Chapter 19

40 2 0
                                    













CHAPTER 19



Matthew's POV

"I'm not to bid goodbye, because I know, someday, somewhere, we'll crossroads again."Apat na taon na ang nakalipas pero ito pa din ang mga linyang paulit-ulit kong binabasa sa sulat sa akin ni Rina noon. Hindi pa din kasi ako nawawalan ng pag-asa na kami talaga ni Rina ang para sa isa't-isa.

            Sa loob ng mga lumipas na taon marami na ang nagbago. Kung dati ako si Atty. Matthew Rivero, ngayon ako na si Atty. at Engr. Matthew R. Sanchez. Natupad ko na din ang pangarap kong maging engineer, at napalitan ko na din ang apelyido ko sunod sa tatay ko. Ang apelyido niya ang magsisilbing alaala niya sa akin sa kabila ng pagkawala niya. Masakit man para sa amin ang pagpanaw niya dahil sa sakit niya, ay masaya naman ako na kahit papaano ay nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama.

              Sa ngayon mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pagiging engineer. In the first place yun naman talaga ang gusto ko, pero hindi ko pa din naman kinakalimutan ang pagiging abogado ko. Tumutulong ako dun sa mga taong hindi kayang magbayad ng mga abogado sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng libreng serbisyo. Paraan ko na yun ng pasasalamat sa lahat ng mga blessings na dumadating sa buhay ko.

              At this point, hindi ko pa masasabing kuntento na ako sa buhay ko, dahil alam ko sa sarili ko na malaking bahagi ang nawawala sa akin, at yun ay si Rina.

Gaano man kahaba ang mga taong lumipas, kahit minsan ay hindi ko naisipang pumasok sa isang relationship. Madaming nagpaparamdam, pero lahat sila ay hindi ko pinag-aksayahan ng panahon. Faithful kaya ako! Hinding-hindi ko ipagpapalit si Rina sa kahit kanino, dahil siya lang ang tanging babaeng mamahalin ko, pero hindi ako sigurado kung ganoon din siya sa akin.

             Wala na akong naging balita sa kanya simula ng umalis siya noon pabalik ng UK. Hindi ko alam kung nakapag-asawa na ba siya o baka naman may anak na pala siya. Ewan, pero umaasa ako na mutual pa din hanggang ngayon ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

Kung tutuusin, sa estado ng pamumuhay ko ngayon, may sapat na akong pera para puntahan si Rina sa UK, pero mas pinili kong manatili nalang sa Pilipinas at antayin ang ibibigay sa akin ng tadhana. Kagaya nga ng madalas at inuulit-ulit sabihin na, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, pilit kayong pagtatagpuin ng tadhana.

I was fixing my things sa office ng biglang may mag-pop-up sa laptop ko notifying me na may new message sa e-mail account ko.Agad ko itong binasa. Galing ang e-mail sa isa kong kaibigan na abogado din. The message says, "Good Evening Atty. Matthew! I sent this message to inform you about the International Lawyer's Conference to be held at the SMX Convention Center, Pasay City on October 25, its agenda is to discuss the new trends on law firm businesses and other related matters. The conference will include one of the most prominent lawyer, Atty. Katarina Beatrice Arevalo as a guest speaker."

WHAAAAAAAT???!!!

Paulit-ulit kong binalikan ang pagbasa sa e-mail. Sinisigurado ko kung tama ba ang nabasa ko at hindi lang ako namamalik-mata o nag-iilusyon. Kumurap-kurap pa ako pero pangalan talaga ni Rina ang nababasa ko. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa nabasa ko. "Makikita ko na ulit si Rina! Yes!!!"

Gumagawa talaga ang tadhana ng paraan para magkita kami ulit. Miss na miss ko na siya, at gustong-gusto ko siyang yakapin. Pakiramdam ko buong buhay ko na siyang hindi nakasama.

Kailangan kong gumawa ng effort para sa muli naming pagkikita. Kailangan masabi ko na sa kanya kapag nagkita kami ulit kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano ko siya gustong makasama. Sasabihin ko sa kanya na gusto kong siya ang maging partner ko sa buhay, gusto kong siya ang maging asawa ko at ibigay sa kanya ang apelyido ko. Umaasa ako na ako pa din ang mahal ni Rina gaya ng nararamdaman ko para sa kanya. Sana! Sana talaga!

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon