Chapter 10

25 0 0
                                    

CHAPTER 10

"Good Morning mga kapamilya, kasama po natin ngayon si Attorney Katarina Beatrice Arevalo, ang Magna cum Laude ng Cambridge University sa United Kingdom for this year's batch of Law Graduates. Good Morning Atty. Rina, welcome sa Umagang kay Bongga! Batiin mo naman ang ating mga kapamilya!" introduction ng isang sikat na news anchor.

"Good Morning mga kapamilya! Hello po sa lahat ng televiewers at sa lahat ng mga audience! It's good to be here po dito sa show niyo." Nandito ako sa isang morning show para sa isang interview dahil nga sa achievement ko.

"It is our pleasure Atty. Rina na nagpunta ka dito sa Umagang kay Bongga and by the way congratulations sa iyong napaka-bonggang achievement, isa kang karangalan para sa ating bansa!"

"Thank you very much!"

"Maiba naman tayo Atty. Rina, alam naman nating lahat na hindi madali maging abogado, na sabi nga nila, susuot ka sa butas ng karayom matapos mo lang ang Law, pero ikaw, natapos mo ito at hindi lang yon, Magna cum Laude ka pa at sa Cambridge pa, at ikaw din ang topnotcher sa bar exams. Paano mo nakayanan lahat ng 'yon?"

"For me, naniniwala kase ako na nothing is impossible kapag gusto mo talaga yung isang bagay. You just need to strive hard para ma-achieve yung gusto mo o kung ano man yung goals mo. And another thing, inspiration is very important."

"Ahh...Inspiration. Eh ano bang inspiration mo? or should I say, Sino ba ang inspiration mo? Haha!"

"Hahaha! Pang-showbiz naman ang tanong mo, pero inspiration ko yung Momsy at Popsy ko. They mean a lot to me kahit wala na sila. And another source of inspiration ay yung mga bitter experiences na napagdaanan ko sa buhay."

"Mukhang malalim ang pinaghuhugutan mo Atty. Rina ahh, If you don't mind, pwede ba naming malaman kung ano yung mga bitter experiences mo, which lead you to success?"

Huminga ako ng malalim. Pumasok sa isip ko na the question is very personal, lalo pa at sasabihin ko ito in public. Pero as an Atty. sharing my sentiment will play a large role kapag hinarap ko na ang kaso ko, makakatulong ito para makakuha ako ng sympathy mula sa mga tao na pwedeng makadagdag na mapabilis ang paghatol sa demonyong gumawa ng kababuyan sa akin. Pero with or without the sympathy, alam kong mananalo ako. "When I was 16 years old, namatay ang tatay ko in an ambush for no reason. After that, I was raped. Yes, you heard it right. I was raped by an anonymous person. Dahil sa nangyari sa akin, namatay ang nanay ko dahil sa depression. Dahil sa lahat ng nangyari sa akin noon, kaya ko naisipang mag-abugado, para pagbayadin ang taong sumira ng buhay ko. I'm sorry for being so dramatic."

"No Atty. Rina, we are very sorry for everything that happened to you. We are all wishing you the best para sa kaso mo, at sana makamit mo ang hustisya."

"Thank you."

"Maraming salamat Atty. Rina, mga kapamilya magbabalik pa po ang Umagang kay Bongga!"

Halos 3 araw na akong um-attend ng mga interviews sa TV at sa radio. Pare-pareho lang naman ang mga tanong nila, pero nakakahiya naman kung hindi ko sila pagbibigyan, kase baka naman sabihin nila, lumaki na agad ang ulo ko at namimili lang ako ng pauunlakan. Bukod sa mga TV and radio shows, nabigyan din ako ng iba't-ibang awards of appreciation para sa tagumpay ko. Nag-courtesy call din ako sa Presidente ng bansa. Proud ako sa sarili ko dahil sa lahat ng pagkilala na nakukuha ko.

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon