CHAPTER 7
I saw a quote saying, "The first stab of love is like a sunset, a blaze of color – oranges, pearly pinks, vibrant purples." Saktong-sakto para sa akin. Tama nga yung sabi nila na, kapag nai-in love ka, mas nagkakakulay yung mundo mo. Ganun yung feeling ko kapag kasama ko si Matthew, pero ngayong alam ko na yung feelings ko for him, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Pakiramdam ko kase ang awkward na eh, bahala na nga mamaya.
Actually, till now, hindi pa din ako maka-get-over sa mga napag-usapan namin ni Leila last night. Ang dami niyang alam pagdating sa love. Siguro super kilig yung mga memories niya dati with Marcus. Sabe niya kase, sobrang sweet daw talaga nito at laging full of surprises. Nakwento niya sakin dati yung ginawa nito noong birthday niya, tapos noong nag-propose ito sa kanya. Sayang lang at namatay agad si Marcus bago ang kasal nila. Hindi man natuloy yung exchange of vows nila, itinuturing pa rin niya itong asawa. Sobrang sweeeeeet! Ako kaya? Hayyyy.
"Huy Rina! Bakit ka nakatigil diyan sa entrance? Haha! " nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Si Matthew pala! Kanina pa pala ako nakatigil dito, mukha na naman akong tanga.
"Ahh...wala! Wala! May iniisip lang ako." natatarantang sagot ko. Bakit kase ngayon pa ako nag-daydream.
"Ano ba kaseng iniisip mo? Haha!"
"Wala."
"Baka naman mali ang tanong ko, wait ganito, SINO ba kaseng iniisip mo? Hahaha!"
"Wala nga. Ang kulit mo!" sigaw ko sa kanya.
"Ang sungit mo naman. Baka naman ako ang iniisip mo?"
Everything stopped. Parang natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasasabi mo Matthew? Bakit naman kita iisipin?"
"Eh malay ko ba kung may gusto ka sakin?"
"Haaa? A...a...ako? Ma..aa.y gu...gu...sto sa..yo? Wala ahh! Tumigil ka nga!" sinampal ko siya ng malakas sa balikat niya.
"Araaay! Grabe ka naman! Hindi ka naman mabiro! Masakit yung sampal mo ha!"
"Sorry! Ikaw kase eh, kung ano-anong sinasabe mo, hindi naman totoo!"
"Eh bakit namumula ka?" Shocks! Namumula ba talaga ako? Grabe, nakakahiya!
"Namumula? Hindi ahh! Blush on kaya yan!"
Biglang tumawa ng malakas si Matthew.
"Oh, anong nakakatawa ha Matthew?" I asked him.
"Ikaw kase!"
"Ako? Mukha ba akong clown?" naiinis na tanong ko.
"Hindi! Ang seryoso mo kase masyado! Binibiro ka lang eh! Hahaha!"
"Oh sige, tatawa na ako!" I sarcastically answered.
"Ikaw naman. Hindi na ba ako benta sa'yo?" sabay pacute.
Bakit ba siya nagpapa-cute ng ganito, "...lalo tuloy akong nafa-fall!"
"Ha? Anong sinasabe mo? Sinong na-fall?"
"Ha? Ako? May sinasabe? Ha? Wala? Ano? Walaaa! Wala!"
"Huh? Ano bang nangyayari sa'yo Rina? Hahaha!"
"Wala! Wala! Wag mo na nga ako kulitin. Magtrabaho kana!"
My God! Ano bang nangyayari sa akin? Muntikan na ako dun ahh! URGH! Hanggang kailan ba ako magkakaganito? Hanggang kelan ko ba itatago tong feelings ko?
.........
Hindi ko pinapansin si Matthew. Nagtataka nga siguro siya kase tingin siya ng tingin sa akin. Pag-titingin ako sa kanya, mapapatingin din siya sakin. Laging nagtatama yung mga paningin namin. Nakakahiya! Bakit kase ganito? Ang hirap pala talaga kapag one-sided ang love. Sana kaya kong magbasa ng iniisip ng ibang tao, para mabasa ko kung anong iniisip ni Matthew. Kung iniisip niya din ba ako o sumasagi man lang ba ako sa isip niya.
I've never felt this way before, feeling ko ang corny. I hate this feeling, pero at the same time I love it! Ewan ko ba?! Ang gulo!
I want to approach Matthew about this, pero ako yung babae, ang pangit tingnan kung ako magtatapat ng feelings ko for him, tapos malalaman ko na hindi naman pala kami parehas ng nararamdaman. Urrgh! Mas sumasakit pa ang ulo ko dito kesa sa trabaho ko!
.........
Habang gulong-gulo pa din ako, lumapit sa akin si Mama, "Anak, may problema ka ba? Parang kanina ka pang hindi mapakali diyan?"
"Ma, hindi ko po kase alam ang gagawin ko eh."
"Tungkol ba 'to sa trabaho?"
"Hindi po Ma. Mas komplikado."
"Tungkol ba saan anak?"
"Sa love??" I hesitantly answered.
"Love? In love ka na anak? May boyfriend ka na? Mag-aasawa ka na? Iiwan mo na ako?" malungkot na bulalas ni Mama.
Minsan tong si Mama may pagka-OA din minsan eh. Haha!
"Ma, advance ka naman masyado. In love pa nga lang eh. Haha!"
"Ahh...Eh in love ka naman pala eh, anong komplikado?"
"Komplikado Ma, kase hindi ko alam kung in love din siya saken..."
"Anak, wag mong pahirapan ang sarili mo sa pag-iisip tungkol diyan. Lahat ng bagay, dadating sa tamang oras, sa tamang panahon. May mga pagkakataon na kailangan nating mag-hintay, dahil hindi pa ready ang Diyos na ibigay yun sa atin. Kung siya, siya talaga. Hindi natin alam ang plano Niya. Malay ba natin, pareho pala kayo ng nararamdaman?"
May point si Mama, "Tama ka Ma, hindi ako dapat naguguluhan ng ganito."
KRRRRING! KRRRING!, "Ayy wait Ma, sasagutin ko lang tong phone ko."
"Sige anak, punta muna ako sa kusina."
Galing sa office ang call, "Hello Sir? This is Miss Arevalo speaking.""Yes Miss Arevalo, ahh...I have a good news for you."
"Good news Sir?"
"Yes, but I must tell this to you face to face, I just called to tell you that you need to come early tomorrow for the good news."
"Ahh...Okay Sir, I'll be there early. Thank you sir! Bye!"
"Oh anak, sino yung tumawag sa'yo?" tanong ni Mama.
"Ah, Ma yung boss po namin. May good news daw po para sa akin."
"Aba! Ano naman kaya yung good news?"
"Wala nga din po akong clue Ma eh, malalaman ko nalang bukas."
"Oh sige anak, balitaan mo nalang ako kaagad bukas."
"Okay po Ma."
Good news? Ano naman kaya yun? Imposible namang mapo-promote ako, eh intern lang naman ako. Hayy, ayoko na mag-isip. Malalaman ko nalang bukas.
.........

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"