Chapter 27

2.9K 54 18
                                    

Chapter 27

Byron's Pov

Nakatitig lang ako sa wala pa ring malay na si Aina. Hindi ko na lubos maisip na hahantong sa ganito ang lahat, hindi ito ang gusto kong mangyari kaya ako pumayag sa kalokohan niya.

Flashback

Sobrang saya ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Aina, gusto niyang makipagkita sa akin.

Natauhan na kaya siya? Naisip na kaya niya na kailangan siya ni Chelsea? Lihim akong napangiti nung makita ko siyang naglalakad palapit sa pwesto ko. Tumayo ako para ipaghila siya ng upuan, akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng iniiwas niya ang mukha niya sa'kin. Hindi sinasadyang kumunot ang noo ko.

"Hindi kita tinawagan tulad ng iniisip mo, tinawagan kita dahil may ipapagawa ako sa'yo."

Lihim akong nasaktan sa sinabi niya. Umasa nanaman pala ako sa wala. "Gusto mo bang kumain mu-" Natigil ako nang may inilapag siyang larawan ng isang inosenteng babaeng nakangiti. "Sino 'yan?"

"Katrina Ferrer."

Katrina Ferrer? Bakit parang pamilyar. Hindi kaya mauulit nanaman ang nangyari noon? Hindi kaya ito 'yung bestfriend ni Aina? "Ferrer? Is she related to Travis Agustin?"

"She's Travis' girlfriend." Sinasabi ko na nga ba. Mauulit nanaman ang ginawa niya noon kay Yesha, ex ni Travis. "Narinig ko sa mga chismosa naming blockmates na iniisip ng pakasalan ni Travis 'yang babaeng 'yan." She clenched her fist, kita ko rin ang pamumula ng mukha niya. "Help me to ruin her image, to Travis and to his family."

I can't utter a word, masyadong mahirap ang pinagagawa niya, masyadong inosente ang mukha ni Katrina, masyadong mahirap gawan ng kwento.

Naikuyom ko ang kamao ko, hindi siya katulad ni Yesha na may background sa pagiging playgirl, masyadong malinis ang record ni Katrina. Mataman kong tinitigan si Aina, hindi na ito ang babaeng minahal ko. "Hindi ko kaya. Mahirap gawan ng kwento ang tulad niyang inosente."

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon