- Katrina's POV -
Napatingin ako bigla kay Travis na mukhang hindi naman nakita si Yesha dahil tutok pa din ang paningin niya sa daan, pero mukhang nagkamali ako dahil ang higpit ng hawak niya sa manibela.
Nataranta ako ng biglang bumilis ang takbo ng sasakyan, napahawak ako sa kinauupuan ko.
"Travis, slow down please." pagmamakaawa ko pero mukhang di niya narinig dahil nanatili kami sa ganong bilis. "T-Travis alam kong nakita mo si Yesha pero sana naman— AHHH!" napatili nalang ako imbis na ituloy ang dapat na sasabihin ko sa kanya dahil mas lalo niyang binilisan yung pagpapatakbo ng sasakyan. "T-Travis t-tama na! I-ihinto mo nalang m-muna yung s-sasakyan." nangangatal na ako dahil sa sobrang nerbyos lalo na nung may masasalubong kaming ten wheeler truck.
Awtomatikong hinawakan ko ang tyan ko sabay pikit kasabay ng pagtulo ng masaganang luha mula sa mga mata ko.
Hinihintay ko nalang ang pagbangga samin ng truck pero mga bisig ni Travis ang kumulong sa katawan ko habang marahang hinahaplos ang likod ko.
"Shh.. I'm sorry, please Katrina, calm down." aniya habang patuloy sa paghaplos sa likod ko kaya medyo kumalma ako.
At this moment, parang nalimutan ko na hindi siya against sa kasal naming dalawa.
Ramdam na ramdam ko yung sinseridad sa bawat haplos at bawat salitang nanggagaling mula sa kanya.
Pakiramdam ko, isa ako sa pinakamaswerteng babae sa mundo, pero alam ko namang ngayon lang 'to mangyayari dahil baka bukas o baka mamaya lang, kamuhian nanaman niya ako at ietchapwera niya nanaman ako sa buhay niya.
Kinalma ko na muna ang sarili ko bago muling dumilat. Nakita kong nakahinto na kami sa gilid ng kalsada at wala na yung ten wheeler truck na nakasalubong namin.
Lihim akong napabuntong hininga, kumalas na din ako sa pagkakayakap ni Travis kahit na gustong gusto ko pang yakap yakap niya ako dahil baka sabihan nanaman niya akong feelingera.
"Ayos ka na ba?" aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ilang segundo din nagtagal ang pagtititigan namin pero ako na mismo ang nagbawi ng tingin.
"O-oo." sagot ko kasabay ng muli niyang pagbuhay ng makina ng sasakyan saka pinaandar sa normal na bilis.
Pagdating sa bahay, umakyat na kaagad ako sa taas. Gusto kong magpahinga dahil pakiramdam ko, naibuhos kong lahat ng lakas ko sa nangyari kanina.
"Katrina." nahinto ako sa pagpasok sa loob ng kwarto ko ng tawagin ako ni Travis. Nilingon ko sya ngunit hindi ako nagsalita.
"Anong ginagawa mo sa lugar na'yon?" nagulat ako. Inaasahan kong hihingi siya ng tawad sa nangyari kanina ngunit tila nalimutan na niya kaagad ang nangyari— na kung hindi naagapan ay baka nawala na ang tanging bagay na pinanghahawakan ko para muling mapalapit sa lalakeng minahal ko ng buong puso.
Saka sya dapat ang tinatanong ko ng ganon, alam kong kabatch ko siya pero hindi kami sa parehong paaralan nag aral noong highschool.
"Reunion ng batch namin." simpleng sagot ko saka pinihit ang seradura ng pinto ng kwarto ko para sana pumasok nang bigla niyang hinila ng marahas ang braso ko. "Ano ba Travis? Nasasaktan ako."
"Reunion? May reunion bang isang tao lang ang kausap mo at lalake pa?!" mahinahon ngunit bakas sa boses niya ang sobrang galit Napapikit ako. Muli nanamang bumalik sa isip ko ang nangyari noong nasa loob ako ng isang kwarto sa bahay ng mga Agustin, na baka saktan nanaman niya ako at sa pagkakataong 'to, na walang Trevor na magpapatigil sa galit na Gabriel Travis Agustin.
Kung hindi lang ako nakahawak sa seradura ng pinto, baka kanina pa ako napaupo sa sahig sa sobrang panginginig ko na marahil ay naramdaman niya kaya unti unti ng lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko hanggang sa tuluyan na niyang bitiwan iyon saka padabog na pumasok sa silid niya at pabalagbag na isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.