Chapter 16

20 0 0
                                    



CHAPTER 16

I want to be alone. I want to go away from every distraction making my life miserable. I want to have freedom for a moment! I want peace, peace of mind and peace of heart.

Gusto kong makalimot kahit konting oras lang, kahit ilang minuto o segundo lang. Gusto kong matahimik para makapag-isip, so I can come up to a decision na panghahawakan ko until the end. Pakiramdam ko isa akong bloke ng yelo na nakabilad sa araw at anumang oras ay matutunaw na. Sobrang naaawa na ako sa sarili ko.

I'm now heading to Tagaytay, driving as fast as I can. Hapon na, pero kailangan ko muna talagang mag-time-out sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. I turned on the radio. Currently, nag-uusap yung DJ at yung caller. Sabi nung Dj, "Ate, minsan, dumadating talaga yung time, na kailangan mo mag-sacrifice. Hindi pwedeng palaging dalawa ang pipiliin mo. Example, bibigyan kita ng chocolate pero mamimili ka between Cloud 9 at Ferrero Rocher? Tell me, anong pipiliin mo?"

"Syempre po yung Ferrero." sagot nung caller.

"Bakit Ate? Bakit yung Ferrero ang pipiliin mo?"

"Eh kase po, mas masarap siya, at best yung value niya."

"That's it Ate! Ayan na ang sagot. Piliin mo kung alin ang sa tingin mo ay best, at kung ano ang mas makakabuti sa'yo. Kung sa tingin mo ay tama na sumama ka sa boyfriend mo at iwanan ang pamilya mo, Go! Kung sa tingin mo ay hindi worth it na iwan ang pamilya mo para sa boyfriend mo, then stay. Ate, alam kong alam mo sa sarili mo kung ano yung tamang gawin. Parehas mo silang mahal, kaya dapat gumawa ka ng way para hindi mo na kailangang mamili sa kanilang dalawa. Naintindihan mo ba yung point ko Ate?"

"Opo!"

"Alam mo na ang gagawin mo?"

"Opo, alam ko na po."

"Very good Ate! Okay, maraming salamat sa pagtawag Ate! By the way, may request ka bang kanta?"

"Salamat din po. Ahh, request ko po yung 'One and only you ng Parokya."

"Okay Ate, this is One and only you by Parokya ni Edgar."

One and only you? Biglang nag-flashback yung dinner date namin ni Matthew. Naalala ko yung moment na nag-sasayaw kaming dalawa. Napapangiti na ako until maalala ko na tatay ni Matthew ang taong gumahasa sa akin.

"Urrrgh! Please stop it! Ayaw na kitang maalala!!!" Hinampas-hampas ko yung steering wheel ng sasakyan ko. Bumusina ako ng bumusina, sabay tapak sa gas kaya naman mas bumilis pa ang takbo ko. Dire-diretso ako, nang may makita akong kung anong tumawid kaya namin bigla akong nag-preno dahil baka may nabangga ako. Sa sobrang bigla ng pag-preno ako, medyo napahampas ang ulo ko sa manobela.

Binuksan ko yung pinto ng sasakyan ko, at tiningnan ko kung sino ba yung tumawid. Pumunta ako sa harap ng sasakyan ko, pero wala naman ako nakitang tao. Sumilip ako sa ilalim at doon ko nakita ang isang pusa na parang takot na takot na nakayupyop. Dinampot ko yung pusa, tapos tiningnan ko kung may sugat ba siya, and luckily wala naman. Sobrang cute nung pusa, kulay white siya na may mga black spots. Iniwan ko yung pusa few meters away from the highway.

Pabalik na ako ng sasakyan ng biglang nag-meow yung pusa, at para bang nagmamakaawa sa akin. Hindi ko na pinansin yung pusa at pumasok na ako sa sasakyan ko. I was about to start the engine, ng parang nakaramdam ako ng guilt. Bumaba ako ulit ng sasakyan at binalikan yung pusa. Kinuha ko ito tapos isinakay sa sasakyan ko. "From now on, ako na ang mag-aalaga sa'yo. I'll call you Mary."

Nagpatuloy na ako sa pagda-drive, hanggang sa makarating kami ni Mary malapit sa Palace in the Sky sa Tagaytay. Itinigil ko yung sasakyan sa tabi ng highway. Bumaba ako tapos lumapit ako sa may tabi ng highway facing the vast land of Tagaytay. Sobrang ganda ng view lalo pa at sunset na. Nilibot ng mata ko ang buong paligid. Sobrang nakaka-relax at nakakagaan ng pakiramdam. Pumasok bigla sa isip ko, to shout my feelings out, baka makatulong to lessen the heaviness na nararamdaman ko sa puso at utak ko.

"Hirap na hirap na ako! Ang sakit-sakit na ng puso ko! Dumudugo na yung utak ko! Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin!" my tears started to fall. "Nahihirapan akong gumawa ng decision! I'm trying my very best para hindi ko pagsisihan ang magiging desisyon ko and yet andami pa ding hesitations! Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko, kung bakit ba kailangang mangyari sa akin 'to? Ano bang kasalanang nagawa ko to receive this kind of punishment? Tell me! What? Hindi pa ba sapat na kinuha mo ang mga taong mahal ko, at ang dignidad ko para mangyari sa akin ang lahat ng ito? Pero hindi mo ko matatalo! Malalampasan ko to!" I smiled. I'm going to persevere para ma-overcome ang dagok na ito sa buhay ko. I know I can do it. I know I can.



.........

"Anak bukas na yung pangalawang hearing. Handa ka na bang makita ulit si Matthew?" tanong ni Mama.

"Wala naman po akong choice Mama. Hindi naman po ako pwedeng umatras. Nagsimula na po ang laban, and there is no other way but to continue and move forward. Aaminin ko po, sa tuwing naaalala ko si Matthew, paulit-ulit po akong nasasaktan. Pero paulit-ulit ko din nararamdaman na malapit ko ng makamit ang hustisya na matagal kong inantay at inasam."

"Paano kayo ni Matthew?"

"Hindi ko po muna iniisip sa ngayon yan Mama. I need to focus on my case. Justice must be served."

.........

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon