Dedicated to him, he's also one of the bc maker in this story.
Naka ilang palit din pala ako ng book cover. Hehe.
- Katrina's POV -
Pinagloloko ba niya kami? 3days from now? Eh kahapon niya lang sinabi na kailangang maikasal kami ni Travis.
"Dad! Are you out your mind?!" bakas sa tono ng boses ni Travis ang pagtutol, kahit naman ako tutol, pero wala naman akong karapatang makisali sa usapan nilang mag ama saka alam ko namang hindi lang sa bilis ng proseso ng kasal sya tutol, pati sa mismong kasal tutol sya.
"No, I'm not. And what's wrong with that? Pangit tignan kung maglalakad si Katrina sa Aisle na malaki ang tiyan." he has a point, ayoko rin namang maglakad papuntang altar ng malaki ang tiyan. Pero nakay Travis pa din ang desisyon. Kinabahan ako nung nagawi sakin ang paningin ni Travis tapos pasimple nya akong sinamaan ng tingin, napayuko tuloy ako. "Do you agree?"
"P-po?"
"Agree ka ba sa desisyon kong ipakasal kayo 3days from now? As far as I know, nakakahiyang maglakad sa aisle ng malaki ang tiyan." I want to say yes pero di ko magawa dahil ramdam na ramdam ko yung talim ng titig ni Travis. Sht lang! Para akong iniihaw ng buhay dito.
"Ah.. eh.. Sir Frank, k-kung ano na lang ho y-yung desisyon ni T-Travis." nasabi ko nalang. If I know, deep inside, ang magiging desisyon ni Travis ay ang huwag akong pakasalan at hindi ibigay ang pangalan niya sa bata.
"Travis?"
"FINE! Do I have a fvcking choice?!" galit na wika nito bago tumayo saka umakyat sa taas. Hindi ko inaasahang ako yung magiging dahilan ng pagsagot niya sa magulang nya, hindi kasi ganito yung pagkakakilala ko sa kanya, his parents raised him very well kaya imposibleng basta na lamang syang sumigaw at mag walk-out sa harap ng magulang nya.
I want to cry because it's my damn fault! Kung hindi sana ako nagpatalo sa desisyon ni Aina, edi sana walang problema— hindi kailangang bastusin ni Travis ang parents niya at hindi tumindi ang galit nya sakin.
Naramdaman ko nalang na may mainit na likidong tumulo sa pisngi ko, gusto kong tumungo para sana itago ang pag iyak kaso huli na ang lahat, nakita na nilang naiyak ako.
Niyakap naman kaagad ako ni Ma'am Vernice. "I'm sorry for my son's behavior.."
"A-ayos lang po ako ma'am, napuwing lang ho."
"Liar." napalingon kaming lahat kay Trevor na ngayon ay paakyat na din sa taas.
I admit, Trevor is good looking too, and sometimes, mas mature pa sya kaysa kay Travis.
"What's wrong with those two?! Kailan pa sila natutong mag walk out sa harap ng bisita?!" galit na tanong nung lola ni Travis. Napayuko nanaman ako. Kasalanan ko kasi kung bakit nagkakagulo yung pamilya nila! Nakakaguilty tuloy.
Dati kasi, magkakasundo silang lahat tapos sisirain ko lang? Ang galing ko talaga.
I sighed.
"A-ako nalang ho ang kakausap kay Travis." pigil ko kay Sir Frank nung patayo na sya para sundan yung magkapatid. Ayoko mang makita si Travis, kailangan ko ng makisali sa kanila kasi kasalanan ko naman lahat 'to eh, saka kung hindi dahil sakin, hindi magagalit yung lola nila sa kanila.
Hindi naman sila nagdalawang isip na payagan ako, inalalayan lang ako ni Ma'am Vernice paakyat dito sa taas saka ako iniwan sa tapat ng pinto ng kwarto ni Travis— na mukhang ngayon nalang nagamit dahil ngayon lang ito umuwi.
May sarili kasi syang condo unit kaya hindi na nya kailangang umuwi pa sa kanila pagkagaling sa school.
Ilang beses akong nagpa urong sulong sa pagkatok sa pinto nya. I'm so nervous, yung parang pagbukas ng pinto may bubungad sayong flesh eater monster.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.