CHAPTER 4
5 months before my graduation, kailangan ko muna maging intern. I was assigned to do my internship sa Singapore. A total of 4 months akong magwo-work don, and on the fifth month is my graduation and bar exam. Matagal din akong mag-stay sa Singapore kaya isinama ko na din si Mama. Hindi ko kase siya pwedeng iwan sa UK, since she's not getting any younger.
Okay din naman dito sa Singapore, madami ring pinoy. I've decided na sa hotel nalang kami mag-stay, mas convenient at secured. Mahirap kase kapag biglaan nalang kaming magre-rent ng apartment, wala kaming kakilala dito, tsaka mamaya hindi pala safe.
First day of internship, others call it OJT or On the Job Training. Sa isang sikat na Law Firm dito sa Singapore ako magse-serve as intern. Us interns will hold small-scale cases lang, that will serve as a practice na rin for us. Unang araw palang, bilib na agad sa akin ang mga heads ng law firms kung paano ako mag-trabaho, at maghandle ng mga legal complaints. Madami ding mga Pinoy na interns, pero wala pa akong kakilala.
While I was on my table, may pumasok na dalawang babae. I think mag-ina sila. Napansin kong malungkot sila parehas, at isa pa na naka-caught ng attention ko ay yung anak na balot na balot ng jacket. Hindi naman malamig sa labas, summer nga actually dito sa Singapore. Lumapit sila sa receptionist.
Later on, "Miss Arevalo, please assist them!" the receptionist commanded.
Ako lang kase ang vacant noon, at walang complainant, kaya sa akin sila na-assign. "Okay! Thank you!" I replied.
Lumapit na silang dalawa sa akin. "Hi Mam, Good Morning! I'm Katarina Beatrice Arevalo, and I am more than willing to help you. May I know your concern?"
Hindi agad sila nakasagot. Nagkatinginan silang mag-ina at doon na bumuhos ang luha nila. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng nararamdaman nila sa pag-iyak nila. I don't know why pero ramdam kong may connection. "Mam, is everything fine? Why are you both crying?" I concernedly asked them sabay lapit sa kanila at niyakap silang dalawa. Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin na gawin yon, at feeling ko na-comfort naman sila. Kumuha ako ng tubig at binigyan ko sila pareho. "Are you ready to tell me about what happened?"
"Yes..yes, We are sorry for being so emotional, It's just that we can't help it!" The older woman replied habang patuloy pa din sa pag-iyak.
"Don't worry Mam, It's my job to listen. May I know your names first?"
"I am Min Fang-Ho and this is my daughter Ashley."
"Okay, Miss Min, may I know what your complaint is?"
Muling lumakas ang iyak nilang mag-ina. "M...y...My...dau..ghter, she was raped by her uncle! My daughter!" Hinila agad ni Miss Min ang anak niya at niyakap ito ng mahigpit.
Parang gumuho lahat ng nasa paligid ko that moment, naramdaman ko na ding tumulo ang luha ko. Bumalik lahat ng ala-ala ng nangyari sa akin. Lahat ng naaalala ko noong ginahasa ako. Noong sinampal niya ako, hinila at ginahasa. Ang pagkamatay ni Momsy, dahil sa nangyari sa akin.
"Aaaaaah! TAMA NA! AYOKO NA! TIGILAN MO NA AKO! TAMA NA! AYOKO NAAAAA!" I became hysterical that moment. Tinatakpan ko ang tenga dahil parang naririnig ko na nagsasalita yung lalaking nang-rape sa akin. Napaupo ako sa sahig at saka nagsisipa. Nagkakagulo na din sila sa loob ng law firm dahil sa nangyayari sa akin.
"Miss Arevalo, what's happening?"
Nagpatuloy ako sa pagiging hysterical hanggang may isang lalaking yumakap sa akin. Niyakap niya ako para pigilan ako sa pagwawala and after that hindi ko na alam ang nangyari.

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romantizm"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"