Chapter 5

16 0 0
                                    

CHAPTER 5



        Hindi na din kami nagtagal ni Matthew sa coffee shop, tumawag kase si Mama dahil nalaman niya yung nangyari sakin sa office, kaya pinauwi na niya ako. Masyado siyang nag-alala sa akin. Till now nga, hindi ko pa din lubos maisip na nagawa ko yun. Nabigla lang siguro talaga ako, kase for many years wala akong naririnig about rape. Hindi ko na tuloy natulungan yung mag-ina.

            "Ma, nakakahiya talaga kanina." emote ko kay Mama.

            "Okay lang yun anak, hindi mo naman sinasadya."

            "Nako, magpapaliwanag talaga ako ng maayos bukas. Baka kase makarating pa 'to sa Cambridge."

            "Wag mo na yun masyadong alalahanin. Ang mahalaga okay kana ngayon."

            "Oo nga Ma, tsaka buti nalang may tumulong sa akin. Actually Ma, Pinoy po siya."

            "Aba! Buti naman at may Pinoy don. Eh, ano palang ginagawa niya doon?"

            "Intern din po siya Mama. Magkasama nga po kami kanina sa coffee shop noong tumawag kayo."

            "Ahh, mabuti naman at may kaibigan ka na agad dito. Teka, babae ba siya o lalaki?"

            "Lalaki po Ma."

            "Ha? Lalaki?" gulat na tanong ni Mama.

            "Bakit parang gulat na gulat naman kayo Ma?"

            "Eh..Ano kase, ngayon ka lang nagkaroon ng kaibigang lalaki."

            "Naku naman Ma, maliit na bagay. Haha! Tsaka wala naman sigurong masama diba?"

            "Oo naman anak. Panahon na siguro na magka-lovelife ka na." banat ni Mama.

            "LOVELIFE? Mama? Tinulungan lang ako lovelife na agad? Tsaka hindi ko nga siya masyadong kilala eh. Ikaw talaga Mama, kung ano-anong sinasabe mo! Haha!"

            "Edi kilalanin mo anak. Malay mo naman, may chance. Hahaha!"

            "Hay nako Ma, tigilan mo nga ako diyan. Parehas na kayo ni Leila sa mga ganyan-ganyan niyo. Hahaha!"

            "Ah basta anak, kung saan ka masaya doon ka." sabay yakap sa akin ni Mama.

            "Ikaw talaga Ma, grabe ka sa akin ha. Hahaha! Pero Ma, I love you!"

            "I love you anak."

            Ewan ko ba dito kay Mama kung bakit niya nasabi yun. Nanibago siya siguro, kase hindi talaga ako nakikipag-kaibigan sa lalaki. Bukod sa hindi ko nakasanayan, takot akong magtiwala sa kanila. Takot akong maulit ang nangyari sa akin. Pero kanina noong magkasama kami ni Matthew sa coffee shop, magaan ang loob ko sa kanya. Siguro dahil parang nakikita ko sa kanya si Popsy, kung paano siya mag-alala sa amin, at kung anong magagawa niya para lang mapabuti kami. Ganung-ganon yung nakita ko sa kanya kanina, habang kinukwento niya sa akin yung tungkol sa tatay niya. 

               If you will look into his case, mafi-figure out mo na mabait siya and caring. Biruin mo yun, iniwan niya yung trabaho niya para lang samahan ako sa hospital, eh hindi naman niya ako kilala. He's a gentleman.

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon