Chapter 11

2K 38 1
                                    

- Katrina's POV -

"Wag mo kong tignan ng ganyan, di ko din alam na magtatagal sila dito." reklamo ni Travis nung mapansin niyang masama ang tinging ipinupukol ko sa kanya. Nakaupo sya sa working table niya sa loob ng kwarto namin pansamantala habang nakatingin sa laptop at may kung anong itinatype habang nakaupo naman ako sa dulo ng king size bed niya.

Napanguso ako, "Eh kasi naman, pano yan? Ni wala tayong nakahandang plano para dito? Kung meron man, pang isang buong araw lang." ani ko habang nilalaro ng paa ko yung himulmol ng maroon niyang carpet. "Saka... Natatakot ako sa mga titig ng lola mo, na parang binabasa niya yung laman ng isip ko." dugtong ko.

He giggled, "Tss, masyado kang praning. Hindi mind reader si Grandma, talagang masasabi mo lang yung nasa isip mo dahil akala mo, bistado kana niya." pang aasar nya habang patuloy sa pagtatype ng kung ano. Paano sya nakakapag concentrate sa ginagawa niya kung kausap niya ako? Is he that freaking workaholic? Na tila ba sanay ng may kausap habang may ginagawa?

"Are you that freaking workaholic?" Wala sa sariling naitanong ko ang tanong na kanina'y nasa isip ko lang, at huli na para bawiin pa iyon dahil nakuha ko na ang buong atensyon niya. Very good Katrina, mukhang nadali mo nanaman ang pisi ng pasensya ng asawa mo.

"Tss, insane. I'm not that stupid to bring my work at home, there's a right time and place for that." aniya saka muling ibinalik ang paningin sa screen ng laptop nya. At dahil natameme ako sa pagbira niya ng ingles, inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Masyadong organize para sa isang lalake ang mga gamit sa kwarto niya, wala kang makikitang nakatambak na kahit kapirasong papel sa isang lugar, maayos na nakasalansan ang mga cd's at dvd's sa isang itim na rack na para talaga sa mga iyon, wala kang makikitang kahit na anong vandal sa pader ng kwarto nya, yung mga collections niya ng maliliit na sasakyan eh nakasalansan ng maayos sa isang estante, mayroon din syang walk-in closet sa kaliwang parte ng kwarto niya, at ngayon, nacucurious ako kung gaano ka organize ang mga damit niya, pero alam kong mamamatay lamang ako sa curiosity dahil kailanman ay di ako makakapasok sa lugar na iyon.

Now, I'm wondering, meron kaya sya nung sakit na over sa kalinisan? Di ko alam kung anong tawag dun pero alam kong may sakit na ganon.

"Are you done checking my room? And no, wala akong disorder sa sobrang kalinisan."

Napanganga ko, pano niya nalaman na ganon ang naiisip ko?

"Wag kang magtaka kung pano ko nalaman ang nasa isip mo, kahit ako naiirita sa sobrang organize ng kwarto ko pero di ko magawang magalit kay Grandma, sya ang nag aayos ng kwarto ko everytime na nagugulo iyon, kaya kesa naman pagurin sya, di ko nalang ginugulo yung mga gamit ko." aniya saka muling nagsimula sa pagtipa ng keyboard. Napakibit balikat na lamang ako saka tumingala sa kisame na napipinturahan ng imahe ng himpapawid, na yung tipong paggising mo sa umaga, may good vibes agad na sasalubong sa'yo dahil sa perpektong pagkakapinta ng naturang imahe.

"Sinong nagpaint nito?" biglaang tanong ko sa kanya. Tumigil naman siyang muli sa pagtipa sa laptop niya saka may kung anong kinalikot doon bago isinara.

"Sino sa tingin mo?" balik tanong niya. Ngumuso ako, magtatanong ba ako kung alam ko kung sino? "Anong nginunguso nguso mo jan? Hilahin ko yan eh." natatawang wika niya bago maupo sa tabi ko, muntikan pa nga akong malaglag sa kama dahil biglang lumundo yung inupuan niya. Ang bigat ng walangya. "It's Yesha's masterpiece." panimula niya.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib. Pakiramdam ko, tinusok iyon ng libo libong kutsilyo sa sobrang sakit.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil until now, it's still her. Until now, iniingatan niya pa din yung memory na iniwan sa kanya ni Yesha, patunay na lamang na mukhang palaging inaayos yung painting sa kisame niya.

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon