Chapter 17

2.1K 55 3
                                    

Katrina's PoV

Mataman akong nakatitig sa marmol na pinaghihimlayan ng aking munting anghel. Hindi ko matanggap na tapos na agad ang buhay ng aking anak, ng batang aking inalagaan sa loob ng aking katawan sa loob ng siyam na buwan.

Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko, kasabay ng paglabas ng butil ng luha mula sa mga mata ko. Galit ako. Galit na galit ako sa buong pamilya ng Agustin. Kung hindi dahil sa kanila, sa mapanghusga nilang mga mata, edi sana buhay pa ang kakambal ni Cole.

Si Cole. Si Cole na dapat sana'y nasa aking kalinga, na dapat sana'y ako ang kinalakhan niyang magulang, hindi ang mga walang pusong pamilya Agustin.

Kung tutuusin, kayang kaya kong bawiin si Cole sa kanila, sa pantay at makataong paraan, pero hindi ko magawa dahil pinalabas nilang namatay na ako at tiyak namang pagagalawin nila ang kanilang pera, huwag lamang akong makalapit sa bata.

"Coleen, anak... Pinapangako ko, sa harap ng puntod mo, babawiin ko ang kakambal mo, babawiin ko ang kinuha ng mga taong walang puso." Saad ko saka pinasadahan ng hintuturo ko ang itim na lapidang pinag uukitan ng pangalan ng aking anak.

Nais ko pa sanang magtagal ngunit nakarinig ako ng mga papalapit na yabag. Kaagad akong naglakad papunta sa pinto sa likod at akmang magsisimula nang maglakad palayo, nang bigla akong manigas sa munting tinig na aking narinig.

"Dada, dito po ba natutulog si Coleen?"

Ayoko man pero hindi ko napigilang silipin ang munting prinsipeng nagmamay ari ng tinig niyon. Gustong gusto kong lumabas sa pinagtataguan ko para tumakbo at yakapin si Cole, ngunit alam kong hindi pwede kaya naman nagkasya na lamang ako sa pagtanaw sa aking anak.

Nakita kong lumuhod si Travis para makapantay si Cole saka marahang ginulo ang buhok nito, "Yes." Maikling sagot nito saka ibinalik ang tingin sa puntod ni Coleen.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Cole at halos lumundag ang puso ko nang makita ko ang dalawang pares ng chinitong mga mata nito na nakatingin sakin. Pigil na pigil kong takbuhin ang distansya naming dalawa. Ngumiti na lamang ako ng malapad at halos hindi ako makahinga ng nginitian niya din ako pabalik kasabay ng sandaling pagkaway, na napansin agad ni Travis kaya ito lumingon sa direksyon ko, mabuti na lamang at nakapagtago ako kaagad.

"Sinong kinakawayan mo, Cole?" Tanong ni Travis sa anak ko.

"Wala po, dada. May nakita lang po akong ibon sa bintana". Napangiti ako sa sinabi ng aking anak. Nagmana nga talaga sya saken, marunong maglihim at mangtwiran.

Lumabas ako sa tinataguan ko nang makita kong naglakad na sila palabas ng Museleo. Kaagad akong sumunod sa kanila ng palihim, saka nagdudumaling sumakay sa dala kong sasakyan at sinundan ang sasakyang minamaneho ni Travis.

Ilang sasakyan din ang layo namin sa isa't isa, para hindi din mahalata na kanina ko pa sila sinusundan.

Stalker na kung stalker, masama bang tignan ko ang anak ko ng palihim? Hindi naman siguro ako kakasuhan dahil sa ginagawa ko, tutal ay anak ko naman ang sinusundan ko.

Huminto ako at pumarada di kalayuan sa sasakyan ni Travis nang huminto ito at nagpark sa parking space ng McDonald.

Kumuha ako ng isang piraso ng malinis na papel saka ito sinulatan bago ako umibis ng sasakyan at pasimpleng pumasok sa loob ng establisyimento.

Hinanap ko ang pwesto ng mag ama at lihim akong napamura sa nakita ko.

Tama ba namang iwanan si Cole na nag iisa sa table? Gagong Travis!

Naupo ako sa silyang nasa likod ng kinauupuan ni Cole. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa sandalan saka nagsalita.

"Hello little kiddo, sinong kasama mo?" Dahil siguro sa gulat ay bigla itong lumingon sa gawi ko, kaya naman bahagya nyang nahalikan ang pisngi ko. Nanlambot ako sa pangyayaring iyon.

"Si dada ko po." Aniya saka ngumiti at tumingin sa counter kung nasaan si Travis. Hindi na ako nag abalang lumingon pa dahil baka makita pa ako.

Palihim kong isinuksok ang kapirasong papel sa bulsa ng short ni Cole saka muling nagsalita. "Wag kang aalis dito hangga't wala pa si dada mo ha? Just wait for him to come back." Ani ko saka marahang pinisil ang mamula mulang pisngi nito. Kaagad akong tumayo nang tumango ito saka may ngiting lumabas ng establisyimento.

Hanggang dito muna ang pagpaparamdam ko. Uunti untiin ko ang pagbabalik ko. Humanda kayo.

Travis' PoV

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang mapatingin ako sa babaeng kalalabas pa lamang. Bakit pakilalang kilala ko ang babaeng 'yon?

Marahas kong ipinilig ang ulo ko.

"Praning ka lang Travis, matagal tagal ng patay si Katrina, kitang kita mismo ng mga mata mo kung paano ito ihatid sa kanyang huling hantungan." Pag aalo ko sa sarili ko saka bumalik sa lamesang pinag iwanan ko kay Cole.

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang masaya ang aura ng anak ko. Madalas naman kaming magpunta dito, pero hindi ko alam kung ganito ang aura niya ngayon, nakangiti at halata mong sobrang saya.

Naupo ako sa katapat na silya niya saka siya matamang tinitigan, "Cole, anak."

Tinignan niya naman ako saka nginitian. "I met her dada, ang ganda niya po pala." Kumunot noo ako bigla. Sinong her?

"Sino, anak?" Ngiti lamang ang isinagot nito saka kinuha ang happy meal na dala-dala ko. Tumayo na din ito at nagyaya umuwi. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng anak ko. Gusto ko sanang dalawin ang libingan ni Katrina pero, mukhang pagod na si Cole kaya naman nagpasya akong magmaneho na pauwi.

Hindi ko pa naipapark ng ayos ang kotse ko nang bigla akong mapatingin sa rearview mirror. Napangiti nalang ako nang makita ko si Cole na nakahiga sa backseat at payapang natutulog.

Inihinto ko na lamang ang sasakyan saka bumaba at binuhat si Cole papasok sa bahay. Ibinilin ko na lamang sa katiwala namin yung kotse.

Dahan dahan kong inilapag ang anak ko sa kama niya saka ko tinitigan ang kanyang mukha. Lihim akong napangiti. Hindi maipagkakamaling anak nga namin ito ni Katrina.

Pinaghalong mukha naming dalawa.

Bakit ba ako nagduda? Bakit ba ako nagdalawang isip na akuin ang responsibilidad na para sakin naman pala talaga?

Bakit kung kailan wala na si Katrina, saka ko napagtanto na wala siyang kasalanan?

Videos, pictures.

Napahawak ako sa buhok ko saka marahan itong ginulo.

Bakit ba na sa tuwing handa na akong patawarin ang ina ng aking mga anak, lagi na lamang nasagi sa isip ko yung mga video at litratong natanggap ko noon?

Napailing na lamang ako. Niloloko ko nanaman ang sarili ko. Huli na ang lahat para magpatawad at tanggaping muli ang lahat, dahil matagal ng wala ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat.

Tatayo na sana ako para sana lumabas ng kwarto ni Cole nang mapukaw ng atensyon ko ang kapiraso ng papel na nakadungaw sa bulsa ng short ng aking anak.

Kinuha ko ito at binuklat.

Namutla ako at halos di makahinga nang mabasa kung ano ang nilalaman ng kapirasong papel.

Mine is mine. Cole is mine. -KFA

~*~

Return Of The Wife [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon