CHAPTER 13
"Oh, bakit ka po napatawag, Mr. Attorney? Haha!" sagot ko sa tawag ni Matthew.
"Masama bang tumawag Mrs. Attorney? Haha!"
"MRS.? Dalaga pa ako no!!!" inis na sagot ko.
"Alam ko, pero doon ka din naman papunta eh, kapag nagpakasal na tayo diba?"
Kinilig naman ako sa sinabi niya, "Nako Matthew, ang aga-aga ha, pinapaandaran mo ko niyang ka-cornihan mo ha! Besides, dalawang araw palang tayong officially in a relationship, tapos kasal na kaagad yang iniisip mo."
"Hindi ka ba kinilig?"
"Kinilig."
"Talaga?"
"Oo, kinilig ako. Ikaw kase eh, ang corny mo. Haha!"
"Corny ba yun, eh kinilig ka nga?"
"Oo na, sige na. Hindi na corny. Baka mamaya umiyak ka pa diyan. Hahaha!"
"Ako, iiyak? Hindi no! Hahaha! Alam mo, iiyak lang ako kapag iniwan mo ako."
I'm speechless. "Matthew, paano mo naman naisip yan? Bakit naman kita iiwan?"
"Wala. Sabi ko, kapag iniwan mo ko. Pero alam ko namang mahal natin ang isa't-isa, kaya hindi tayo mag-iiwanan. You and me, together, forever."
"I love you Matthew Rivero."
"Mahal na mahal na mahal din kita Rina Arevalo. Mamahalin kita ano mang humadlang sa ating dalawa. You'll always be my forever. Ikaw lang! Sayo lang ako na-inlove ng ganito, and I will do whatever it takes para maging tayo hanggang sa dulo. Gusto ko ikaw na ang babaeng pakakasalan ko, at makakasama kong bumuo ng pamilya. Rina..."
Hindi ko napigilan na mapaluha dahil sa mga sinabi niya. He is just so sweet, na parang matutunaw ako sa pwesto ko anytime. "Ako din naman Matthew. I will do whatever it takes, para mag-stay tayo hanggang sa dulo. I want you to be my first and last."
"I love you."
"I love you more Matthew."
I know we're acting strange. Masyadong mabilis ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Masyadong mabilis kaming na-engage sa mga bagay na dapat sa future pa namin pag-iisipan dahil hindi pa tama ang panahon. Pero ganon naman yata talaga kapag naramdaman niyo na sa mga sarili niyo yung feeling of forever. Yung pakiramdam mo na, alam mong sa kanya mo gustong ubusin ang oras ng buhay mo, at sa kanya mo ibibigay ang pagmamahal na parang pagmamahal sa mga magulang mo, walang katulad.
Life is a choice, and Matthew is my best choice.
.........
"Roberto C. Sanchez. Pangalan palang niya nag-iinit na ang dugo ko Mama. Paano pa kaya kapag nakaharap ko na siya sa korte?"
"Roberto Sanchez? Yun ba kamo ang pangalan ng nang-rape sa'yo anak?" gulat na tanong ni Mama.
"Opo Mama, kilala niyo po ba siya?"
Huminga ng malalim si Mama, tapos napaupo siya, "Parang pamilyar ang pangalan niya. Parang naririnig ko na noon."
"Anong naaalala niyo Mama?"

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"