- Katrina's POV -
Ang sobrang bilis naman ng araw, parang nung isang araw lang nalaman ng pamilya niya na buntis ako tapos heto na ako agad ngayon, nakaupo sa harap ng dresser ng isang hotel habang inaayusan ng mga hired beauticians na galing pa sa isang sikat na salon.
Tulad ng ibang bride, kinakabahan ako, pero hindi dahil sa tuwa at saya, kundi dahil sa takot na malapit ng magsimula ang kalbaryo ko sa poder ni Travis.
I sighed.
"What's wrong, darling?" napa angat ako ng tingin nung may magsalita.
"Ma'am Vernice.."
"Ma'am? How many times do I have to tell you that you should call me Tita or Mommy?"
30 times, I guess. Gusto ko sanang isagot pero di ko nalang tinuloy baka kasi isipin niya na binabastos ko ang nanay ng magiging asawa ko.
"U-uhmm.. Hindi lang po ako sanay."
"Why? Five years na kayo ng anak ko and magkakaanak na kayo kaya masanay ka ng tawagin ako sa pangalang gusto ko." lihim akong nagpasalamat na hindi niya natatandaang tinatawag ko syang Tita Vernice noon. May magandang bagay din palang mangyayari sakin ngayon. "By the way, you look gorgeous today." napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. Nakipagbeso beso muna sya sakin bago tuluyang lumabas ng hotel suite na nakareserve na para talaga sakin.
Hindi pa nagtatagal na umalis si Ma'am— err Tita Vernice nang bigla nanamang may kumatok.
"Ms.Ferrer, the bridal car is ready." tumayo nako saka naglakad papalabas ng suite ko.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na'to— yung nakatigil na yung sinasakyan ko sa harap ng malaking simbahan kung saan magwawakas ang kalayaan ko at magsisimula ang kalbaryong kinatatakutan ko.
Kailangan kong pigilan ang kabahan at mastress lalo na't sinabi nung ob-gyne na nagcheck up sakin na delikado ang pagbubuntis ko.
Awtomatikong napahawak ako sa medyo umbok ko ng tiyan. "Nak, kapit ka lang maigi kay Nanay ha? Alam kong malabo na maging masaya tayong pamilya pero sana be strong ha? Don't leave Nanay." nag unahan sa pagtulo yung mga luhang kanina pa gustong gustong lumabas mula sa mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya huli na para itago pa ang mga ito, napayuko nalang tuloy ako.
"Don't be shy Iha, lahat ng bride na sinerbisyuhan ko umiiyak bago bumaba ng sasakyan dahil sa tuwa." nakangiting pag aalo sakin nung wedding coordinator. Kung sila naiiyak sa tuwa, ako naiiyak dahil nahahabag ako sa sarili ko pati sa anak ko. "Let's go?" pinunasan ko muna yung mga luha ko bago lumabas ng sasakyan.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng simbahan.
Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagtugtog ng wedding march, na hindi tulad sa ibang kasal na yung theme song nyo mismo ng magiging asawa mo ang ipeplay habang naglalakad ka sa aisle.
Hindi ko maiwasang hindi ikumpara ang kasal na nagaganap ngayon sa mga kasal na nasaksihan ko noon na talagang ang sweet ng ambience ng church at talagang maiinggit ang lahat ng invited, sabagay, may halong pagmamahal kasi yung sa iba di tulad sa kasal ko na ako lang yung nagmamahal.
Habang naglalakad ako sa aisle, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa paligid ko, halos lahat sila nakangiti at maging sina Mamang at Papang na nasa unahan nakaupo kasama sina Tito Frank, Tita Vernice, Trevor saka si Aina na mangiyak ngiyak. Tumingin din ako sa iba't ibang parte ng simbahan at kitang kita ko kung gaano sila kasaya dahil may nasaksihan silang kasal ng dalawang nagmamahalan kuno.
Kung sa iba may kasamang parents yung bride, ako naman hindi. Para maiba naman.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang malapit na akong makalapit sa kinatatayuan ni Travis na bagama't nakangiti, hindi maitatanggi ang galit at pagtutol sa mga mata niya na ayaw nya talagang maikasal sakin.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.