Chapter 14

1.8K 39 0
                                    

- Katrina's POV -

Napangiti ako ng makitang titig na titig si Travis sa ultrasound picture ng kambal namin at alam kong tuwang tuwa siya kasi pinalakihan niya yung picture at idinisplay sa pader na katapat ng front door. Actually 3days ago na ang nakakalipas pero hindi pa din siya maka move on sa feelings niya nung makita niya yung actual na itsura ng baby namin sa loob ko and nung malaman namin na kambal nga sila.

"Babe, ipapakita ko 'to sa mga empleyado ko maging kina Mama, paniguradong matutuwa ang mga 'yon." aniya habang nananatiling nakatitig sa picture. Gustung gusto kong punahin yung sayang ipinapakita niya ngayon pero hindi ako naglakas loob na gawin iyon, dahil ayokong mawala yung totoong ngiti niya sa mga labi niya na matagal ko ng hindi nakita. "Hey, why don't you say something? Nakatulala kalang diyan." Bigla akong bumalik sa kasalukuyan, biglang natapos yung pagmumuni muni ko nang bigla nyang punahin ang pananahimik ko.

Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang nakaka intimidate kung tumingin. "Ayoko lang i-spoil yung sayang nararamdaman mo ngayon. Ayokong maging dahilan nanaman ng pagpalis ng tuwa na nakikita ko sa mga mata mo. Gusto kong manahimik na lamang muna habang tinitignan kang galak na galak sa litrato ng anak mo na matagal tagal mo pa bago makita."

"Katrina.." Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung bigla syang lumapit sakin. Is he going to hurt me again? Kasi ayoko na, ayoko na ulit masaktan lalo na't may dalawang buhay na pwedeng mawala oras na sobrang mabugbog ang katawan ko, ayoko ng muli pang mabaunan ng kuko dahil sa sobrang diin ng pagkakahawak niya sa braso ko. Naalarma ako ng ilang hakbang nalang ang layo sakin ni Travis kaya naman napapikit ako at hinintay na masaktan ang iba't ibang parte ng katawan ko.

Ngunit parang nais kong kainin lahat ng sinabi ko. Dahil imbis na makaramdam ako ng sakit,iba ang naramdaman ko. Nakaramdam ako ng ginhawa at pakiramdam ko, safe ako sa mga bisig niya. Yung akala kong sasaktan niya ko, isa lang palang malaking akala, dahil imbis na magkatotoo yung sinabi ko, mga matipunong braso ang yumakap sa buong ako, at inaamin ko, na sa pagkakataong ito, muli nanaman akong umasa, na dadating ang araw na magkakaayos kaming muli, babalik sa dati ng relasyon naming dalawa, at kami'y magiging isang buo, at masayang pamilya.

"I'm sorry, I'm sorry dahil alam kong natatakot kana sakin. I'm sorry kasi alam kong isang malaking pagkakamali ang tingin ko sayo, I'm sorry kasi alam kong, alam kong inaakala mo na bawat salitang lalabas mula sa bibig mo ay di ko magugustuhan. Pasensya na Katrina kung di ko kayang maging isang mabuting asawa sa'yo." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko sukat akalaing ang isang Gabriel Travis Agustin, na isang kilalang tao sa panahon ngayon ay kayang magpakumbaba sa isang normal na babaeng gaya ko, na kayang magbaba ng pride sa isabg babaeng sa tingin niya'y isang marumi. Yeah, alam kong isang maruming babae ang tingin niya sa akin mula ng muli kaming magkita sa condo na tinutuluyan nya, hanggang ngayon. Alam kong pinandidirihan niya ako, ngunit hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang pandidiri niya sa akin samantalang alam naman niya kung sino ang nakauna sa akin, hindi ko alam kung saan sya humuhugot ng sama ng loob para sakin, ni wala akong maalalang naging kasalanan ko sa kanya mula ng magkahiwalay kami. Maliban na lamang doon sa what if's na ipinipilit ko matapos magsanib ng aming mga katawan sa unang pagkakataon. Biglang tumulo ang mg luha nang maalala ko lahat ng pambabalewala sakin ni Travis.

"T-Travis.." Bigla kong napahikbi ng tawagin ko ang pangalan niya, at huli na ang lahat para itanggi pang umiiyak ako. Marahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap niya sakin at tinignang mabuti ang mukha ko, kaya naman muli akong napayuko, at hinayaang titigan na lamang ang carpeted floor na living room.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa baba saka unti unting itinaas ang mukha ko, "What's wrong? Why are you crying?" Nag aalalang tanong niya. Imbis na matuwa dahil sa pag aalalang rumehistro sa mukha niya, mas lalo lamang tumulo ang mga luha ko dahil sa realisasyong nabuo sa isip ko, na kaya lang naman siya ganyan mag alala dahil dala ko pa sa sinapupunan ko yung kambal na anak na gustong gusto na niyang makita. "Hey, may masakit ba sayo? May nagawa ba akong mali? My God! Tell me Katrina, what's wrong? Wag mo kong pag alalahanin ng ganito."

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon