Chapter 20

1.8K 43 0
                                    

Travis' PoV

Blood Sample: Negative

Hair Sample: Negative

Dental Sample: Negative

Skin Sample: Negative

I therefore conclude that the two samples are NOT match to each other.

"Fuck!" Bulalas ko saka ibinato ang papel na halos mapunit na. Dapat masaya ako dahil buhay ang babaeng mahal ko. Dapat hindi ganito ang nararamdaman ko.

I feel that I am so fucking betrayed! For 8 years of grieving, ni hindi pumasok sa isip ko ang posibilidad na buhay pa rin si Katrina, kahit pa hindi ko nakita ang mismong katawan niya dahil nasa America na ako noong mapabalitang namatay at inilibing ito. Sa loob ng walong taon, hinayaan ko ang sarili kong magluksa sa pagkamatay niya, halos patayin ko ang sarili ko sa alak pero balewala lang pala ang lahat.

"Damn it." Napahilamos ako sa mukha ko saka tumayo at lumapit sa maliit na bar na nasa loob ng opisina ko. Hindi ko pa man naiinom ang brandy na inilagay ko sa baso ng alak, nang biglang may nagbukas ng pintuan at lumapit sa pwesto ko.

"Kuya, how's the investigation? The autopsy? The DNA test result?"

"Leave, Trevor." Malamig kong saad saka sinaid ang laman ng baso na muli ko rin namang sinalinan.

"Damn it, kuya! For once, stop being so fucking selfish! I'm still hoping that Katrina is alive!"

Nagpantig ang tainga ko. Marahas ko siyang nilingon, "Para ano Trevor? Ano ang gagawin mo kung buhay nga si Katrina?!" Natigilan ito. Lalong nag init ang ulo ko, alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak ng kapatid ko. "Putang ina ka, Trevor. Huwag na huwag kang magkakamali ng sagot, dahil kahit kapatid kita, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka."

"Hindi na ako natatakot sayo, Gabriel Travis. Hindi na ako si Trevor Jeremy na bahag ang buntot pagdating sa'yo. Ako ang unang nagmahal kay Katrina at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kayang kaya ko siyang protektahan sa lahat ng taong kayang manakit sa kanya." Biglang nagdilim ang paningin ko dahil sa sinabi niya, naging dahilan iyon para dumapo ang nanginginig kong kamao sa mukha ng kapatid ko na ikinasadsad niya sa sahig. Pero balewala lamang dito ang nangyari, kahit pa may dugo ang gilid ng labi nito. Marahan lang niya iyong pinunasan saka ngumisi ng nakakaloko, "Ikaw, kuya, ano ba ang kaya mong gawin para kay Katrina? Wala, di ba? Naniwala ka sa mga sinabi ni mama noon, kahit na alam mong sa inyong dalawa, ikaw ang mas nakakakilala kay Katrina." Tumayo ito saka lumapit sakin. "Mahal na mahal ka ni Katrina kuya! Pero dahil isa't kalahati kang gago, ni hindi mo pinahalagahan yung pagmamahal sa'yo nung tao! Naaawa na ako sa'yo ngayon pa lang. Dahil oras na makita ko si Katrina, hinding hindi ko na siya ipapaubaya sa gagong tulad mo!"

Naputol na ang pisi ng pasensya ko. Kinuwelyuhan ko si Trevor saka ibinalya sa pader. Bumadha ang sakit sa mukha nito pero agad din naman iyong napalitan ng nakakalokong ngisi, na lalong nagpa dagdag sa galit na nararamdaman ko. "Huwag mong subukang agawin sa akin ang babaeng alam mong sa simula pa lang, pagmamay-ari ko na! Huwag mo akong subukan, Trevor Jeremy Agustin. Dahil kahit anong gawin mo, hinding hindi mapupunta sa'yo ang ASAWA ko, at ang NANAY ng anak ko!" Bulyaw ko saka ko siya binitiwan at lumabas ng opisina ko, bago ko pa siya masuntok sa ikalawang pagkakataon.

Hindi ako makapapayag na mapunta ka sa iba, Katrina. Ngayon at alam ko na buhay ka. Akin ka, ako ang asawa mo at ang ama ng anak mo.

Ako lang ang pwede mong mahalin, Katrina Ferrer Agustin. Ako lang.

Katrina's PoV

Mataman akong nakikinig sa sinasabi ng abogadong kinuha ko para sa kustodiya ng anak ko. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa magagandang bagay na naririnig ko. Una, malaki ang tyansa na makuha ko ang anak ko dahil sa katarantaduhang ginawa sa akin ng pamilya Agustin. Ikalawa, kahit pa nasa hustong gulang na si Cole, at may kakayahan na itong mamili kung kanino sasama, na alam ko namang kay Travis dahil hindi naman ako nito kilala, may laban pa din ako sapagkat pwede kong sabihin sa korte na halos patayin ako ng pamilyang kumukupkop sa kanya ngayon. At ikatlo, kasal pa rin ako kay Travis, kaya walang rason para ilayo sa akin ang bata, lalo na't wala namang pagkakataon na nasaktan ko ito. Nalaman ko din na hindi nila ako pwedeng sampahan ng restraining order para sa bata, dahil wala akong ginagawang bagay na labag sa batas.

Hindi na ako natatakot sa kanila kung saka-sakaing paganahin nanaman nila ang pera nila, dahil lingid sa kaalaman ng lahat, maging nina Byron, mayroon akong pinasok na kompanya at nag invest ng sapat na pera para palaguin iyon. Maging sa stock market ay sumubok din ako, na hindi ko naman pinagsisihan, dahil ngayon, masasabi ko na, na isa ako sa mayayamang negosyante sa bansa, ngunit hindi bilang si Katrina Ferrer Agustin, kundi bilang si Scarlett Consuejo. Pinalitan ko man ang pangalang gamit ko sa negosyo, legal pa rin ang mga dokumentong hawak ko. Ipinaayos ko 'yon sa isang kilalang negosyante na tulad ko'y may balak balikan ang mga taong umalipusta sa kanya. Ireen Ongpaoco o mas kilala na ngayon bilang si Renesme Consuejo. Oo, magkapatid kami sa papel, 'yon ang napagkasunduan naming dalawa. Kaya sa mata ng lahat, kami ang makapagyarihang magkapatid sa mundo ng negosyo.

"Kailan mo balak bigyan ng subpoena ang asawa mo?" Nabalik lamang ako sa realidad nang tanungin ako ng abogada ko.

"Hindi ko pa napag iisipan ang bagay na 'yan. Nais ko lamang malaman kung may laban ba ako sa custody ng anak ko. Wala pa muna sa isip ko na ihabla na siya sa korte. Ayokong mahirapan ang anak ko."

Tumango tango ito. "Ang anak niyo nga ang maaapektuhan sa laban niyong ito. Pwede siyang malito o kaya nama'y mastress." Tumingin ito sa mga papeles na ipinasa ko sa kanya ilang araw na ang nakakaraan. "Scarlett Consuejo ba ang gagamitin mo kung saka sakali?"

Umiling ako, "Hindi. Si Scarlett ay para lamang sa negosyo." Napangiti ang abogada kaya pati ako ay nahawa na. "Maraming salamat, Atty. Tokosaio. Sasadyain na lamang ulit kita kung saka-sakaling may mga nais pa akong itanong sa'yo. At sana, sa ating dalawa lang ang pag uusapan nating ito."

"Makakaasa ka, Mrs. Agustin." Tumayo ito saka naglahad ng kamay na tinanggap ko naman. Ilang remainders pa ang sinabi niya sakin saka ako lumabas ng opisina niya at agad na dumiretso sa parking lot ng building.

I was about to start my car's engine when my phone vibrates.

Aina:

Hi Kat! Pwede bang magkita tayo sa Sweet and Tasty Café? I missed you.

Napangiti ako. I think, we should.

Katrina:

Of course. I missed you too.

I replied. Nice timing, Jenaina Figueroa.
-

Super belated Merry Christmas, but advance Happy New Year! Nung pasko ko sana ipopost 'to pero hindi pa tapos, kasi nung 23 and 24, nasa Pangasinan ang inyong abang lingkod. Masyado akong nag enjoy doon kaya hindi ko nakumpleto yung sana'y gift update ko sa inyo.

Have a safe and blessed New Year to all of you! Lovelove you readers. :*

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon