- Katrina's POV -
Nagpatiuna na akong pumasok sa loob ng bahay at hinayaan na si Travis na bumitbit ng ilang mga pinamili namin kanina, sa mall kung saan kami nagkita kita nina Sab at Ace. Ang sama na kasi ng pakiramdam ko kanina pa, parang may kung anong naikot sa tiyan ko pero hinayaan ko nalang kasi mapupurnada yung 'date' namin ni Travis.
Bakit biglang naging date? Ganito kasi yan, pagdating namin sa mall kanina, nakatambay nalang sina Ace at Sab sa Box Of Stars— isang kilalang coffee shop sa mall na pinuntahan namin, nung niyaya naman namin silang magsine, nakanood na daw sila at sa totoo lang daw ay nakapag gala gala na sila. Kasi buong akala nila hindi na kami darating, kaya ang nangyari, hinintay nalang nila kami bilang pagrespeto tutal naman daw sila yung nagyaya tapos di na namin sila maaabutan sa mall, kaya nung pagkadating namin, tumayo na sila saka nagpaalam. Si Sab, may aayusin pa para sa flight nya mamaya, habang si Ace naman, wala lang, kesyo magmumuka daw siyang chaperone kung sasama pa siya samin, natawa nalang ako kaya hinayaan na namin sila. Nung makaalis sila, niyaya ko na si Travis na umuwi na tutal naman wala na din kaming gagawin pero dinedma lang niya ako, dumiretso sya ng lakad kaya naman napasunod nalang ako hanggang sa may masalubong kaming kakilala niya na lalong nagpasama sa timplada ng katawan ko. Pano naman kasi, kung makayakap akala mo siya yung asawa, at ang bwisit na si Travis, hindi manlang itinulak o ano yung babae. Nakakairita!
Halos mapatalon ako nung padabog niyang isinara yung pinto. Yan din ang ipinagtataka ko kanina e, nagpaalam lang siyang mag ccr and then pagbalik niya, bigla nalang nag iba yung mood niya. Naging tahimik tapos kunot na kunot yung noo niya hanggang sa heto nga, nagyaya na siyang umuwi. Wala naman akong maalalang katangahan na ginawa ko para magalit nanaman siya sakin ng ganito.
Kakausapin ko na sana siya kaso nilagpasan niya lang ako at dali daling umakyat sa taas. Ano nanaman ba to? Akala ko ba okay na kami? Ano nanamang problema nun.
Napapikit ako nang biglang may sumundot na sakit sa tiyan ko kaya naman minabuti kong umakyat na sa taas, pero imbis na sa kwarto naming mag asawa ako pumasok, natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa kama sa loob ng kwartong ilang linggo ko ng hindi nagagamit. And again, back from the start nanaman ako.
Nakaramdam nanaman ako ng pagsundot ng sakit sa tiyan ko kaya naman minabuti kong mahiga at matulog na. Marahil ay pagod lamang ito.
-
Bigla akong napabangon nang sumigid na ang matinding sakit sa tiyan ko, ang buong akala ko'y kailangan ko lang magbawas kung kaya naman dumiretso na ako sa banyo pero anong gulat ko ng makita ko ang underwear ko na puro dugo, at mas lalo kong naramdaman yung sakit sa tiyan ko.
Tumayo na ako at nilakasan ang aking loob, mas lalo akong nanlambot nang makita ko ang kamang hinihigaan ko na puro dugo. Dala ng tensyon at sakit na nararamdaman ko, bigla na lamang akong napaupo sa sahig habang sapu sapo ang nanakit na tiyan.
"MANANG!!!" Biglang sigaw ko ng mas tumindi yung pananakit ng tiyan ko. "MANANG!! T-TULUNGAN NIYO AKO!" Sigaw ko muli sa pagitan ng pag iyak nung di ko na kayanin ang sobrang sakit na nararamdaman ko. Huwag naman sana. Huwag naman sanang kunin sakin ang mga anak ko, sila nalang ang kaisa isa kong pinagkukunan ng lakas sa panahong halos palayasin ako ng tatay nila.
"MANAAAAAAAAANG!!!!" Buong lakas kong sigaw nang maramdaman kong unti uti na akong bibigay. Unti unti ko ng nararamdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig nang biglang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa niyo ang taong mahal na mahal ko. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero nagdilim na ang buong paligid ko.
- Travis' PoV -
Mag iisang buwan ng hindi nagpapadala ng mga litrato at video ang taong tila laging nakasunod kay Katrina, at nagpapasalamat ako dahil doon dahil ibig sabihin, wala ng ginagawang kalokohan si Katrina habang nakatalikod ako, kung meron man.
Pero parang gusto kong sakalin ang taong iyon nang muli nanaman akong makatanggap ng video, na ang asawa ko, may kahalikang lalake. Biglang sumama ang timplada ng katawan ko noon at parang gusto kong makasapak ng mga oras na iyon, pero bago ko pa iyon magawa, nagyaya na akong umuwi pagkalabas ko ng banyo ng mall na pinuntahan namin. Mukang nakahalata naman si Katrina kaya siguro hindi na umimik habang nasa byahe kami. Gusto ko mang kamustahin ang pakiramdam niya dahil kitang kita ko na namumutla ito pero hindi ko na itinuloy dahil baka mapagsalitaan ko pa siya ng masama. Pagkarating sa bahay, di nadin ako kumibo at nagmamadaling umakyat papuntang kwarto naming dalawa.
Ilang oras na akong naghihintay pero wala pa ding Katrina na pumapasok sa kwarto namin kaya naman lumabas ako para lamang mapamura dahil nakita kong walang padlock yung kwartong inookupa niya. Kuyom ang kamao akong pumasok muli sa kwarto habang nabuo ang isiping marahil ay nagiguilty siya sa ginawa niya kaya hindi ito pumasok sa kwarto namin ngayong gabing ito. Nagpupuyos pa din ang kalooban ko hanggang sa dapuan na ako ng antok at makatulog.
-
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napabalikwas ng bangon. Parang may kung anong nagtulak sakin para magising sa mga oras na'to hanggang sa marinig kong sumisigaw si Katrina sa kabilang kwarto, nahingi ng saklolo, kay manang, at hindi sa akin. Hindi ko nalang muna iyon pinansin, ngunit naulit nanaman at sa pagkakataong ito, mas malakas pa kesa sa naunang sigaw niya. Kung kaya naman ay nagmamadali na akong pinuntahan siya para lamang masindak sa nakita ko. Maraming dugo sa kama at isang walang malay na Katrina sa sahig, na parang pinainom ng suka sa sobrang putla.
"KATRINA!" sigaw ko nang bumagsak na ng tuluyan ang kanyang katawan sa sahig.
Narataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Titig na titig pa din ako kay Katrina hanggang sa mga oras na ito.
"Susmaryosep! Sir T-Travis! Jaime! Ihanda mo yung sasakyan!" Bulalas ni manang saka lumapit kay Katrina, habang ako, nakatulala pa din. "S-Sir T-Travis!" Untag nito sakin na nagpabalik sa akin sa tamang pag iisip. Kaagad kong binuhat si Katrina at saka tinawid ang distansya ng kwartong kinalalagyan namin at ng kotseng maghahatid sa amin sa ospital.
**
Pasensya na po talaga sa sobrang tagal at sobrang laki ng agwat ng pag uupdate. Tuwing mag uupdate kasi ako, lagi nalang akong ma memental block and then ayun, hanggang sa iclose ko nalang ulit itong wattpad.Idagdag pa natin yung pagiging college student ko, grabe, di keri ng powers ko. Quiz dito, recitation doon. Nakakabaliw po promise. Isama na din natin yung subj namin na Algebra and C++ (only a programmer can understand what C++ is) na makadugo ng utak.
Then again, I'm really really sorry.
Love,
SuperAbnay.
BINABASA MO ANG
Return Of The Wife [ON GOING]
General Fiction"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.