CHAPTER 18
There were instances sa buhay natin kung saan hindi natin alam kung dapat ba nating paniwalaan. May mga panahon na parang punong-puno ng kasinungalingan na susubok sa ating kakayanang i-handle ang mga bagay-bagay. Minsan mapapa-isip nalang tayo na 'deserved ko ba ang lahat ng mga nangyayari?' like what is happening to me now, deserved ko bang maranasan lahat ng mga pains and circumstances sa buhay ko?
My mind has plenty of questions. Questions na hindi ko alam kung masasagot pa ba or may sagot ba? Mga questions na parang ako din yata ang makakasagot eventually.
After ng second trial, a part of me was enlightened and the rest were doomed. Naisip ko ang mga possibilities na maaaring totoo nga ang sinasabi nina Matthew. Ewan!
I was lying on my bed when I received a text message. It's from Matthew. Ayaw ko sanang buksan ang text message pero hindi ako makapag-pigil. I opened it and it says, "I'm so sorry. I miss you."
Oh God! Why did he even need to text me like that, this time kung kelan nagmo-moment ako. Lalo lang ako naguluhan, lalo lang ako napaisip. Rereplyan ko ba? No! Hindi ko siya dapat replyan. Bakit? Dahil yun ang dapat. We aren't in good terms kaya hindi ako dapat magpaka-tanga na replyan siya.
I'm lost.
Seen.
.........
I thought 'walking' is one of the easiest thing to do. Pero bakit hirap na hirap ako humakbang papunta sa court room. Parang may glue ang sahig kaya dumidikit ang mga paa ko dito at nahihirapan akong maglakad. Ngayon na kase ilalabas ang desisyon ng korte sa kaso ko kaya we're heading there right now.
Kung tatanungin ako ngayon if paano kung matalo ako, actually hindi ko pa alam ang talagang mararamdaman ko. I bet no one knows, pero iniisip ko kung magagalit ako dahil obviously natalo ako, or matutuwa ako na hindi yung tatay ni Matthew ang nang-rape sa akin, pero on that note, parang binalewala ko lang lahat ng mga paghihirap ko. I want to think positively ano man ang maging resulta ng kaso ko.
At this point of my life, I don't want to be a hypocrite. Ayoko ng lokohin ang sarili ko na alam kong malakas ang laban nina Matthew sa kasong isinampa ko sa tatay niya. After sabihin ng tatay niya yung statement niya, at after niyang lumapit sa akin at kausapin ako, na-realized ko na siguro nga tama sila.
Maybe you were thinking na parang ang bobo at hina ko naman yata dahil madali kong napaniwalaan agad yung mga sinabe nila, well, hindi lang naman talaga yun yung basehan ko. A week ago, tinawagan ako ng pulis na humawak sa kaso ko, and sinabi niya na they were already tracing those men na sinabi ng tatay ni Matthew at ni Mang Badong na totoong gumahasa sa akin. Hindi na ako umalma, or nag-hysterical, but instead I told them to just update me kung ano man ang mangyari. That very moment, nasabi ko sa sarili ko na siguro ito na yung time para mag-heal, para makalimot, para mag-move on. Masyado ko nang napahirapan ang sarili ko noong mga panahong pinoproblema ko ang kaso ko, tapos nadagdagan pa ng problema ko with Matthew.
Suko na ang matapang na babaeng lion na galit na galit noon.
Ilang araw bago ang araw na ito, Naisip ko na, mas mabuti siguro kung babalik muna kami ni Mama ng UK. Gaya ng ginawa ko years ago, pupunta ako doon para kahit papaano ay mawala sa isip ko lahat ng nangyari. Babalik ako ng UK para makapag-simula ng bagong buhay, malayo sa mga masasakit na memories, at malayo kay Matthew.

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"