Chapter 12

28 0 0
                                    





CHAPTER 12

Naalala ko dati, binigyan kami ng teacher namin noong high-school ng assignment. Kailangan daw naming gumawa ng isang tula, tungkol sa pagmamahal. It's either pagmamahal sa Diyos, pamilya, kaibigan or sa opposite sex. Sa mga choices na yun, medyo nahirapan akong mamimili kung anong gusto kong gamiting topic, hanggang sa naisip ko si Momsy at Popsy. At doon, nakapili ako.

Napili kong topic ang love for opposite sex. Wala akong magagamit na experiences ko sa gagawin kong tula about love kaya naman si Momsy o kaya si Popsy ang tatanungin ko. Dahil doon, makakabuo na ako ng tula, tapos malalaman ko pa kung paano ba nagsimula ang love story nila. Bakit nga ba hindi ko yan naisipang itanong sa kanila yun dati?

Pagdating na pagdating ko sa bahay namin, hinanap ko kaagad si Momsy at Popsy. "Momsy...Popsy...I'm home! Nasaan kayo?" sigaw ko pero walang sumasagot.

"Manang Lupe, nasaan po sina Momsy at Popsy?"

"Ayy, Mam Betty, nasa garden po sila, nagme-meryenda."

"Ahh, Sige Manang, thank you." ibinaba ko ang bag ko, tapos dumiretso na ako sa garden.

"Momsy! Popsy! Nandito na po ako!"

"Oh anak! Andyan ka na pala!" sabi ni Momsy sabay yakap at kiss sa akin.

"Anak, maupo ka na, samahan mo na kami mag-meryenda." alok ni Popsy kaya naman umupo na din ako kaagad.

"Anak, bakit nandito ka na agad? Alas tres palang ahh." tanong ni Momsy.

"Eh kasi Momsy, may general meeting po ang mga teachers, kaya maaga kaming pinauwi."

"Ahh..ganun ba? Sige. Oh kumusta naman ang pag-aaral?"

"Okay naman po. Ayun nga po pala, may assignment po kami, gagawi kami ng tula about love. Gusto ko pa sana gawing inspiration ang love story niyo ni Popsy. Okay lang po ba?"

"Walang problema Anak. Okay lang sa amin. Kung alam mo lang kung gaano kinikilig yang si Momsy mo kapag napag-uusapan yang love story namin. Haha!" sagot ni Popsy.

"Hahaha!"

"Ikaw talaga Emilio! Haha! Kung ano-anong pinagsasasabi mo sa anak natin. Haha! Pero anak, wala namang problema. Ano bang gusto mong malaman?" sagot ni Momsy.

"Ahh...Momsy, Popsy, gusto ko po sanang malaman kung paano nabuo yung love niyo sa isa't-isa? Paano nag-grow at paano niyo napatagal?"

Nagsimulang mag-kwento si Popsy, "Alam mo anak, hindi inaasahan ang pagkaka-kilala namin ng Momsy mo. Kargador ako noon sa palengke. Nagbubuhat ako ng mga banyera na may lamang mga isda. Palagi ko na namang nakikita ang Momsy mo noon, dahil madalas siyang mamalengke, pero hindi siya ang tipo kong babae noong mga panahong 'yun. Aaminin ko, sa tuwing nakikita ko siya sa palengke, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kase napaka-ganda naman talaga ng Momsy mo pero, wala akong nararamdamang kakaiba noon para sa kanya. Isang araw, habang may buhat-buhat akong banyera, nakasalubong ko siya, at sa hindi inaasahang pangyayari, natisod ako, kaya napabuhos sa kanya yung laman ng banyera na isda."

"Galit na galit ako noon. Bukod sa sobrang lansa ng amoy ko, birthday ko kase noong araw na yun. Mamimili sana ako ng panghanda, pero dahil nga sa ginawa niya, nasira ang araw ko. Tumakbo ako habang umiiyak, tapos sinundan niya ako. Sinampal ko nga siya noon tapos sinusuntok at sinisipa ko pa siya, kase inis na inis talaga ako. Humihingi siya ng paumanhin, pero ayaw kong tanggapin." pagtutuloy ni Mama.

"Sobrang hiyang-hiya ako noon dahil sa nagawa ko. Sabi ko sa kanya gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako pero iyak lang siya ng iyak tapos hinahampas-hampas ako. Sabi ko pagsisilbihan ko siya, sila ng pamilya niya, at doon na siya pumayag. Simula noon, pagkatapos ng trabaho ko sa umaga, dumi-diretso ako sa kanila para mag-igib ng tubig, mag-sibak ng kahoy, at maglinis ng bakuran. Ang usapan namin, dalawang linggo ko yung gagawin. Habang lumilipas ang mga araw na nandoon ako sa kanila, parang nakakaramdam ako ng kakaiba. Nalaman ko na lang na may gusto na ako sa kanya. Ewan ko ba kung paano nangyari, pero siguro dahil lagi ko siyang nakikita. Tapos noong magalit siya sa akin noon dahil sa nagawa ko, nakita ko yung babaeng gusto ko, sa kanya. Yung babaeng matapang at palaban. Noong matapos yung kasunduan namin, hinahanap-hanap ko siya. Parang kulang yung araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Kahit sa palengke, hindi na din. Kaya naman tuwing hapon, dumadaan ako sa kanila tapos nag-iiwan ako ng bulaklak sa tapat ng bakuran nila."

"Syempre ako, kinikilig naman ako kapag may nakikita akong bulaklak sa bakuran. Sino ba namang hindi kikiligin nun diba, eh pakiramdam ko napaka-special ko. Noong minsan, naisipan kong abangan kung sinong nag-iiwan ng bulaklak tapos doon ko nalaman na ang Popsy mo pala yun. Gulat na gulat ako noon, kase yung taong kinakikiligan ko, ay yun palang taong kinaiinisan ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon. Nainis ako, pero natutuwa din naman ako. Sabi niya liligawan niya daw ako. Hindi naman ako makasagot. Nagpatuloy siya sa pag-iiwan ng mga bulaklak, tapos sinubukan niya din akong haranahin. Nagpaalam din siya sa mga magulang ko na liligawan niya ako, at pumayag naman sila. Wala na akong nagawa. Makalawahan niya ako hinaharana tapos binibigyan ng bulaklak, hanggang sa naramdaman kong nagugustuhan ko na din siya dahil sa pagsisikap niya na suyuin ako. Hanggang sa naging kami na. Nagtuloy-tuloy ang pagsasama namin hanggang sa..."

"Hanggang sa yayain kong magpakasal ang Momsy mo. Tuwang-tuwa siya noong araw na yun. Paulit-ulit niyang sinasabe na hinding-hindi niya daw makakalimutan ang araw na 'yun. Dati naiinis siya dahil natapunan ko siya ng mga isda, pero ngayon, nagpapasalamat pa siya dahil nangyari yun, at nagkakilala kami. Ako din naman tuwang-tuwa. Ako ang nag-asikaso ng kasal naming dalawa ng Momsy mo. Wala siyang inasikasong kahit ano, dahil sabi ko, gusto ko siyang sorpresahin sa kasal namin."

"Totoo 'yun Anak, siya lahat ang nagpakahirap na mag-asikaso ng kasal namin at talaga namang na-sorpresa ako noon. Pagpasok ko ng simbahan noong araw ng kasal namin, punong-puno ito ng bulaklak! Talagang puro bulaklak ang nakikita ko."

"Humingi ako ng tulong sa lahat ng mga kakilala ko noon sa palengke para mag-ipon ng mga bulaklak, at para ayusin ito sa loob ng simbahan. Gusto ko kase talaga na hindi makalimutan ng Momsy mo ang araw ng kasal namin. At sobrang sulit ang pagod ko, dahil tuwang-tuwa siya."

"Hindi ko talaga maisip kung paano niya yun nagawa. Noong mga oras na 'yun, lalo kong naramdaman na mahal na mahal ko siya, at napaka-swerte ko na ibinigay siya ng Diyos sa akin. Tapos, dumating pa kayo ng ka-kambal mo, kaya naman sobrang saya ko."

"Sobrang nakakakilig pala ang kwento niyo Momsy at Popsy. Sana paglaki ko, makakita din ako ng taong magmamahal sa akin, gaya ng pagmamahal niyo sa isa't-isa. Tapos sana kapag ikinasal ako, kagaya din ng kasal niyo. Yung madaming flowers! Haha!" kinikilig na sabi ko.

Lumapit sa akin si Momsy, "Anak, sigurado akong may taong dadating para sa'yo at mamahalin ka, kase hindi ka mahirap mahalin anak."

"Salamat Momsy, Popsy."

.........

Sana si Matthew na ang taong magmamahal sa akin nang kagaya ng pagmamahal ni Popsy kay Momsy. Sana si Matthew na yung taong pakakasalan ko, at makakasama kong bumuo ng pamilya. Sana siya na. Sana...





.........

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon