ako katagal dito? Bakit yata parang nakalimutan na ng katawan ko kung paano gumalaw ng normal? "Katrina.." Muli niyang tawag sa akin dahilan upang mapansin ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata niya.

Gamit ang unti unting nagbalik na lakas, marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi saka tipid na ngumiti. "I'm fine, don't worry." Nais kong umiyak dahil sa unang pagkakataon mula ng masira ang pagsasama namin, ngayon ko lamang muling nahawakan ang mukha ni Travis na hindi niya ako pinandidirihan o itinataboy.

"Thank god!" Bulalas niya saka ako niyakap ng sobrang higpit. Nais ko nanamang maiyak, ito 'yung yakap na matagal ko na gustong muling maramdaman mula sa kanya, ngunit dahil sa hindi magandang pangyayari, ay ilang taon kong hindi nagawa. "Akala ko ay tuluyan ka ng mawawala akin, sa amin ni Cole." Panimula niya saka umalis sa pagkakayakap sa akin ngunit hindi rin nagtagal ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay kong walang swero. Nais ko na sanang magtanong tungkol sa anak namin ngunit hinayaan ko na muna siyang magkwento. "A-ang tagal mong nawala, buong akala ko wala kana talaga.." Marahan niyang iniayos ang buhok ko saka ito inipit sa magkabilang tenga ko "8 years, Kat.. 8 years kaming nangulila sa iyo ni Cole pero alam ko naman na kasalanan ko itong lahat, masyado akong naniwala sa mga video at litrato na ipinadadala sa akin noon. Patawarin mo sana ako Katrina, bumalik ka na sa akin, sa buhay namin ng anak natin.." Naramdaman kong namasa ang aking kamao nang hagkan iyon ng mariin ni Travis, nais kong magalak sa tuwa dahil alam kong sa mga oras na 'to, totoo lahat ng sinasabi niya. Tahimik pa rin ako habang pinagmamasdan ang mukha ng taong mahal na mahal ko, habang pinakikinggan ang mga salitang noon ko pa nais marinig mula sa kanya. "Hindi kaming matatauhan lahat kung hindi sinabi ni lolo kay lola na tanggapin ka naming muli oras na bumalik ka, dahil kami ang mas may malaking pagkakamali sa iyo." Muli ko nanamang naramdaman na may pumatak sa kamao ko, nais kong punasan ang mga mata ng lalakeng kaharap ko ngunit tila sobrang laking pagsubok nanaman ang paggalaw. Ano ba ang nangyari? Bakit tila nasa isang baldadong estado ako? Unti unti ay nagsipasok sa memorya ko ang lahat ng nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon