Chapter 25

2K 43 4
                                    

Travis' PoV

"No. No Katrina!" My heart beats fast when Katrina's hand fell and her eyes shut. I want to scream but I can't even feel myself. I want to follow her inside the emergency room but I can't. It's hard for me to walk. I was stunned, because of the thought that my Katrina will leave me permanently is slowly killing me.

No. Not now. Not tomorrow.

My knees fell on the ground. I'm shaking, I know. I still have plans. For Katrina, for our son, for our family. She can't die.

A pair of hands lifted me up and guided me to the waiting area. As I look above, I saw Trevor's worried face.

"What happened, kuya?" He asked. I shook my head. "Damnit." He whispers then look on emergency room's steel door.

"Oh God, save my wife please.." My tears started to fall.

"Kuya, pupunta daw sina mama dito."

I glared at him, "For what? To laugh on Katrina's poor situation?"

"Of course not, my son. We're here to help." Napalingon ako sa nagsalita. And there she is. My mom, together with dad and lola. "How's Katrina?" She asked. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa concern siya sa asawa ko, o dapat ba akong kabahan at matakot dahil sa ipinapakita niyang kabaitan kay Katrina? Na ang isang Vernice Theodora Agustin ay mag aaksaya ng oras sa isang taong kinamumuhian nito.

Inaamin ko, kasalanan ko kung bakit siya nagalit ng sobra kay Katrina. Nasabi ko sa kanya ang mga litrato at video na natatanggap ko noon. I was drunk at that time. Wala akong intensyon na siraan sa kanya si Katrina, pero dahil narin siguro sa espiritu ng alak, kaya ko nagawa 'yon.

"Ma, please. Kung may balak kayong magdiwang sa nangyari sa asawa ko, sa bahay nalang kayo." Dahil mula ngayon, ako na ang poprotekta sa asawa ko, laban sa mga taong nais manakit sa kanya. Hindi na ako yung gago at tarantadong Travis na madaling napapaniwala dahil sa nakikita ng mga mata.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, Travis? Nandito kami ng mama at papa mo para damayan ka. Malaki ang kasalanan namin, natin kay Katrina. Gusto naming makabawi." Napatingin ako kay lola na unti unting naglakad palapit sa pintuan ng E.R habang akay akay ng private nurse niya. "Bago malagutan ng hininga ang lolo mo, sinabi niyang tanggapin muli natin si Katrina oras na mahanap niya tayo at kumatok ito sa pintuan ng ating pamilya." Humugot ito ng malalim na buntong hininga saka humarap sa amin. "Kaya pala ganoon magsalita ang lolo mo dahil alam na niya ang totoo. Alam na niya na inosente ang babaeng minahal nating lahat, apo." At doon na bumuhos ang luha ng isang matatag na Alesandra Agustin. Nilapitan naman siya ni mama saka inakay paupo sa hilera ng mga bakal na silyang inuupuan ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling inilabas ang babaeng mahal na mahal ko. Nais ko sanang sumunod pero hinarangan ako ng isang doktor.

"W-what happened to her?!"

"Internal bleeding. We need to perform an operation to save her. And based on the x-ray result, may dislocated bones sa kanyang mga paa't binti." Paliwanag nito saka ipinrisinta ang resulta ng x-ray, kasama ang waver na nagsisilbing pahintulot ng pamilya ng pasyente na maoperahan ito. Hindi ko na pinatagal pa ang usapan, pinirmihan ko na kaagad iyon at iniabot sa doktor.

"Please do save her. Save my wife. Please." I almost kneel down and beg. He just nodded then turn his back on me. Wala na akong nagawa kundi ang tignan ang papalayong pigura nito saka pinunasan ang luhang patuloy parin sa pagtulo.

Ilang oras na ang lumipas at ilang oras na din kami sa waiting area malapit sa operating room, pero ni isang doktor wala pang lumalabas. Pinanghihinaan na ako ng loob, pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob para kay Katrina at para sa anak namin. Tumayo ako saka kinausap si Trevor- na siyang naiwan para samahan ako, na tawagan ako kung sakali man na may balita na sa asawa ko. Hindi ko na hinintay na makasagot ito, kaagad na akong umalis sa harapan niya at nagtungo sa lugar kung saan ko maaaring makausap ang kataas-taasan sa lahat.

Tahimik kahit may mangilan ngilang tao ang nais ding kumausap sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung maririnig niya ba ang hihilingin ko, na kapag sumabay ako sa mga taong nandito rin sa apat na sulok na inilaan para sa mga tulad naming kumakapit pa sa maliit na tsansa para sa mahal naming nasa bingit ng kamatayan. Pumwesto ako sa dulong upuan at matamang tinitigan ang krus na pinagpakuan sa Kanya. Naalala ko si Katrina, siya ang nagturo sakin ng bagay na ito. Sa kanya ko natutunan na ang lahat ng bagay ay may kasagutan sa tulong Niya. Lumuhod ako at mapayapang pumikit saka umusal ng taimtim na panalangin.

"Ama, ako ho na makasalanang nilalang ay nasa harap mo para hilingin ang kaligtasan ng babaeng mahal na mahal ko, ng babaeng lahat lahat sa akin, ng babaeng nagbukas ng mga mata ko para makita ang mga magagandang bagay na ginawa mo, ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan ako. Nandito ho ako sa harap mo para humingi ng isa pang pagkakataon para makabawi sa asawa ko, para maipakita at maiparamdam ko kung gaano ko siya kamahal. Parang awa mo na ho, iligtas mo ang asawa ko." Napahigpit ang pagkakasalikop ko ng mga kamay ko dahilan para maglagutukan ang mga mumunting buto sa mga daliri ko.

Dumilat ako saka tinitigang muli ang krus kung saan Siya naroroon. Gamit ang mga matang hilam sa luha, sinuyod ko ang maamo ngunit duguang mukha Niya, dahil sa koronang tinik na ipinutong sa kanyang ulo.

Alam ko, alam kong mapagbibigyan Niya ang kahilingan ko. Alam Niya na kailangan pa ni Cole ang kanyang ina. Alam kong isa ako sa mga mapapalad na nilalang na naihatid ang kahilingan sa Kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kanya, pero natauhan lamang ako nang humahangos na lumapit sa akin ang kapatid ko, hatid ang isang masamang balita na pinakaayaw kong maririnig sa ganitong panahon.

"Kuya! Si Katrina.." Hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin ni Trevor dahil agad na akong tumayo at humahangos na nagpunta sa lugar kung saan isinasagawa ang operasyon ng asawa ko. Sumilip ako sa kapirasong siwang ng kurtinang berde na nahaharangan ng salamin. Nanlambot ako sa nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kong pinipilit i-pump ng doktor ang dibdib ng asawa ko, habang ang isa nama'y patuloy sa pagbibigay ng oxygen dito.

"KATRINA! LUMABAN KA PAKIUSAP! LUMABAN KA MAHAL KO!"

Katrina's PoV

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko para lamang mamangha sa lugar na nakita ko. Isang malawak na lupaing napalilibutan ng mga makukulay at iba't ibang klaseng mga bulaklak at berdeng berdeng mga damo. Mas lalo akong namangha nang makita ko ang lawa na nagtataglay ng asul na asul na tubig. Ang kalangitan ay tila ngumiti dahil sa sobrang aliwalas, na pati mga ulap ay tila sumasayaw sa saliw ng isang tugtugin.

Paraiso.

Nasa paraiso ba ako? Anong lugar ba ito? Nasaang parte na ba ako ng Pilipinas? O nasa Pilipinas pa ba ako?

"Mommy!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang batang babae na parang isang anghel sa kanyang bestidang suot suot. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mala porselana niyang kutis. Pero teka, mommy? May anak ba akong babae? "Mommy!" Muling tawag nito sa akin saka tumawa at tumakbo palayo.

"Wait for me, little girl!" Sigaw ko saka siya sinundan, na sana'y hindi ko na ginawa. Dahil ang kaninang paraiso na kinalalagyan ko, ay parang biglang naging isang masamang bangungot. Ang kaninang mga magaganda't makukulay na rosas, ngayo'y mga lanta na, ang asul na asul na tubig ng lawa ay tuyot na tuyot na at ang kalangitan, na kanina'y napakaganda, ngayo'y nababalutan na ng mangitim ngitim na ulap, na parang nagbabadya ng isang malakas na pag ulan.

Anong klaseng lugar ba ito?

Humakbang pa ako ng ilang beses, na kaagad ko rin namang pinagsisihan, dahil naramdaman ko ang pagbulusok ko sa kaila-ilaliman ng madilim, nakakatakot at makitid na bangin. Kasabay niyon ang tila pagkakita ko sa repleksyon kong nakahiga sa isang makitid at pahabang kama, na pinalilibutan ng mga taong naka asul, mga naglalakihang mga kagamitan at isang maliwanag na ilaw na sa akin mismo nakatapat. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Travis, na nakasilip sa kapirasong siwang ng berdeng kurtina, habang titig na titig sa nakahigang repleksyon ko habang hinahayaang dumaloy ang masaganang luha mula sa magaganda niyang mga mata. Lumapit ako sa salamin at marahang pinadausdos ang daliri ko roon, na parang ang mukha ng lalakeng mahal na mahal ko ang hinahaplos ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kusang dumako ang tingin ko sa isang makinang may isang tuloy tuloy at walang patid na tuwid na linya.

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon