Katrina's PoV
Inihinto ko ang sasakyan ko di kalayuan sa Café na sinabi ni Aina. Hindi na muna ako bumaba dahil gusto ko munang makita kung sino ba ang kasama niya, o kung may kahina-hinala ba, pero mukhang wala naman.
Umayos ako ng upo saka ibinaba ang sun protector ng sasakyan ko, saka nanalamin sa salamin na idikit ko roon ilang linggo pa lamang ang nakakaraan. Tinitigan ko ang sarili kong mukha. Ako pa rin naman si Katrina Agustin, ngunit iba na ang bungad ng mukha ko. Natuto na akong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha at nawala na ang palatandaan na dumaan ako sa isang di maalwang buhay.
Marahas akong napabuntong hininga, "Mamang, papang, ipinapangako ko po na ibabalik ko sa piling ko ang apo ninyo, ang anak ko." Muli kong sinulyapan ang mukha ko sa salamin saka dinampot ang shoulder bag ko sa passenger's seat at bumaba ng kotse.
"Welcome, ma'am." Bati nang gwardya ng establishimyento. Nginitian ko na lamang ito saka hinanap kung nasaan si Aina. Natagpuan ko ito di kalayuan sa floor-to-ceiling na salaming nagsisilbing mga pader ng naturang Café. Maganda't maayos ang loob nito, hindi pang matanda o pang pang bata ang disenyo, kumbaga eksakto para sa lahat ng mga nais magpalipas ng oras habang inienjoy ang mga pagkain at inumin na isiniserve nila.
Inayos ko ang shades na suot suot ko saka lumapit kay Aina. Bahagya itong nagulat. Lihim akong napangiti. Hindi mo ineexpect na ganito na ang babaeng inalipusta at inapi-api niyo noon.
"Kat!" Tumayo siya saka niyakap ako ng mahigpit, na hindi ko naman ginantihan. "How are you? Jeez! You're stunning!" Aniya saka ako pinasadahan mula ulo hanggang paa.
"Done checking me out?" Nakangiti kong tanong saka maposturang naupo sa upuang katapat ng kanya. Nabura ang ngiti sa mga labi niya, saka muling naupo. "I won't beat around the bush, Aina. Bakit mo ginawa 'yon? Ano bang kasalanan ko sa'yo?"
"A-ano bang pinagsasasabi mo Kat? Bakit ka nagagali—" I stood up then slapped her hard. Kaagad naman niyang hinawakan ang namumulang pisngi. Serves her right. "What was that for?"
"That's for ruining my life, bitch!" I slapped her again. "And that's for turning my life into hell!" Ayokong makuha ang atensyon ng lahat pero hindi ko magawang magpigil. Sobra sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Na sa buong panahon pala na magkasama kami ni Travis, unti unti na akong sinisiraan ni Aina, sa paraan na alam naming dalawa na hindi ko magagawa. Gustong tumulo ng luha ko pero hangga't kaya kong pigilan, pipigilan ko. Dahil hinding hindi ako iiyak sa harap ng babaeng ito. "Tinuring kitang halos kapatid! Tapos ganon ang iginanti mo sa akin?! Bakit, Aina? Bakit!?"
She stood up, "Dahil nasayo yung lalakeng matagal ko ng mahal! Highschool pa lang, mahal ko na si Travis! Kayo, kayong dalawa ni Yesha ang sumisira sa mga plano ko para sa amin ni Travis! Ako kasi dapat ang mahal niya eh!" She wiped her tears off. "Nung maghiwalay sila ni Yesha, akala ko ako na ang mamahalin niya, dahil ako yung taong tumutulong sa kanya para hindi niya gaanong maalala yung sakit na dala ni Yesha sa buhay niya, pero hindi nangyari, dahil dumating ka! Dumating ka sa buhay niya leche ka!" Gulat na gulat ako sa rebelasyong sinabi niya, kaya hindi na ako nakahuma nang bigla niyang hilahin ang buhok ko at pabagsak niya akong ibinalya sa sahig. Napapikit ako ng maramdaman ang sakit ng pang upo ko.
Dahan dahan akong tumayo, saka tinanggal ang salaming tumatabon sa mga mata kong may halu-halo ng emosyon. "Kung ganoon naman pala, bakit mo pa ako dinala sa condo ni Travis nung malaman mo na nagdadalang tao ako?! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko habang magkasama kami ni Travis! Ilang beses ko halos muntikang maiwala ang anak ko dahil sa pagpapahirap ni Travis, na alam kong ikaw ang dahilan! You fooled him! Patuloy ka sa pagpapadala ng mga litrato't video na ako ang laman, pero alam mo't alam ko na gawa lang 'yon ni Byron! Na hindi ako ang babaeng 'yon! Dahil unang una, kilala mo ako, alam mong hindi ako yung klase ng babae na papatol sa kung sinu-sino, at alam na alam nating pareho, na sa ating dalawa, ikaw ang may kapasidad na gumawa ng ganoong kalandian!" Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko ang palapulsuhan ng kamay sanang ipangsasampal sa akin. "Walanghiya ka talaga, no? Pinakupkop mo pa ako sa kapwa mo demonyo! Mabuti nalang, at hindi ako nahuhulog sa bitag niya, hindi ako nagpapadala sa mga pinagsasasabi niya, at lalong mabuti na hindi ko ibinigay ang buong tiwala ko sa kanya!" Pabagsak kong binitiwan ang kamay niya saka ko siya sinampal ng malakas. Sampal na pinagsama-sama ng mga emosyong ngayon lamang lumabas sa loob ng walong (8) taon. "I pity you, Jenaina Figueroa. Because of your obsession to Travis, you stooped this low?" I said then smirk. "What else can you do? You used Byron, who else?" A name pops on my mind. "Don't tell me, even Ace Tan and Sabriya Haines?" I rolled my eyes. Dinampot ko ang tall glass na may lamang tunaw na chocolate smoothie sa lamesang katabi ko, saka ito isinaboy sa mukha ni Aina. "If I were you, ititigil ko na ang mga kalokohang pinaplano ko, dahil hinding hindi mo na magagawa ang mga nagawa mo noon, dahil ibang Katrina Ferrer Agustin na ang kaharap mo ngayon."
"Hayop ka!" Bulalas niya saka ako sinugod at pinagsasabunutan. Dahil may kaiksian ang buhok niya, nahihirapan akong hilahin iyon, kaya halos mapaiyak ako sa sobrang sakit ng anit ko.
"Ma'am tama na ho!" Awat sa amin ng mga staff at gwardya pero parang wala kaming naririnig, dahil patuloy pa rin kami sa pagsasabunutan. Kahit anong hila sa aming dalawa, hindi kami mapaghiwalay.
"Let go of my hair, you bitch!" Sigaw ko. Pero parang wala siyang naririnig. Napaatras ako dahil sa pwersa niya kaya naman nasagi ko yung basong kanina'y hawak ko at nalaglag ito sa sahig. Kasabay ng pagkabasag niyon ay ang pagbagsak ko sa sahig, dahilan upang matuunan ng palad ko ang malaking tipak ng nabasag na baso. Sumigid ang sakit sa kalamnan ko at umagos ang masaganang dugo mula roon, pero di ko 'yon pinansin, dahil natuon ang atensyon ko sa mga lalakeng lumapit kay Aina. "Byron. A-Ace. Mga hayop kayo!" Sigaw ko. Naramdaman kong may umalalay sakin para makatayo. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Aina, kaya naman nilingon ko kung sino ang nagmagandaang loob na itayo ako, at miski ako ay nagulat dahil sa taong hindi ko inaasahan na muli kaming magkakatagpo na dalawa.
"T-Travis.." Ng lalakeng mahal na mahal ko.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.