CHAPTER 2
Kahit sino man ay hindi madaling makaka-cope up sa mga nangyari sa akin. Ginabi lang ako ng uwi para tapusin ang projects ko, pero dahil pala sa kagustuhang kung magkaroon ng mataas na grades, mangyayari ang ganitong trahedya sa akin.
Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Pakiramdam ko wala na akong dignidad, wala na akong moral, wala na akong mukhang maihaharap. Kinuha niya ang kaluluwa ko at para itong hinihila papunta sa impyernong lugar niya.
Napaka-demonyo niya! Kung sino man siyang kampon ni Satanas! Hindi ko siya mapapatawad! "Sinira niya ang pagkatao ko! Binaboy niya ako! Hayop siya! HAYOP!"
..........
Hindi pa man ako tuluyang nakaka-recover sa mga pangyayari, may kasunod na naman. Ilang linggo palang ang nakakalipas magmula ng pagsamantalahan ako, iniwan ako ni Momsy. Iniwan na ako ng nag-iisang taong natitira sa akin. Si Momsy na inaasahan kong tutulong sa akin na makabangon sa trahedyang nangyari, mas mauuna pa pala sa akin.
Dahil sa bigat ng mga nangyari sa pamilya namin, hindi na niya kinaya. She underwent a severe depression na siyang nagpabagsak sa katawan niya. Hindi siya makakain, hindi makatulog dahil sa pag-iisip sa akin at sa pagkawala ni Popsy. Hindi niya na kinaya kaya namatay siya.
"Wala na si Momsy, wala na silang lahat!" Ano bang nagawa ko sa'yo?! Bakit mo ba kinukuha ang mga mahal ko sa buhay? Bakit?! Araw-araw akong pumupunta sa'yo para alayan ka ng kandila, para bigyan ka ng bulaklak, pero bakit mo to ginagawa sa akin? Manhid ka ba?!Manhid ka ba para hindi maramdaman na ang sakit-sakit na! Kinuha mo na lahat! Si Popsy, si Momsy, ang pagkatao ko, kinuha mo na! Bakit mo kailangang gawin sa akin ang lahat ng ito?! Akala ko ba magaling ka? Akala ko Diyos ka! Akala ko you're the most powerful among all, pero bakit ang bobo mo?! Wala kang kwenta! WALAAA! Parehas lang kayo ng mga kriminal! Magnanakaw ka! Ninakaw mo ang buhay ko! WALA KANG KWENTA!"
Lumapit sa akin si Manang Lupe at pinigilan ako sa pagwawala ko, "Mam Betty tama na po! Hindi po matutuwa ang mga magulang mo sa ginagawa mo!"
Tiningnan ko ng masama si Manang, "Bakit? Nasaan ba sila? Wala na diba? Kinuha na sila sa akin ng walang kwentang Diyos na yan!"
"Mam Betty, wag po kayo magsalita ng ganyan, ginagawa niya lang po kung anong mas makakabuti sa atin!"
"So mabuti 'yon, na namatay silang dalawa, tapos ako nagahasa?! Mabuti ba yon? Makakabuti ba sa akin yon? HA? SABIHIN MO NGA!"
Niyakap ako ng mahigpit ni Manang Lupe, "Mam Betty tama na po! Makakalimutan niyo din po lahat ng nangyari, hindi po kita iiwan. Pangako ko yan sa'yo."
"Manang Lupe, hindi ko na kaya, ayoko na. Hindi ko alam kung ano pang naghihintay sakin. Walang-wala na ako, kinuha na niyang lahat sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay. Manang Lupe, suko na ako."
"Mam Betty, wag po, hindi po dapat kayo sumuko. Kailangan niyong lumaban. Kailangan niyong bumangon muli, para kay Don Emilio at kay Doña Isabel. Alam kong alam nilang kaya niyo po yan. Tinuruan nila kayong lumaban at wag matakot sa ano mang hamon ng buhay.Kaya ako, may tiwala ako na malalampasan niyo tong lahat."
"Manang, wag mo kong iiwan. Parang awa mo na."
"Opo Mam Betty, nandito lang ako." Niyakap ako ng mas mahigpit ni Manang Lupe, at doon ko naramdaman na may nagmamahal pa sa akin.
Malapit talaga sa akin si Manang Lupe dahil siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata. Para ko na din siyang nanay. Sa sobrang devoted niya nga sa pag-aalaga sa akin at sa pagiging kasambahay namin sa mansion ay hindi na siya nakapag-asawa. Itinuturing na namin siyang pamilya. Kaya naman sa pagkawala nina Momsy at Popsy, siya nalang ang natitira sa akin.
.........
Lumipas ang mga panahon at nakapagtapos ako ng high-school. I graduated Valedictorian sa kabila ng mga pangungutya sa akin dahil sa dinanas ko. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses nila akong sinigawan at pinagtawanan dahil daw na-rape ako.
Hindi ko sila pinapansin, kahit pakiramdam ko, para na akong lobong punong-puno ng hangin at gusto nang pumutok. Gusto ko nang sumabog sa galit, pero hindi ako lumaban. Hinayaan ko nalang sila at inisip na masasayang lang lahat kung pag-aaksayahan ko sila ng oras ko. Itinuon ko ang buhay ko sa pag-aaral, wala akong ibang ginawa kundi mag-aral.
"Betty anak, saan mo balak mag-kolehiyo?" Tanong ni Mama Lupe. Oo, Mama Lupe na ang tawag ko sa kanya, hiniling ko yun sa kanya na siya nalang ang maging nanay ko, tutal ay wala naman siyang pamilya.
"Sa UK po Mama." sagot ko.
"Sa UK? Sa United Kingdom?"
"Opo. Mag-aaral ako sa Cambridge University. Mag-aaral ako ng law, para maging isang abogado."
"Abogado? Bakit mo naman gustong mag-abogado?"
"Mag-aabogado po ako para mabigyan ng hustisya ang lahat ng nangyari sa akin. Sa pang-gagahasa sa akin noon na naging dahilan ng pagkamatay ni Momsy. Gaganti ako! Hinding-hindi ko siya mapapatawad hayop siya!"
"Anak, kung yan ang ikapapanatag ng loob mo. Kung diyan ka magiging masaya."
"Gagawin ko po lahat Mama, para maparusahan kung sino man ang gumawa nun sa akin."
"Sige Anak, ipapaayos ko na lahat ng kakailanganin mo sa pag-aaral sa UK...Maiba ako, may balita na daw ba sa pag-iimbestiga tungkol sa kung sinong gumahasa sayo?"
"Tumawag po sa akin yung mga nag-iimbestiga sa kaso ko, patuloy pa rin po sila sa paghahanap. Sa ngayon, nakabased lang po sila sa sketch ng suspek na nabuo nila mula sa pagkaka-alala ko sa hitsura ng gumahasa sa akin. Nahihirapan daw po sila dahil hindi ko naman nakita ng maayos ang hitsura niya, dahil nga madilim noong mga panahong yon. Pero sinigurado nila sa akin na gagawin nila ang lahat."
"Mas mabuti na yun, dahil kahit papaano eh umuusad ang kaso mo. Oh siya, kumain kana."
"Sige po Mama... Ay isa pa po pala, ipahanda niyo na din po ang passport nating dalawa."
"Nating dalawa?"
"Opo, hindi ko naman kayo pwedeng iwan ditong mag-isa. Syempre isasama ko po kayo sa UK."
"Naku maraming salamat anak. Salamat! Matagal ko na gusto maka-hawak ng puting-puting yelo, ano bang tawag dun? Hahaha!"
"Snow po Mama, Snow! Hahaha!" niyakap ko si Mama Lupe ng mahigpit. "Mabuti nalang po nagkaroon pa ako ng isa pang Mama. Salamat po!"
.........
BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"