CHAPTER 1
"This is how the story started..."
I am Atty. Katarina Beatrice Arevalo-Sanchez, a lawyer with dignity and honor. A respected individual in the fields of cases, crimes and anomalies. I'm a defender, a mother, a lover.
Bago ko marating ang tagumpay sa pagiging sikat na abogado, madami na akong napagdaanan sa buhay. Hindi kahirapan o kasalatan sa buhay, kundi isang malaking trahedya na bumago sa buhay ko. Trahedyang tumatak, at naukit sa puso ko na siya din palang magbibigay kulay sa buhay ko, at siya ring magtuturo sa aking magpatawad, magmahal at muling magtiwala sa mga lalaki.
Nagmula ako isang mayamang pamilya sa probinsya ng Quezon. Sikat ang pamilya namin doon, dahil sa pagiging mabait, matulungin at mapagbigay ng aking pamilya. We were always doing charity events para sa mga mahihirap naming kababayan. Hindi politiko ang tatay ko, at ni minsan hindi niya naisipang maging politiko. Tumutulong kami wholeheartedly, dahil alam naming sobra-sobra ang mga natatanggap naming blessings, kaya naman hindi kami nagdadalawang-isip na mag-share sa iba. Malawak ang aming mga lupain kaya naman madaming pinagkakakitaan ang aming pamilya.
Dalawa kaming magkapatid. Kambal kami, but unfortunately, namatay siya pagkapanganak palang sa kanya ni Momsy.
16 years old ako noon ng mamatay ang tatay ko. Paano? Ambush. Pinag-babaril siya habang nasa sakahan, dahil daw diumano, masyado daw mayabang ang tatay ko. Masyado daw mapaglaki at hambog. Hindi ko alam kung saan nila nakuha 'yon, dahil para sa akin, wala ng mas mababait pa sa tatay ko. Naiwan kaming dalawa ni Momsy. I don't know kung anong words ang gagamitin ko para i-express ang galit ko noong mawala si Popsy. Hindi ko alam kung bakit kailangang may gumawa noon sa tatay ko gayong napakalaki ng naitulong niya sa kanila.
Awang-awa ako noon sa sarili ko, pati na rin kay Momsy. Kaya noon, sinabi ko sa sarili ko, pagtanda ko, gagawa ako ng paraan para wala ng taong masasaktan, at wala ng taong maagrabyado.
Akala ko pagkatapos ng bitterness na naramdaman ko ng mawala si Popsy, tapos na. Na magiging okay na ang lahat. Hindi pa pala.
"Momsy, baka po gabihin ako mamaya ha, may project po kase kami, at kailangan naming matapos agad yun" paalam ko kay Momsy.
"Osige Betty anak. Ipapasundo nalang kita mamaya kay Tonyo." sagot ni Momsy.
"Sige po Momsy. Mauna na po ako, medyo late na po ako sa school." sabay kiss and hug kay Momsy.
"Take care of yourself anak, ayoko mag-isa."
"Si Momsy talaga! Syempre mag-iingat ako, at hindi kita iiwan. Basta wag mo ko iiwan."
"I love you Anak."
"I love you Momsy."
Friday noon. Malapit na kase matapos ang school year kaya madami kaming projects. 3rd year high-school ako that time. 9pm na ng matapos kami with our project. Isa-isa na din kaming nag-uwian.
Nasa labas ako ng school at hinahanap ko si Mang Tonyo. Sinabe kase ni Momsy na ipapasundo niya ako. Halos 30 minutes din akong nag-antay sa pagdating ni Mang Tonyo pero wala siya. Kung aantayin ko pa siya, baka lalo akong gabihin kaya naman naisipan ko nalang maglakad.

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"