Chapter 6

33 0 0
                                    





CHAPTER 6

           

            Nagtuloy-tuloy ang ganong setup namin ni Matthew. After work, lalabas kaming dalawa, kakain o kaya naman magco-coffee. Minsan mamamasyal kami, pupunta sa mga landmarks dito sa Singapore o kaya naman sasamahan niya kami ni Mama mag-shopping o mag-grocery.

Our friendship started to grow. Masaya ako kapag kasama ko siya, tapos sabi niya ganun din daw siya. Marami kaming bagay na pinagkakasunduan, parehas kami ng taste sa pagkain, sa mga gamit at sa mga activities na gusto naming gawin. Parehas kami ng goals sa buhay, gaya ng matulungan yung mga taong nangangailangan, at maipaglaban kung ano ang tama. Pag kasama ko siya, nababawasan yung stress ko, tapos parang nakakalimutan ko lahat ng nangyari sa akin. Alam mo yung para siyang pain reliever, he relieves me, he relieves every pain that is hurting me.

            Tinapos ko na ang pagmumuni-muni at tinuloy na tong ginagawa ko. Inuwi ko kase dito sa bahay yung ibang trabaho, para bukas, makapag-focus ako sa mga complainants. Habang nagta-type ako, nag-pop up sa screen ng laptop ko si Leila, she's video calling via skype.

            "Hey Leila! I missed you!"

            "Missed na din kita sobra! Pasensya kana ngayon lang ako napatawag, ngayon lang kase ako walang ginagawa. Sobrang hectic ng schedule sa work!"

            "Oo nga eh, di ka din nagrereply sa mga messages ko, nagtatampo na tuloy ako sa'yo!" I kidded.

            "Ikaw naman, eto nga at bumabawi na! Oh kumusta naman ang 2 months mo diyan as an intern? Kaya pa ba? Haha!"

            "Kayang-kaya! Ako pa ba? Parang hindi mo naman ako kilala! Hahaha!"

            "Ayan naman ang gusto ko sa'yo, napaka-humble mo. Hahaha! Anyways, may nakita kana ba diyang pwedeng magbigay ng apelyido sayo?"

            Clueless ako sa sinabe niya. Hindi ko nagets. "What? May apelyido naman ako ah?"

            "Hay nako! Hahaha! What I mean is, may nakita kana bang potential husband diyan? Ikaw talaga ang slow mo! Hahaha!"

            "Ha? Husband agad, grabe ka naman! Ano bang akala mo sa akin, hunter? Hahaha! Nandito ako para sa internship, hindi para maghanap ng asawa! At tsaka, ang bata-bata ko pa no? Hahaha!"

            "Hahaha! Joke lang! Oh sige, hindi nalang husband, boyfriend nalang? Meron na ba?"

            Napa-smile ako. Yung smile na kinikilig. Hindi ko alam kung bakit ganito pero diko mapigilan. Napansin tuloy ni Leila, "Hoy! Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan, ikaw ha, may boyfriend ka na 'no? Hahaha!" she asked me.

            "Hoy ano ka ba Leila? Wala pa akong boyfriend!"

            "Eh bakit kung maka-smile ka diyan, parang kilig na kilig ka?"

            "Hoy, hindi ahh. Kinikilig ka diyan! Hindi kaya!"

            "Eto naman oh, magsesekreto pa, parang hindi naman tayo friends..." sabay paawa face.

            "Seryoso, wala pa akong boyfriend. Cross my heart, hope to die!"

            "Talaga ba? Eh bakit parang kinikilig ka?"

            "Wala lang yun. Wag mo na ako intindihin. Hahaha!"

            "Hmmm...Sige na, sabihin mo na, alam ko may gusto kang sabihin." Kahit hindi pa naman kami super duper tagal na,  na magkaibigan ni Leila, alam niya kapag may gusto akong i-express o sabihin. Itatanong ko ba talaga to sa kanya? Nakakahiya kase eh...ahhh...Sige na nga!

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon