Chapter 11

40 0 0
                                    





CHAPTER 11

"Oh anak, kumusta naman ang pagkikita niyo ng suspek sa pangre-rape sayo?" tanong ni Mama.

"Alam mo Mama, iba yung naramdaman ko kanina eh. Noong makita ko siya, durog na durog ang puso ko, tapos ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Sabi niya sa akin, patawarin ko daw siya kase wala daw siyang kasalanan! Ang tanga-tanga niya! Ginahasa niya ako tapos walang kasalanan? Niloloko niya ba ako?" napa-facepalm ako. Tapos ang hindi ko pa maintindihan Ma, ay yung feeling ko na naaawa ako sa kanya habang nakikita ko siyang nakahiga doon sa ospital at nanghihina. Ewan ko ba Ma!"

"Kumalma ka anak." sabay hagod ni Mama sa likod ko. "Pasasaan ba at makakamit mo din ang hustisya. Ano ng balak mo ngayon anak?"

"Bukas na bukas Mama, mag-sasampa na ako ulit ng kaso laban sa kanya. Hindi sapat na napatunayan lang na siya ang gumahasa sa akin dahil may nagturo sa kanya o dahil nag-match ang semilya niya sa nakuha sa akin. Hindi sapat na makulong siya dahil doon. Gusto kong mapatunayan sa korte ang kababuyang ginawa niya sa akin, para maipamukha ko sa kanya ang kahihiyan na naramdaman ko noong pinag-uusapan at kinukutya ako ng mga tao. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa sa akin yun, anong nag-udyok sa kanya, at kung ano ang motibo niya!"

"Ipagdadasal ko anak na magtagumpay ka sa kung ano man ang gusto mong mangyari sa taong gumahasa sayo. Alam ko ang pinanggagalingan ng poot at galit mo, pero lagi mong tatandaan na may Diyos. May Diyos tayong mas nakakaalam ng lahat. Siya ang nagbigay sa atin ng kakayahang mamimili ng gusto nating gawin at mangyari. At higit sa lahat, binigyan niya tayo ng kakayahang magpatawad, kaya wag na wag mo yang kakalimutan."

"Hindi ko po alam kung kailan ko makakayanang magpatawad Mama. Hindi ko alam kung dadating pa ba yun sa kabila ng mga sakit na pinagdaanan ko. Ayaw kong maging masamang tao Mama, alam mo yan. Pero ayaw ko din naman magbulag-bulagan at magpaka-tanga sa lahat ng nangyari. Ayaw kong balewalain ang pagkamatay ni Momsy, ayaw kong masayang ang chance na lumaban, kaya gagawin ko talaga ang lahat, maparusahan lang siya."

"Kakayanin mo lahat ng yan anak. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo, at sa kakayahan ng Diyos." sabay yakap ni Mama sa akin.

Buti nalang nandyan si Mama para tulungan ako na mabawasan ang mga gumugulo sa utak ko. Hindi ko talaga alam kung makakayanan ko yung sinasabi sa akin ni Mama na magpatawad. Sino ba naman kaseng makakapag-patawad kaagad kapag ganun ang nangyari. Mabuti sana kung ninakawan lang ako ng pera o ano mang gamit, pero hindi eh. Dignidad at virginity ko ang ninakaw niya!

Siguro mamamatay muna ako bago ko siya mapatawad.

.........



Habang naglalakad kami ni Mama papasok sa opisina kung saan kami magfa-file ng kaso, bigla na namang pumasok sa isip ko si Matthew, "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa sarili ko.

Siguro naka-graduate na din siya, siguro abogado na din siya ngayon, siguro inaasikaso niya na din yung pagtulong niya sa kaso ng tatay niya. Nasaan kaya siya ngayon? Miss na miss ko na siya. Sana nami-miss niya din ako, sana hinahanap niya din ako, sana mahal niya pa din ako hanggang ngayon kahit matagal na kaming hindi nagkikita at nagkaka-usap. Sana ako pa din sa puso niya, kase kung ako ang tatanungin, siya lang talaga! Hindi pa din natatangal yung kadena at lock ng puso ko kung saan siya nakalagay. Sa kanya ko lang naramdaman to, kaya mahirap mawala. Kelan ko kaya siya ulit makikita at makakasama? Sana lang malapit na. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita.

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon