Chapter 7

2K 39 0
                                    

- Katrina's POV -

Matapos ang isang gabi ng pagstestay-in namin sa hotel na dinausan ng kasal, dumiretso kami sa isang bahay na pagmamay-ari niya. Tinanggap niya yung yacht na regalo nina Tito at Tita pero wala syang sinabi na pupunta kami don para magtravel, basta pagkalapag ng pagkalapag ng maleta ko sa kwartong tutuluyan ko, umalis na din sya kaagad at di na sinabi kung san sya pupunta.

Nag angat ako ng tingin para tignan ang malaking orasan na nakasabit sa dingding na malapit sa hagdan, pasado alas tres y media na ng hapon, mag aapat na oras ng wala si Travis.

Kumalam ang sikmura ko sa gutom pero hindi ko maatim na pakialaman ang mga pagkaing naka stock sa ref nya at maging yung mga nasa cabinet. Tinignan ko ang laman ng wallet ko at lihim akong nagpasalamat dahil may nakita akong dalawang daan, pwede akong pumunta ngayon sa isang fast-food para bumili ng makakain ko sa araw na'to.

Tumayo na ako saka naglakad papuntang pinto nang biglang bumukas iyon.

"Where are you going?" malamig na tanong sakin ni Travis. Bakit ba mukhang galit nanaman 'to? Sya na nga 'tong nang iwan ng wala manlang iniwan na pagkain tapos sya pa magagalit.

"Lalabas. Bibili lang ng makakain." tinignan niya ako ng masama saka nagtagis ang kanyang mga panga.

"Fvck that excuses! Ang dami daming pagkain diyan, may stock pa pero bibili ka ng pagkain?! Tangina naman Katrina, are you not yet contented?!" pinamulahan ako ng mukha saka hindik na napatingin sa kanya.

"What are you talking about?"

"Ha.ha.ha, don't fool me Katrina, I know your style, na kunwari bibili ng pagkain pero yun pala... FVCK!" aniya sabay takbo paakyat sa taas. Napabuntong hininga na lang ako saka isinara ang pinto at nagpuntang kusina para magluto ng kakainin ko— namin pala.

Una kong tinignan yung laman ng ref nya, may lamang 3 supot ng dressed chicken, kinuha ko ang isa saka inilagay sa isang planggana bago dalhin sa sink para hugasan. Kinuha ko sa di kataasang cabinet nya yung suka, toyo, bawang saka crushed pepper. Nagdecide ako na Chicken Adobo yung iluluto ko para sa araw na'to para mabilis, gutom na gutom na kasi ako saka yung baby ko.

Nang matapos ko nang lutuin, naghanda na ako ng mga gagamitin namin sa pagkain sa dining table saka ako umayat sa taas at tumapat sa harapan ng pinto ng kwarto ni Travis. Ilang beses ding nagpaurong sulong yung kamao ko bago ko kinatok yung pinto niya. Nakaka limang katok na ako pero parang wala syang balak lumabas, alam ko namang nandon sya kasi naririnig kong nakabukas yung TV niya.

"Uhmm.. T-Travis, may pagkain na sa baba kung sakaling magutom ka, baba ka nalang. Mauna na akong kumain." sabi ko bago umalis sa tapat ng pinto nya saka dahan dahang bumaba.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagkainan ko nang marinig ko ang nagmamadaling yabag pababa ng hagdanan, bahagya ko iyong nilingon at nakita ko si Travis.

"San ka pupunta?" huminto naman sya saka inilagay yung dalawang kamay sa magkabilang bulsa niya.

"You. Don't. Care." aniya bago naglakad palabas ng bahay. Bigla nalang nag init yung mata ko kaya agad akong tumingala para mawala iyon pero traydor talaga dahil hindi nagpapigil, tumulo pa din kaya pinunasan ko nalang.

Umakyat nalang ako sa taas saka nag open ng fb account ko. May 100 na notifications saka 1 message. Una kong tinignan yung message kasi alam ko namang hindi masyadong mahalaga yung notif. Inopen ko yung message na galing sa classmate ko nung highschool na bestfriend ko din, kaso nagpunta silang Japan pagkagraduate namin kaya nawala yung communication naming dalawa.

From: Therese Alvarez

    Hey Katrina! May reunion na mangyayari para sa batch natin mamaya. Ngayon ko lang nasabi sayo kasi ngayon ko lang naalala. Anyway, sana makapunta ka.

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon